Kabanata 3

1640 Words
MAAYOS na ang kalagayan ni Sarah at naoperahan na rin siya dahil sa perang pinahiram ni Lara sa akin. Inilipat din siya ng kuwarto. Maganda at magara ito kumpara noong unang silid na pinaglagyan sa kaniya. Hindi pa nagigising ang kapatid ko hanggang ngayon at mabuti na rin iyon upang makapangpahinga naman siya nang matagal dahil isang araw rin siyang nagtitiis na indahin ang appendicitis niya. Sabi naman ng Doctor ay baka sa makawala ay pwede na siyang lumabas basta ay mabayaran namin ang gastosin dito sa hospital. Ako muna ang nagbabantay kay Sarah dahil sila inay at itay ay nasa koprahan ngayon dahil malapit na ang timbangan. Ang pangalawa naman naming kapatid na lalaki ay tumutulong sa konstruksiyon para raw may maitulong siya sa amin. May bagong bahay kasing ipinapatayo sa kabilang baryo kaya nagpaalam siya sa akin kagabi na baka raw pwede siyang rumaket doon. Si Nina ay nagtatrabaho na rin habang si Lito ay pumasok na sa eskwela. Ayaw kong lumiban iyon sa klase dahil lang dito. Alam kong hanggang elementarya lang ang kaya ng mga magulang ko na pag-aralin sila pero kahit ganoon ay gusto kong may matutuhan sila kahit kaunti lang. Lumabas ako ng silid ni Sarah at lumanghap muna ng sariwang hangin sa labas ng hospital. Malaki ang hospital na ito. Sa tingin ko nga pang mayaman ang hospital na ito dahil sa sobrang gara. Hindi ko na kasi naisip na sa murang hospital ko dalhin si Sarah dahil sa takot na baka hindi siya makaabot. Malayo-layo rin ang murang hospital na iyon kaysa rito. Bumalik na ako sa loob dahil baka kasi gising na ang kapatid ko at hanapin pa niya ako. Tini-text ko rin sila inay sa kalagayan ni Sarah para hindi na sila mag-aalala pa. Binuksan ko ang pinto ng silid ng kapatid ko habang nasa cellphone pa rin ang aking tingin. Hindi pa ako nakakapasok sa loob nang may marinig akong kakaibang ingay. Nang inangat ko naman ang tingin ay napatakip agad ako bigla sa aking bibig dahil sa pagkabigla. Namimilog din ang aking mga matang nakatingin sa dalawang tao na hubo’t-hubad sa loob. Napatigil agad sila sa ginagawa nilang milagro nang makita nila ako. Ang babae naman ay mabilisan ang naging pagtaklob ng kumot na para bang takot na takot makita ang kaniyang mukha. Matalim akong tinapunan ng tingin ng lalaki bago bumaba ang kaniyang tingin sa hawak kong cellphone na aksidenteng nakaharap sa kanila ngayon. Itinago ko naman agad ito sa likuran dahilan para magbago ang expresyon ng kaniyang mukha. Mali ang nasa isip niya. Hindi ko sila kinukuhanan ng litrato. Matagal akong nakabawi sa gulat. Umiinit din ang pisnge ko dahil sa nasaksihan ko. Bakit dito pa nila nagawang gumawa ng milagro? Hospital ho ito at hindi hotel. Pagamutan, hindi gawaan ng bata. Jusko naman! “Do you wanna join us?” Ang kaniyang malalim na boses ang nagpabalik sa akin sa realidad. Agad kong isinirado ang pinto dahil sa hiya at tiningnan ang room number sa itaas nito. Napatampal na lang ako sa sarili nang makitang hindi ito ang room number ng kapatid ko. Ibinaling ko ang tingin sa kaharap lang na kuwarto at doon ako nagmamadaling pumasok at ni-lock ito agad. Nakita ko ang kapatid ko na mahimbing pa ring natutulog. Napahawak ako sa may bandang dibdib ko nang hindi pa rin tumitigil ang lakas ng t***k nito. Bakit ba kasi ang tanga ko at hindi ko namalayan na iba na palang pinto ang binuksan ko. Kaka-cellphone ko kasi 'to. Napaigtad ako sa gulat nang biglang tumunog nga ang cellphone na hawak ko. Sinagot ko naman agad ito nang makitang si Inay ang nasa caller ID. “Na…” “Anak, si Jerome.” Napaayos ako ng tayo at bumalik din ang kaba ko nang marinig ko ang iyak ni inay sa kabilang linya. "B-bakit po, nay?" “N-na aksidente siya, Esperanza. Na daganan siya ng mga kahoy sa konstruksiyon na pinagtatrabahuhan niya at nag-aagaw buhay. Paparating na rin kami riyan," umiiyak at hindi mapakaling wika ni inay sa kabilang linya. Parang tumigil ang lahat sa akin nang marinig ko ang nangyari kay Jerome. Napapikit ako at doon na nag-uunahang lumabas ang mga masaganang luha ko. Sunod-sunod ang mga nangyayari sa mga kapatid ko ngayon at hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Lumabas ako sa kuwarto ni Sarah para salubungin sila inay na papunta na rito. Ngunit hindi ko pa nga naisasarado ang pinto nang may humila na lang bigla sa akin at ipinasok ako sa isang kuwarto. Bigla akong isinandal sa pader kaya naudtong ang ulo ko at napapikit din ako sa sakit. “Delete that picture.” Iminulat ko ang mata ko at nakita ko na naman ang lalaki kanina. Blanko ang tingin na ibinigay niya sa akin. Umurong ang dila ko nang mapagtanto ko na ang lapit namin sa isa’t-isa. Ramdam ko rin ang hininga niya na dumadampi na sa mukha ko. “B-bitawan mo ko.” Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya nang makita kong hindi naka butones ang polo shirt niya kaya kitang-kita ko ang maganda niyang pangangatawan. Amoy na amoy ko rin ang pambabae na pabango sa kaniya at may marka pa ng labi ang leeg nito. “No! Not unless you delete that picture,” tugon nito. Wala naman akong kinukuhang litrato sa kanila, kaya ano naman ang ibubura ko rito? Hindi porket nakaharap sa kanila ang cellphone ko ay kinukuhanan ko na sila ng litrato. Hindi ko pagkakakitaan iyon. Inangat ko uli ang ulo ko at may inis na tiningnan siya. Ngayon ay sobrang lapit na talaga namin sa isa’t-isa, sa sobrang lapit nga ay isang galaw lang namin ay baka maglapat na ang aming mga labi. “Wala akong kinukuhang litrato,” sagot ko na ikinataas ng sulok ng labi niya. Aalis na dapat ako nang hinila niya ulit ako at hinawakan ang dalawa kong kamay at inilagay ito sa itaas ng ulo ko. Yumuko siya para magkapantay kami. Ngayon ay kitang-kita ko ang repleksyon ko sa kulay abo niyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa o baka naman gumaganti siya dahil sa ginawa kong pang-iistorbo sa kanila kanina. “Pakawa…amp” Nanlaki sa gulat ang mga mata ko nang bigla niya na lamang akong hinalikan nang marahas. Nagpupumiglas din ako sa pagkakahawak niya nang mahigpit sa mga kamay ko. Hindi na tama ang ginagawa niyang ito. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa isang kamay ko kaya doon ko ibinuhos ang lakas ko para ilayo siya sa akin. Pinipilit na rin ng dila niya ang pumasok sa loob ng bibig ko pero hindi ko siya hinayaan. Ngunit napasinghap at nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang malaki niyang kamay na sinakop at mahinang pinisil ang isa kong dibdib. Uminit ang buong pisnge ko dahil sa ginawa niya. Naramdaman ko rin ang nakakaloko niyang ngiti nang makuha niya ang ninanais niya. Unti-unti na akong nanghihina dahil sa ginagawa niya. Para akong nalulunod sa bawat galaw ng kaniyang mga labi sa akin. Hinawakan niya ang aking likuran at hinapit ito para maglapit pa ang aming katawan. Siniil niya ako ng halik at naging mapusok na rin ang lalaking ‘to. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin at kung bakit lumaban na rin ako sa halik niya kahit hindi ko alam kung paano dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya. Tumunog ang Cellphone ko na naging dahilan para magising ako sa katinuan. Itinulak ko nang malakas ang lalaking ito at malakas ko rin siyang sinampal. Malutong ang pagkakasampal ko sa kaniya dahil ibinuhos ko talaga ang huling lakas ko doon sa sampal. Nanginginig na rin ang buo kong katawan dahil sa galit. Mabilis na nagtaas-baba ang dibdib ko habang nakatingin ako sa kaniya nang masama. Mabilis akong lumabas sa silid na iyon at isinirado ko pa ang kuwarto ni Sarah na naiwan kong bukas kanina bago naglakad nang mabilis sa hallway. Kung hindi dahil sa tumawag sa akin ay baka naibigay ko na ang sarili ko sa lalaking hindi ko naman kilala. Muntik ko na ring makalimutan ang kapatid ko. Patakbo kong pinuntahan sila inay at itay nang makita ko silang umiiyak na nakaupo sa bakal na upuan. Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko sa pagtulo nang makita kong may mga dugo pa sa kanilang mga damit. Niyakap ko si inay nang mahigpit na mas lalong ikinalakas ng iyak niya. May lumapit sa aming Doctor kaya napatayo kami at hinintay ang sasabihin nito. “Hindi pa ligtas ang lagay ng anak ninyo misis. May nakita kaming pamumuo ng dugo sa utak niya kaya kailanganin naming siya operahan sa lalong madaling panahon.” Parang nawalan ng lakas si inay nang marinig iyon, kaya dali-dali ko siyang inalalayan. Si itay na rin ang kumausap sa Doctor tungkol sa kalagayan ng kapatid ko. “’Nak, ooperahan na rin ang kapatid mo. Hindi ko alam kung saan pa tayo kukuha ng pera para sa kanila. Hindi pa nga nakakalabas ang kapatid mo, sumunod naman si Jerome.” Niyakap ko si inay dahil sa sinabi niya. Alam kong malaki-laking halaga ang kakailanganin namin sa pagpapaopera kay Jerome pero kahit ako ay hindi rin alam kung saan na naman uutang ng pera. Nanghihinang umupo si itay matapos silang mag-usap ng Doctor. “Hindi lang ooperahan si Jerome sa utak. Kailangan ding lagyan ng bakal ang dalawang binti niya. Mahigit kalahating milyon daw ang kakailanganin natin para roon.” Umiwas ako ng tingin nang tumulo ang masaganang luha ko dahil sa sinabi ni itay. Diyos ko! K-kalahating milyon? Saan kami hahanap ng ganoong kalaking pera? Nakita ko kung paanong walang tigil na umiiyak sila itay at inay dahil sa bagong pagsubok na ibinigay sa amin. Diyos ko, hindi ko na po alam ang gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD