Kabanata 2

1306 Words
Napatayo ako sa kinauupuan ko nang lumabas ang Doctor na tumingin sa kapatid ko nang madala namin siya rito agad sa hospital. “K-kumusta po ang kapatid ko?” hindi mapakaling tanong ko sa Doctor nang malapitan ko siya agad. “May appendix ang kapatid mo, hija. Kailangan namin siyang maoperahan agad para hindi na siya mahirapan pa sa sakit.” Natigilan ako nang marinig ko iyon. O-operahan si Sarah? Saan naman kami kukuha ng perang pampaopera? Pambili nga ng gamot niya ay walang-wala na kami, pang-opera pa kaya? Napaupo ako sa bakal na upuan dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. “Magkano ho ba ang kakailanganin namin para sa operasyon niya, Doc?” Kailangan maoperahan si Sarah ngayon. Hahanap ako ng paraan. Mag-aadvance ako sa tinatrabahoan ko kung kinakailangan para pambayad sa operasyon at sa hospital. Kaligtasan ng kapatid ko ang dapat kong unahin bago ang iba. “Hindi bababa sa 10k ang operasyon, hija. Ngunit kailangan ninyo pa ring maghanda ng malaking pera para sa mga gamot na kakailangan niyang inomin araw-araw para gumaling.” Tumango ako sa Doctor. Hindi bababa sa 10k ang operasyon at hindi pa kasama roon ang pambili ng gamot at pambayad sa hospital. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha. Hindi ko alam ang gagawin ko at siguradong paghihinaan ng loob sila inay at itay kapag nalaman nila na ganoon kalaking pera ang kakailanganin namin para kay Sarah. Pumasok ako sa silid kung saan nakita kong mahimbing na natutulog ang kapatid ko. Bumalik na rin ang kulay ng kaniyang mukha at labi. May itinurok sila sa kapatid ko para maibsan nang kaunti ang pananakit ng kaniyang tiyan. Pigil ang mga luha kong nilapitan siya at hinaplos ang maamo nitong mukha. Sobra ang takot na naramdaman ko kanina nang makita ko ang kalagayan ng kapatid ko. Akala ko…akala ko talaga ay mawawala na siya sa amin. “A-ate.” Naalimpungatan ang kapatid ko dahil siguro sa paghaplos ko sa kaniyang mukha. Halata pa rin ang panghihina niya. “Nandito lang si Ate,” malambing kong ani sa kaniya bago ko hinawakan nang mahigpit ang nanlalamig niyang kamay. Naibaling ko ang aking tingin sa pintoan nang marinig kong bumukas-sara ito. Pumasok sila inay at itay na halatang galing pa sa koprahan at hindi pa nakapagbihis dahil sa pagmamadali. Nag-aalala ang mga mukha nilang nilapitan agad kami. "Anong nangyayari? Nasa maayos bang kalagayan ang kapatid mo, anak?" naiiyak na tanong ni inay sa akin. Sinabi ko sa kanila ang kalagayan ni Sarah ngunit hindi ko sinabi ang tungkol sa pera na kakailanganin namin para sa operasyon dahil alam kong hindi sila makakatulog kakaisip kung saan hahanapin ang para sa aming ganoong kalaki ng pera. Iniwan ko muna sila roon at pumunta sa lugar na pinagtatrabahoan ko. Nagbabakasakali akong makuha ang sahud ko sa susunod na buwan o kaya ay makautang ako para pandagdag sa gastusin. Kukuha na rin ako ng mga gamit na kakailanganin namin sa hospital. “Esperanza, hindi kita mapapagbigyan ngayon dahil kahit ako rin ay nangangailangan din para sa tuition ng anak ko. Alam mo namang magtatapos na ng kolehiyo ang anak ko. Sa susunod na lang, hija.” Hindi ko masisisi si Aling Sanya dahil maliit lang na karinderya ang bumubuhay sa kanila at may pinapaaral pa siyang anak sa kolehiyo. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago pinunasan ang pawis na lumandas sa aking mukha. Nilakad ko lang kasi ang daan papunta sa karenderya ni Aling Sanya kung saan ako nagtatrabaho. Sayang naman kasi ang perang pamasahe kapag sasakay pa ako. Bagsak ang aking mga balikat na naglakad patungo sa baryo namin. Sinubukan ko na ring mangutang sa mga kapitbahay namin pero wala muna silang mapapahiram dahil mismong sila ay gipit din sa buhay. Ngunit hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa para sa kapatid ko. Pinakain at pinatulog ko na rin ang iba ko pang mga kapatid na naiwan sa bahay nang sumapit ang gabi. Pinakiusapan ko ulit si Aling Goring na kung puwede ay silip-silipin niya ang mga kapatid ko. Naabutan kasi ako ng dilim kakahanap ng perang pang-opera. "Esperanza, bakit hindi ka na lang kaya kay Lara magtungo. Bali-balita kasi na may costumer siyang amerikano noong isang araw, baka maambunan ka pa ng grasya kapag sa kaniya ka lumapit," ani ni Aling Goring sa akin. "Nahihiya po ako aling Goring. Maraming beses kasi akong inalok ni Lara ng trabaho niya pero maraming beses ko rin siyang tinanggihan," matamlay ang boses na ani ko rin. "Hay nako! Subukan mo lang at baka pahiramin ka pa." Bumuntong hininga namsn ako. Wala naman sigurong mawawala sa akin kung susubukan ko lang ang sinabi ni Aling Goring, total ay kailangan na kailangan ko na rin talaga ng pera. Dala-dala ang mga gamit na kinuha ko sa bahay ay pumunta ako kila Lara. Kapag walang-wala na talaga kaming lahat dito sa baryo ay sa kaniya kami lumalapit. Hindi naman siya nagdadamot. Nagpapahiram siya ng pera kapag mayroon siya at nilalagyan niya lang ito ng interest. Sakto namang kakauwi lang din niya galing sa trabaho pagdating ko sa kaniyang bahay. "Esperanza! Naparito ka? Nagbago ba ang isip mo tungkol sa raket na sinasabi ko?" agad niyang wika nang makita niya ako. Dahan-dahan naman akong umiling sa kaniya. “Lara, manghihiram sana ako ng pera para sa operasyon ng kapatid ko. Ikaw na lang talaga ang malalapitan ko ngayon," nahihiyang wika ko sa kaniya bago ako yumuko. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga habang nakatingin sa akin. Napakagat na lang din ako sa ibabang parte ng labi ko. “Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin ang alok ko sa iyo, Esperanza. Maganda ka naman, sexy at saka ang puti mo pa. Siguradong maraming mga lalaki sa ibang lugar ang gusto kang maikama at magkakaroon ka pa ng limpak-limpak na pera sa isang gabi lang. Hindi ka sana mahihirapan ngayon sa paghahanap ng pera.” Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Mali yata ang naging desisyon ko na nilapitan ko pa siya. “Alam ko kung anong pumipigil sa’yo. Dignidad hindi ba? Sus! Naranasan ko na rin ‘yan pero walang wala ang dignidad kapag buhay na ng mga mahal natin sa buhay ang pinag-uusapan dito. At saka, ano bang magagawa ng dignidad saiyo? Makakain ba 'yan? Maipangbabayad mo ba yan sa hospital? Hindi naman ah. Maging practical na tayo sa buhay Esperanza, pera ang kailangan natin hindi dignidad." Mas lalo akong napayuko sa narinig ko kay Lara dahil tama naman siya. Dignidad at respeto sa sarili ang pinapahalagahan ko. “Oh, ito limang libo. May interest ‘yan ha. 'Yan lang muna maipapahiram ko saiyo ngayon," dagdag niya nang mailahad sa akin ang pera. Dahil sa tuwa ay nayakap ko bigla si Lara. Gumaan nang kaunti ang bigat na dinadala ko. “Maraming salamat, Lara. Huwag kang mag-aalala at babayaran kita," naluluhang sabi ko dahil sa sobrang kasiyahang nadarama ko ngayon. “Sige na, pumunta ka na sa hospital dahil malalim na ang gabi. Basta kapag nag-iba ang isip mo tungkol sa alok ko ay lapitan mo lang ako ha. Higit pa riyan ng makukuha mo sa trabahong ito. Hindi marangal, pero mabubuhay ka naman." Pumasok na siya sa bahay niya at ako naman ay nagsimulang maglakad papuntang hospital. Pwede ko ng ipambayad muna itong limang libo para sa operasyon ni Sarah at ang kulang ay sa susunod na lang. Alam kung mahirap ang buhay ngayon pero hindi rin sumagi sa isip ko ang maging isang bayarang babae na kung sino-sino lang mga lalaki ang nakakama. Hindi ko hinuhusgahan ang pagkatao ni Lara dahil alam kong napilitan lang din siya dahil sa hirap ng buhay. Pero kahit ganito ka hirap ang buhay susubukan kong huwag ipagbili ang dignidad na mayroon ako dahil ito lang ang tanging kayamanan ko bukod sa aking pamilya. Hindi ko rin iyon masisikmurang gawin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD