Madilim pa ng magising si Gia. Nagtataka siya kung bakit napakabigat ng katawan niya, na wari mo ay may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya. Unti-unting iminulat ni Gia ang mga mata at nabigla siya ng mapansing hindi iyon ang kwartong inuukupa nila ni Gael. Napasinghap pa si Gia ng biglang maramdaman ang kamay na humaplos sa kanyang dibdib. Doon lang niya narealize na wala siyang saplot. Napabaling naman si Gia sa kanyang kaliwa at doon niya nakita ang natutulog na si Diesel sa kanyang tabi. Sa gulat niya ay muntikan na siyang mapasigaw, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Kinuha na rin niya ang pagkakataon na pagmasdan ang gwapong mukha ni Diesel. Masasabi niyang napakaswerte ng babaeng makakasama ni Diesel habang buhay. Mapait siyang napangiti ng maalala ang pirmahan na na

