Chapter 26

1926 Words
EXF 26- METAL ROSE POISON Gimme a torn like infinite hurt through the soul. But, if I could see your petals like infinite love through heaven. Gimme a reason to stand by my strong stem, and live happily through infinity and beyond. -- Kit's POV Pinagmasdan lang ako ni Kae habang kinukuha ang ilang gamit ko sa kwarto namin. Lumipat ako sa third floor kung saan ang kwarto ni Mama noon. Ayoko munang makatabi siya at kung pupwede rin na 'di makita si Kae ay gagawin ko. Bumabalik kasi ang lahat ng sakit. Padabog kong sinara ang pinto pagkalabas ko. Habang patungo ako sa kwarto ko ay nakahawak ako sa dibdib ko. Naninikip dahil nasasaktan din ako sa ginagawa ko sa kakambal ko. Pero may magagawa ba ako? Hindi naman ako pwedeng hindi malungkot at balewalain nalang ang lahat sapagkat anak ko ang nawala. Masakit iyon para sa inang katulad ko. Iniisip ko siguro malaki na siya ngayon. Pagkapasok ko sa kwarto ay kinuha ko ang steel rose. Pinagmasdan ko lang iyon. Sumagi tuloy sa isip ko si Enpinitte. Iniisip ko na siguro ay ganoon narin siya kalaki. Nasa tabi ko naman ang tela. Kinuha ko uli iyon at niyakap. Naglandas na naman ang mga luha ko. "Aria anak, patawarin mo sana si Mama kung nalimutan kita." I remember the days na kapag lagi ko siyang kinakausap. At nagreresponse siya kapag gumagalaw siya inside my womb. My plan for her is that I'll treat her like a princess and I'll give everything to her specially the tender love and care. I remember the glimpse of her after I gave her birth. I know she's the most precious gem that I'll never had before. Pero bakit pinagkait siya sa 'kin ng tadhana? Bakit kailangan niyang mawala sa piling ko? Napalingon ako sa veranda nang may marinig akong tunog. Lumapit ako doon at laking gulat ko sa kung sino ang nakita ko na kasasampa palang. Seryoso? Inakyat niya ang third floor? Paano siya nakapasok? "Cronux!" bigla niyang tinakpan ang bibig ko at pagkapasok sa kwarto ay inalis niya rin. "Anong ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok?" nagkibit balikat siya at hinubad ang jacket na suot. Hayan na naman ako sa mukha siyang tambay kapag hindi naka tux eh. Ngayon naman ay mukha siyang naliligaw na mafia. "It's not important Kit. Ang gusto ko lang ay makita ka." Enebe! Bakit ba kumikislap siya? Kunwari ay tampo mode ako. "Naku! Pinalayas ako nung impaktang si Meda. Bakit pala sa inyo nakatira iyon?" he smiled. Daig ko kasi ang girlfriend na nagseselos. "She's my cousin at doon siya minsan tumutuloy sa mansion lalo na kapag namimiss si Enpi." Tumango lang ako. "What happened to your eyes? Why it's purple? Alexandria kaba?" he asked. "Nope, nag-contact lenses lang ako." I said. Kaysa naman sabihin kong carrier ako diba? Baka bigla niya akong takbuhan kapag nagkataon. "So, bakit pala gusto mo akong makita?" hay, Kit teenager ka gaga! Bipolar parang kanina lang iyak ng iyak ngayong dumating lang si Cronux ay para ng kiti-kiti. He slowly held my left hand. "I just missed you." Sabi niya. Ilang Segundo kaming nagtitigan. Unti-unti niya inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Tell me, hindi ka talaga naka-contacts no?" sabi niya sabay ngumisi. And I don't know what happened next. My eyes were glued on the rose steel. -- Cronux POV It's a split second before her eyes turn into dark shade purple. Her hair turns into electric blue. She smiled at me. "Welcome back, Trinity." I said. "I will do anything for the sake of your glory." This is it. Kinuha ko ang rose steel at bumalik na iyon sa totoong anyo. It's an activation ampoule venom for purple IC. It takes a few weeks before ito umepekto sa target and like her na hindi kayang kontrolin ang IC. And now I'll control her like my own. I touched her pretty face. Gusto ko panghabang buhay ko nang gawin ito sa kanya. "Kamukhang-kamukha mo talaga si Kamika." Napalingon kami sa portrait ng ina niya na nasa loob ng kwarto. She just nodded medyo na replace lang ang totoong sistema ni Kit. "Sayang lang at hindi sila nagkatuluyan ng tatay ko." Madalas kasi sa 'kin ikwento ni Lolo kung gaano kamahal ni Daddy si Kamika maski akong sariling anak niya ay hindi magawang mahalin dahil bunga lang daw ako ng isang pilit na pag-ibig. "Oh, edi sana magkapatid tayo?" Trinity said. I just laugh. "Nope, because Kamika killed my father." Bulong ko sa kanya. Hindi siya sumagot alam ko naman na isang system lang ang kausap ko. Mas mabuti na iyon at nang walang maalala si Kit kapag bumalik na siya sa dati after an hour. This metal rose poison is just a sample for now. "Then, what happened next?" she asked. I know everything. Nakita ko ang pangyayaring iyon. Nakita ko ang lahat-lahat! How Kamika ruined my father's life. Kasalanan niya ang lahat. "Ofcourse your mother was so beautiful kaya imposibleng hindi siya habulin ng Dad ko. She's also genuine, being a young girl scientist is not easy. And the time when my father knew about her wedding to your father. He kidnapped your mother." Napahinto ako. That day was the worst day of my life. Seeing my father possessively inlove to a girl that won't love him back. Marami talagang atraso sa amin ang pamilya Ormane at damay silang kambal doon lalo na nung sa kanila itinanim ang mga IC's. At ang Lolo nila. May pinagmanahan talaga ang Ina nila. Natuwa nalang akong pagmasdan siya. I know I am stupid to fall for her, and I'll be like my father. Ang magmahal ng isang tao na alam kong hindi kami mamahalin pabalik. Sinabi ko sa kanya ang kanyang gagawin. Naka-set naman ang time kung kailan siya uli tatalaban metal rose poison pero baka sa pagkakataong iyon ay pangmatagalan na. nakadepende nalang sa kanya kung babalik pa siya sa dati. Nakadepende ang lahat sa galit at hinagpis niya. Metal rose poison hates good hearts. Pawala na ang epekto ng metal rose poison. Habang unti-unting nawawala ang kulay ng electric blue sa buhok niya ay naisipan kong gawin ito. I just want to know the taste of her lips. So I did. -- Kit's POV Para akong dumaan sa isang pagkabagok. Parang natauhan ako pero mukhang gusto kong mabagok uli dahil sa nararanasan ko ngayon. Putanginaaaaa! Makahalikan kami! Tangina, anong gagawin ko gosh! Ni hindi ko nga alam kung bakit o paano kami dumating sa ganitong sitwasyon. Pinili ko nalang mapikit upang namnamin-este pakiramdaman ang halik niya. Magreresponse ba ako? Ano ba! Punyeta! His lips is still moving. Ako naman mukhang tanga na animo hindi sanay sa ganito. Kainis! Baka kapag nagresponse ako magalit si Lelouch...teka! Hindi mali! Mali! Ang mga nangyayaring ito. Napaatras na ako at napasandal sa pader pero nakadikit parin ang labi niya sa labi ko. Savoring mah lips ah? "I won't stop..." habol hininga niya pagkabitaw sa labi ko. Nakatitig lang ako sa kanya mga isang dangkal lang ang layo ng mga mukha namin. "Won't stop what?" he grinned. "Loving your lips..." then claimed my lips again. Jusmiyo nabobobo ako! Magna c*m laude kaya ako! King ina. Pero isa lang ang malinaw sa 'kin. Ayokong masaktan siya o ma-guilty ako. Ayokong magmahal na ibang tao ang laman ng puso ko. Si Lelouch lang. I tried to stop him. "Please..." I said. Masyado na akong nahihirapan sa pagdedesisiyon. Marami na akong nasasaktang tao dahil sa pagiging selfish ko. Why am I born like this? A cold hearted. "Just go away Cronux. I have so many things that I need to solve by my own." Umalis ako sa pagkakasandal sa pader. "Please...let me think about us. I don't want to enter something that I know I'll regret later." He smiled at me. Mas lalo akong nasasaktan sa pagiging martir niya eh. Kainis naman! "I understand and I'm willing to wait. But remember that I'll stay at your back, ready to catch you when you fall again." Hindi ko siya sinagot. Nakatalikod lang ako sa kanya. Nang maramdaman kong nakaalis na siya ay nagsilaglagan na ang mga luha sa mata ko. Ano bang katangahan ang mayroon ako? Ang puso ko, bakit hindi niya ako hayaang magmahal uli? Bakit siya parin? Tangina niya! sayang ang effort ng ibang tao. Ang pagpapakamartir ng ibang nagmamahal kailan mabibigyan ng hustisya? Puro nalang ako bakit. Kailan ba matatapos ito? Oo na Lelouch! Ikaw lang! Tangina ka! Kung nasaan ka man. Sana ramdam mo kung paano ako nahihirapan sa pagmomove-on sayo. Sa pagwala mo sa ala-ala ko patungkol sa anak natin. Ganyan ka naman eh, sinasaktan mo nalang nga ako sagaran pa! May sinayang na naman akong pagkakataon. Isang tao na naman ba ang sasayangin ko? Napatingin ako sa steel rose. Kinuha ko iyon at niyakap saka nahiga. Masyado na akong pagod kakaiyak sa araw na ito. Kailangan ko na muna sigurong isara ang mundo ko. I need rest... From all the pain of this world. -- Kae's POV It's already late in midnight. Nakaharap lang ako sa kama ni Kit habang patuloy na umiiyak. Hindi kasi ako sanay na hindi siya kasama dito sa kwarto pakiramdam ko nawawala ang kalahati ng pagkatao ko. Napatayo ako. Pupunta nalang siguro ako sa laboratory upang doon nalang magpalipas. Hindi rin naman ako makakatulog. Halos hindi ko maramdaman ang antok sa buong sistema ko. Pagkapasok ko sa laboratory ay nakita ko doon si Kinnick. May kung anong ginagawa sa tapat ng computer. Tila hindi niya naramdaman ang pagdating ko kaya pinagmasdan ko muna siya. Maraming lumalabas na data at code na hindi ko naman maintindihan. Aba, may tinatagong galing yata siya sa teknolohiya ah. Akalin mo mas gwapo para siya kapag seryoso. Kitang-kita ko ang hugis ng mukha at labi niya. At ang proportion ng nose niya ay perfect din. Tanga nalang siguro ang hindi mainlove sa kanya. "Seryosong-seryoso ka diyan ah!" basag ko sa katahimikan. Nagulat siya kaya tumama ang tuhod niya sa lamesa. Napahiyaw siya sa sakit. "Ano kaba naman!" sabi niya habang yakap ang nasaktang tuhod. Natawa ako at nilapitan siya. "Hindi ka makabasag pinggan sa pagkaseryoso eh, anong ginagawa mo dito? Dis-oras na ha," tanong ko sa kanya. "May inaalam lang ako." Sabi niya. "Ano naman 'yon?" tanong ko. "Feelings mo para sa 'kin." Nasamid ako bigla. "Tangina, mag-computer ka nalang nga uli!" sagot ko. Nagtawanan naman kami. Having a crazy little moments with him is amazing. Swerte talaga ang magmamahal sa kanya. Tumingin naman ako sa screen kung ano ang pinagkakaabalahan niya. "Siya na naman?!" bwisit! f*******: nung Kaehel ang nakikita ko eh! "Ano naman?" sabi niya. aba't-! "Kahiya sayo. Computer ko 'yan at internet ko gamit mo!" nasusura ako eh. "Magkano renta?" napapikit ako. Hays. Sana antok dalawin mo na ako bago ko masapak ang isang ito. "Kailangan ba talaga ka-chat siya hanggang ngayon?" tiningnan niya ako. Mapaglarong tingin. "Selos kana naman?" binatukan ko nga! "Awts naman!" "Wala akong pake sa inyong dalawa! Kahit maghubaran kayo di- tangina! Bakit inaalis mo t-shirt mo?!" narinig kong tawa ng tawa ang babae sa may screen. Napapaangat ako ng labi. Mga punyeta dito talaga naglalandian ganon?! Out of the blue ay hinila ko ang saksakan. Tangina niyo ah, landian pa more! "Grabe naman Kae!" reklamo ni Kinnick. "At baket?!" sagot ko naman. Napakamot nalang siya ng ulo at nalungkot. Bigla naman akong kinunsensya. Tumayo siya at nilagpasan lang ako. Hala....galit yata. Sinundan ko siya hanggang labas. "Kinnick, wait. Sorry na." hindi niya ako pinansin patuloy lang siya sa paglakad. Putspa naman oh, madaling araw ganito ang drama namin. Nagpang-abot kami sa balcony. Wala na gaanong mga stars dahil madaling araw na. "Kae, ayaw mo ba akong magmahal ng iba?" medyo hindi ako naging ready sa tanong niya. "Hindi ko alam." Sagot ko. Parang maling sagot yata. Optional ba? "I tried. Kahit nasasaktan ako tinitiis ko, sana bigyan mo naman ako ng chance." Tangina! Si Kinnick ba talaga ang kausap ko? Ano ba ito? Mas lumapit pa siya sakin. Sobrang lapit. Napayuko ako. "Sa totoo lang. Ayaw lang din kitang masaktan. Pero kung gusto mo na sa iba, walang problema." Tumalikod na ako. Pero hindi ko inasahan ang mga sumunod na pangyayari. He pulled my arms then he kissed me. I felt my world stop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD