Chapter 25

1809 Words
EXF 25- ANGER -- Kae's POV Nagising ako sa loob ng silid ko. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Kinnick na labis ang pagaalala. "Ayos naba ang pakiramdam mo Kae?" tiningnan ko siya ng makahulugan. Ano nga bang nangyari? Di ko siya sinagot. Bumaba ako sa kama at sumilip sa pinto. Tahimik lang ang buong pasilyo. "May hinahanap kaba?" nilingon ko si Kinnick. "Bakit nga ba nandito ako? Pagabi na pala?" "Anong pagabi ka diyan. Alas dose na uy! Di ko alam sayo, basta pagdating ko nakita nalang kitang nakahandusay sa pasilyo. Siyempre ala-lang alala ako. Ang taas ng lagnat mo kanina buti at bumaba na ngayon." Lalong nangunot ang noo ko nang makita ko ang kabuuan niya. "Tangina? Bakit ka walang pangitaas!" kumuha ako ng isang unan at binato siya. "Masama bang walang pangitaas. Macho naman ako ah?" gumiling-giling pa ang ugok na lalaki. Jusme! Mabibinat yata ako! Sandali nga... Panaginip ko lang ba ang mga nangyari kanina pagkatapos kongmakausap si Dr. Mershelle? Sa pagkakaalam ko ay nakita ko si Paolo doon sa may pasilyo malapit sa malaking bintana. Niyakap ko siya at umiyak na ako ng umiyak. Tapos...ano nga ba kasi? Takte! May sapot pa utak ko eh. "Actually kinukumbulsion ka kanina. Kung ano-anong mga sinasabi mo. Tapos, pinapaangat mo lahat ng gamit dito maski kama pinaangat mo." Pahayag ni Kinnick. "Seryoso ka?" nabigla kong tanong. Hindi ako makapaniwla sa mga ginawa ko kanina. "Paano mo ako napakalma aber?" he smile michieveously. "Hinalikan kita." Bigla ko siyang sinikmuraan. "Punyeta ka!" tawa siya ng tawa. "Ikaw naman di mabiro! Sobrang sakit nun ah! Kapag ikaw binawian ko!" nagtitigan kami. "Anong igaganti mo ah!" binangga-bangga ko ang balikat niya. "Kiss. Hahalikan kita ng marami!" napapikit ako sa sobrang inis. "Sinasabi kona eh, magiging manyak ka kapag nagtrabaho ka sa Kaehel na 'yon!" he just tease and roll his eyes. "Yung android mong Paolo ang nagpakalma sayo!" tinalikiuran niya ako saka pinagpag ang mattress. Ako naman ay napapaisip. Nakalimutan ko na may android pala ako. Akala ko siya na talaga. heto na naman ako at umaasa. "Mahiga kana uli at magpahinga, kailangan ko na matulog." Napatingin ako kay Kinnick. Halata nga na antok na antok na siya. "Sige, salamat at...pasensya na." he just smiled. At lumabas na ng kwarto. Muli akong nahiga at iniisip si Kit;napatingin tuloy ako sa kama niya. kailan kaya siya uuwi? Nakausap ko kanina si Cexza hindi daw nagtungo sa kanila si Kit. Sana kung nasaan man siya ay maayos siya. Napunta naman ang antensyon ko sa steel rose na nasa side table ni Kit. Normal lang bang kumikislap ang kulay pulang ilaw non? Tumalikod nalang uli ako at muling hinanap ang antok ko. Pero baka mahihirapan ako sapagkat matagal ang naging tulog ko kanina. -- Paolo POV Stelar Quarter Napailing na lamang ako nang makita ang sitwasyon ni Kit. Naalala na niya ang lahat. Ano na ang mangyayari? Si Lelouch, nawala ang data namin sa kanya kaya hindi tuloy namin matukoy kung saang bahagi siya ng DGQ itinago. "Lumiliwanag ang black IC Metal uneses." Nabaling nag atensiyon ko kay Seldo saka sa kwintas. Oo nagliliwanag nga iyon. "Malapit na ang lost date Seldo." And that f*****g lost date. Iyan ang araw na itinanim ang mga IC sa mga carriers at siyempre ang araw na iyon ang dahilan ng lahat. Pero ang lots date ngayong taon as magiging aktibo ang mga IC kaya dapat ay alam na itong kontrolin ng carriers lalo na sina Kit at Kae. Isang malaking responsibilidan ang nakaatang sa kanila sapagkat nakalalay sa kanila ang buhay at kamatayan ng bawat isa. Their IC's was so dangerous. Hindi biro ang mga nakaatang na mangyayari sa kanila kaya ngayon dapat ang una nilang gawin ay tanggapin na mga carrier sila. Lalo na si Kae, sa mga susunod na araw ay mas magiging mahirap ang pagaadjust niya sa Blue IC. Kaya nga kahit patago ay binabantayan ko parin siya katuwang ang Android. Pero mas madalas ay hindi niya alam na ako talaga ang nakakasama niya. Ganoon naba talaga ako kagaling magpanggap? Alam ko na darating ang araw na matatapos ang lahat ng ito. Aayusin kong muli ang sa amin ni Kae. Kailangan kong tiisin ang lahat kahit sobrang sakit na ibang tao-teka? tao nga ba? Ang nagaalaga at nakakasama niya sa araw-araw. Kahit gusto ko ng bugbugin ang lalaking iyon ay hindi ko magawa. Mahirap bugbugin ang isang GCH no? edi kinain ako ng mga firynii niya. Kaya di bale nalang mas gwapo naman ako sa kanya. "Ano bang magyayari sa lost date?" tanong ni Seldo. "WAR. Between SQ and DGQ." I said calmly. Dahil agawan na iyon ng Infinite Capsules. -- Cronux POV "Bakit ka napadalaw dito, Kitara?" inaasahan ko naman na darating siya ngayon pero di ko inaasahan na palalayasin niya si Kit. "Namimiss ko si Enpinitte." She said. Pero nakukutuban ko na may ibang balak siya. "Sinong bantay ni Lelouch?" tanong ko. "Babalikan ko siya mamaya, wag kang mag-alala nakapatay ang data ng buong DGQ kaya walang madedetect ang mga taga SQ." hindi ako panatag. Alam kong mautak ang pinuno ng SQ. "Si Enpi?" hindi kasi ako sinalubong ng anak ko. "Nakatulog kakaiyak." Bigla ko siyang hinablot. "Bakit siya umiyak?" ayokong umiiyak ang anak ko. Ni lamok nga at alikabok di ko hinahayaan na dapuan siya. "Hinanap niya si Kit. Aray! Masakit na ang hawak mo!" binitawan ko siya. "Kasalanan mo, pinaalis mo kasi siya!" tumaas na ang tono ko. "Ako pa? kita mong abot langit ang irita ko sa babaeng 'yon! bakit pa ba kasi pinakilala sa kanya Si Enpi paano kung makaramdam 'yon!" "Walang akong pakelam kahit maalala na niya ang lahat. Alam kong samin parin siya ni Enpinitte babagsak." Napailing nalang siya. "Paano na ang plano?" "Tuloy na tuloy. Kaya hangga't maaari ay paalalahanan mo na ang inutil mong kapatid na mag-handa na." Isa pa yang si Kinnick. Humanda siya sa sakin sapagkat nalalabi nalang ang mga araw niya sa mansion ng kamal. At siyempre ang pinakahihintay ko lost date. Umaayon na sa akin ang lahat. Malapit ko ng makuha muli ang dapat ay akin. Papasok n asana ako sa kwarto ni Enpinitte nang bigla akong napahinto. Para kasing nagdalawa ang tingin ko at kumirot ang ulo ko. Kinuha ko sa bulsa ko ang gamot ko. Mina-migraine na naman ako. Di bale, mayakap ko lang ang anak ko. Magiging maayos na ako. -- Kit's POV Nakatulugan ko ang galit na nararamdan ko. Kaya pagkagising ko ay nasa loob parin ako ng nursery room. Naluluha na naman akong pinagmamasdan ang bawat kagamitan ng anak ko. Kay tagal niyang nawala sa isipan ko. Kinuha ko ang tela kung saan nakaburda ang pangalan niya; niyakap ko iyon pilit ko siyang dinadama. I felt betrayed and humiliated. Why Kae? Lelouch? Bakit niyo tinago sakin ang lahat? Binura niyo ang ala-ala ko tungkol sa anak ko. Tumayo ako at lumabas ng kwarto dala ang tela. Nakita ko si Lelouch the android na tila inaabangan ako. Lalo akong nakadama ng ngit-ngit sapagkat nakikita ko nga sa kanya si Lelouch. "Kit. Galit. Ka. Sakin?" wala sana akong balak na kausapin siya kaso ay makulit din ang android na ito. "Lumayo ka sakin! Ayaw kitang makita!!!" sigaw ko sa kanya nang makalabas ako ng condo. "Ayaw. Kitang. Layuan kas-'' hindi na niya naituloy ang sasabihin niya sapagkat in-off ko ang system niya. at binato ko kung saan ang tablet. Bahala na siya sa buhay niya sa kung sino man ang makakuha sa kanya. I don't care! Galit ako sa kanilang lahat! Kailangan naming magharap ni Kae! Humanda siya sakin! Sa mansion ay nadatnan kong nasa nag-aalmusal na sa lamesa sina Kae at Kinnick. Nang makita ako ni Kae ay kaagad siyang tumayo at niyakap ako. "Mabuti naman at bumalik kana." naramdaman niya siguro na hindi ako gumanti ng yakap. Kumalas siya sakin. Tinitigan ko siya ng masama. Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa kaliwang pisngi niya na kinagulat niya at kinatayo ni Kinnick. "Iyan ay para sa pagwala mo sa anak ko!" sinampal ko siya muli sa kanang pisngi naman. "At iyan naman ay sa pagtatago sakin ng lahat sa loob limang taon!" sigaw ko sa kanya. Gulat na gulat siya habang sapo an gang pisngi. "A-alam mo na?" nanginginig niyang tanong. "Oo! Naalala kona nag lahat! Paano niyo nagawa sakin ang mga bagay na iyon ha? Kae!" hindi ko na kayang pigilan pa ang galit na nararamdaman ko. Galit na galit ako! Nagsimula namang pumatak ang mga luha niya. "Kit...patawan mo ako." Hinawakan niya ako. "Hu'wag mo akong hawakan Kae!" itinulak ko siya. Kaagad naman siyang inalalayan ni Kinnick. "Kit, tama na 'yan." Tiningnan ko rin siya ng masama. "Magsama-sama kayong lahat!" tinalikuran ko siya at umakyat paitaas. Pagkapasok ko sa kwarto ay saka kumawala ang mga luha ko. Masakit din naman ang ginawa ko. Kakambal ko parin siya...ngunit ang sakit na dulot ng nakaraan ay hindi ko mawaglit. Sana hindi nalang kasi siya. Napasigaw ako at pinagbabato kung ano man ang mga bagay na nasa loob ng kwarto. Napahinto ako pagkatingin ko sa salamin. Kulay purle na naman ang mga mata ko. Lumabas na naman ang sumpa! Lalo akong nanggalaiti kaya binato ang salamin. Nabasag iyon. Naalala ko si Lolo. Ang bwisit na Infinite capsule na nakatanim sakin. Ang nakaraan namin ni Kae lahat nalang ba ay puro miserable? -- Kae's POV Tuloy parin ang daloy ng mga luha ko habang dinadampian ni Kinnick ng ice bag ang pisngi ko. Masyado kasing malakas nag pagkakasampal sakin ni Kit di ko alam mukhang sapak na ang ginawa niya. alam kong deserve ko iyon. Pero paano niya kaya naalala ang lahat? "Nagkaanak pala si Kit?" tanong sakin ni Kinnick. "Oo, pero nawala dahil sakin." I sobbed. Kinkwento ko sa kanya ang mga nangyari. Lalo akong napaiyak. "Tahan na. hindi mo naman kasalanan ang lahat. Yung kumuha sa anak niya ang may kasalanan." Himikbi lang ako. "Iyon pa nga ang isang problema. Hindi niya alam na kinuha si Aria ang alam niya lang ay nawawala." "Sabihin mo na. para hindi na siya magalit sa'yo. Ikaw ang sinisisi niya eh." "Hindi Kinnick, tatanggapin ko ang galit niya. alam ko ito ang nararapat sa isang pabaya na tulad 'ko." Lalo akong naiyak. Niyakap na lamang ako ni Kinnick. Pero maya-maya ay bigla siyang kumalas sakin. "Sandali lang Kae ha? Kunin ko lang yung hotdogs, sayang kasi at gutom na 'ko." Tumakbo siya patungo sa lamesa at kinuha ang hotdogs na niluto niya para sa almusal. Pagkatabi sakin ay kumuha siya ng isa at kumagat. "Tara, yakapin na uli kita. Iyak na uli." Gustuhin ko man mainis o matawa sa kanya kaso di ko kaya eh. Panira ang mga hotdogs eh. Minsan na nga lang kami magka moment ni Kinnick. Ngumunguya siya ng hotdog samantalang ako kumuha narin ng isa at kumagat habang humihikbi. "Kae, para ka naman sampung taong gulang eh!" rekalamo niya. "Eh, tangina mo pala. Nageemote ako tapos kumuha ka ng hotdogs!" malapit na akong pairita sa kanya pero panay lang ang ngisi niya at kagat ng hotdog. Sabay kaming napatingala ni Kinnick sa second floor dahil may kumalabog o nabasag. Dali-dali kaming nagtungo sa kwarto. Pagkabukas ay nadatnan ko si Kit nakaupo lamang sa ka ay niya habang hawaka ng steel rose. Pero ang buong silid namin ay tila dinaanan ng delubyo. Basag ang mga salamin. Nakatingin lang sakin si Kit. Pero yung mga mata niya purple na. mag guhit kulay puti sa kamay niya habang hawak ang steel rose. Sandali! Conductor ng electricity ang steel at metal. So ibig sabihin...tanggap na niyang isa siya siyang IC carrier... --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD