EXF 27- TRANSITION
TRANSITION- a change from one state or condition to another.
--
Kaehel's POV
Nangunot ang noo ko nang biglang ma blackout ang monitor ni Kinnick. Napangiti nalang ako. Masarap din palang kausap ang ugok. Pagkatingin ko sa orasan ay nagulat ako. Inabot pala kami ng ganitong oras sa pag-uusap sa chat? Wow. Just wow. Sinara ko na ang laptop at tumayo na. Kailangan ko na palang umuwi. Buti nalang at sarado ang coffee shop bukas. Sa isang pitik ko lang ay nasa parking lot na ako ng condo. I don't need a car. I have an ability to teleport anywhere I want. Pwera sa past. That's worse.
Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa unit ko ay may napansin akong isang bagay. Pinulot ko iyon. Isang tablet? Sinong may ari nito? Nagpatuloy ako sa paglalakad nang mapansin ko ang isang tao. Sandali... bakit nakapikit? Nilapitan ko iyon at sinuri.
Hindi pala tao. Isang android. Anong ginagawa nito dito? Tinapon ba siya?
Pinasya ko siyang ipasok sa loob ng unit ko. Binuksan ko ang tablet. Sabay naman ng pagmulat ng android. Halos mabitawan ko ang tablet.
Hindi ito maaari...nilapitan ko siya at nanginginig na tina-tap ang tablet para i-program. He was the face from the past? But how?
Tiningnan ko ang information sheet niya sa tablet. He is Code306 Lelouch. Muli ko siyang nilingon. Nakatulala lang siya at hindi gumagalaw. Muli akong tumingin sa tablet hinahanap ko ang address niya para maibalik ko na siya sa may-ari. Ngunit ginugulo parin ako ng aking kaisipan.
Bakit siya kamukha ni Androcellus?
Handa naba uli akong makita at balikan siya. Muli kong nilingon ang android. Ganyan ang itsura niya nung huli kaming magkita. Bago ako kuhanin ng DGQ. Kamusta na kaya siya? Naaalala niya parin kaya ako?
Tutal ay hindi naman ako natutulog ay pinagmasdan ko nalang ang android. Masyado ko lang siyang namimiss. Parang naisipan ko tuloy mag-telefort patungo sa Massachusetts. Ang problema lang ay handa na ba akong makaharap siya muli? Ganoon parin ba mararamdaman ko? Ako parin ba ang mahal niya? Siguro kailangan kong pag-isipan iyon sa lalong madaling panahon.
Katanghaliang tapat ko naisipan magtungo sa address ng nagmamay-ari sa android. Infairness ang laki ng mansion. I started to tap the doorbell. Nang sabihin ko kung anong pakay ko ay bumukas naman ang napakalaking gate. Hindi nagsasalita ang android pero sumusunod lang siya sa pinipindot ko sa tablet. Nasa tapat na ako ng pinto nang bumungad sakin ang isang babae.
"You're Kaehel right?"
"Yes, Kae?" tumango lang siya at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
"Come in." pumasok naman ako sa loob. Pumasok din ang android.
"Thank you nga pala sa pagbalik kay Lelouch the android." She said nang makaupo na kami sa couch. She looks friendly naman kaso parang pilit.
"It's nothing, nasaan pala ang nag mamayari sa kanya?" tanong ko.
"Oh, yung kakambal ko 'yon kaso tulog pa siya." Biglang may tumunog.
"Ay, sandali may tinatapos pala ako sa lab. You're allowed to explore, kung may kailangan ka libre kang mag-utos sa nasa kusina." Tumango ako at saka siya patakbong umakyat.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng mansion. Naglakad-lakad na ako. Hanggang sa mapadaan ako sa kusina.
May nakita akong nagluluto. Topless pa, habang nakatalikod. Tila na dikit naman ang mga paa ko. Pagkalingon niya ay ganoon na lamang ang gulat ko.
"Kinnick?!"
"Kae?!" sabay naming sabi. Napalapit ako sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na tila nakakita ng multo.
"Dito ka nakatira?" tanong ko naman.
"Oo." Sagot niya. Tang igit! Naka-apron.
"Hey? Kaehel, sagutin mo tanong ko." Wala akong naririnig basta nakatingin lang ako sa katawan niya s**t!
Tangina, naghahallucinate na naman yata ako. Out of the blue ay tinanggal ko ang apron niya. Nalalasing na naman ako. Punyeta!
"Ano bang nagyayari sa 'yo? Nanghaharass ka uy!" tinulak ko siya at napasandal siya sa pader. Wala akong pake kahit na anong isipin niya. I can't take this feeling anymore dude!
Nagtitigan kami habang hawak niya ang dalawang braso ko. Palapit ng palapit ang mga mukha namin sa isa't-isa. Nang malapit na ang mga labi namin...
"Putangina! Nasusunog na ang niluluto!" sabay kaming napatingin. Nakita namin si Kae. Tila nag-aapoy ang mga matang nakatingin sa 'min.
"May oras naman para sa landian niyo diba? Susunugin niyo pa pamamahay ko!" pagalit na sabi niya pagkapatay ng germania stove. Nadabog din siyang umalis. Nagtinginan naman kami ni Kinnick.
"Oh, sorry I have to go." Hindi kona siya hinayaan sumagot pa. Madali akong lumabas ng mansion saka nagteleport. Nang nasa condo ako ay ganoon na lamang ang t***k ng puso ko.
--
Kae's POV
Tarantado talagang Kinnick iyon! Walang pinipiling lugar ang kalandian! Tangina niya talaga! Matapos niya akong halikan kanina makikipaghalikan na siya sa iba? Kundi ba naman abnormal na buo!
Oh, that while ago. Ramdam ko rin naman na nasaktan siya nung hindi ako mag response. Edi ang tanga ko rin kapag nag-response ako edi move on na. Kaso hindi eh! At yung Kaehel na iyon! Naku!!! Kung sana palang hindi ko nalang pinatuloy.
Napatingin ako kay Lelouch the android. Nakakaawa siya dahil maging siya yata ay pinagbuntungan ng galit ni Kit. Dinala ko muna siya sa lab baka itapon lang siya uli ni Kit kapag nakita. And speaking of Kit. Pababa siya ng grand staircase bagong gising dahil gulo-gulo ang buhok. Nagkatinginan kami kaso ang matatalim na titig ang binigay niya sa 'kin. Gusto ko man siyang kausapin kaso ay nararamdaman ko na hindi maganda ang kahihinatnan.
Nagtungo siya sa kusina. Napatayo narin ako. Sa pagkakataong iyon ay si Kinnick naman ang nakasalubong ko. Blank faced lang siya sa 'kin, actually ni hindi nga ako tiningnan eh! Nang lagpasan niya ako ay saka naman siya tinawag ni Kit.
"Kinnick, mag-bake tayo!" nginitian naman siya ni Kinnick.
"Sige, heto na." sagot niya pero hindi ganoon kasigla.
Pumasok na si Kinnick sa kitchen. Ako naman ay pasimpleng lumapit doon at sinilip sila. Pareho silang masaya na nag-uusap habang nagbebake. Pareho silang nagtatawanan. Ito ba ang araw na pinagkait sa 'kin ang ngiti ng dalawang taong importante sa buhay ko? Ano bang kasalanan ko?
Nang mapahikbi ako ay nakita kong lumingon sila. Mabilis naman ako tumalilis paakyat. Pakiramdam ko ay nag-iisa na ako. Dito sa loob ng laboratory ko ay si Paolo the android lang ang kasama ko. Habang tinititigan ko ang mga kagamitan ko sa loob ay tila nawalan ako ng gana. Gusto ko nalang matulog maghapon tapos wag na magising kung masasaktan lang naman ako habang humihinga.
"Tulungan mo naman ako oh." kausap ko si Paolo the android. Napakagat labi naman ako habang nakatingin sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Paano ba ulit kami magiging masaya?" ay, Kae malamang sumagot 'yan hindi ko lang alam kung sakop pa ito ng data niya. Napatalikod ako. Pero ang hindi ko inasahan ay may yumakap mula sa likuran ko.
"I'm always here for you Trina..." napamulagat ako at halos hindi makagalaw. Naku wag naman sana akong nananaginip kagigising ko lang eh. Pero sana nga totoong siya ito.
--
Kit's POV
"Hindi mo susundan?" tanong ko kay Kinnick nang makita namin si Kae. Hindi ako sinagot ni Kinnick patuloy lang siya sa pagpiga ng dough. Gusto ko kasi ng cupcakes para naman mawala kahit papaano ang stress at depress ko. Nakakapagod ng umiyak eh. Alam ko na may nag-uwi na dito kay Lelouch the android. Pero ayoko muna siyang makita utang na loob lang.
"May something ba?" tanong ko uli. Hindi na naman ako sinagot. Hard na minamasa niya ang dough. Sigurado nga nagkaproblema sa kanila ni Kae. At wala akong pake uli.
"Hindi niya ako kayang mahalin." Maya-maya ay sabi niya. Napahinto naman ako sa paghahalo ng chocolate.
"Malamang isa lang ang lalaki sa puso non." Ismid kong sagot. Palibhasa sarili lang ang iniisip pero kapag damdamin na ng iba magkalimutan na.
"May kulang pa ba sa akin Kit?" napatingin siya sa 'kin. Ang lamlam ng grey eyes niya. Putsa hindi ako sanay sa asal niyang ito. I like the cheerful and funny Kinnick. Lahat nalang ba ng kaligayahan ng iba sisirain ni Kae. Ganito ba siya kamanhid!
"No. Walang kulang sayo." I smiled at him para naman gumaan ang loob mukhang nalugi eh.
Pero bigla nalang niya akong niyakap at humagulgol siya. Halaaaaa s**t!
"Huy, Kinnick! Kalalaki mong tao ang clingy mo!" sabi ko. Pero wala eh, para na siyang linta basta umiiyak lang siya. Kaya hinayaan ko nalang. Kakaawa eh.
"Tahan na, nyeta ka." Sabi ko. Kung hindi pa magtimer ang oven ay hindi pa siya tatahan.
"Hindi naman masamang magmahal. Ang masama ay yung umasa ka." Sabi ko sa kanya. Wala eh, ganito ako mag comfort bakit ba? Pero simangot parin ang mahal na prinsipe.
"Alam mo, ikain mo nalang yan!" sabi ko pagkatapos kong lagyan ng toppings ang cupcakes. Kinuha naman niya iyon at kumagat.
"Putek! Napaso dila ko damn!" sigaw niya na kinatawa ko. Naku, mukhang lutang nga. Nakita naman niya na kahahango lang sa oven nung cupcake.
"Ayoko na ng cupcake! Sinasaktan lang din ako." at muli siyang umiyak. Haru josko! Anong gagawin ko sa kanya?
"Gusto mo ba bar hopping tayo? Para hindi ka nag-eemote diyan." Sabi ko pero tangina lalong umiyak.
"Ayoko sa bar. Sinusumpa ko ang bar!" nangunot naman ang noo ko.
"Edi mamasyal nalang tayo kahit saan, grocery tayo gusto mo?" kapag siya tumanggi babangasan ko siya.
"Sige na nga. Marami lang akong naaalala dito." Walang buhay niyang sabi. Paano nga ba tayo niyan?
"Hintayin mo ako, maliligo lang ako ikaw rin medyo maamoy na eh." Sabi ko pero biro lang 'yon akala ko matatawa pero walang kabuhay-buhay parin siyang palabas sa kusina.
Hay, Kinnick na masayahin namimiss kita. Bumalik kana. At sisiguraduhin ko na hindi kami uuwi na hindi ko naaalis ang sapi niya.
--