CHAPTER 5

1668 Words
“SGPG lang?” Umangat ang aking tingin ng marinig ko ang sinabi nito. Walang kasi akong tigil sa pag-lagay ng ulam at kanin sa bibig dahil sobrang gutom. Inabot ko muna ang baso at uminom ng tubig bago siya sagutin. Nilibre niya ako rito sa karinderya, pasasalamat daw dahil sa ginawa ko kanina. “Sgpg?” tanong ko. Umirap ito na bago mag-salita. “Super gandang patay gutom.” Mahina akong natawa. “Super patay gutom lang.” Inirapan niya ulit ako at humalukipkip. “Nevermind.” Sa totoo lang ang gwapo niya kaso bakla. Sayang naman, ayaw na ayaw niya na tinatawag siyang Josh. Nasusuka raw siya. “Salamat, ah,” pasasalamat ko ulit. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nag pasalamat sa kanya. Sobrang bait niya. “You're welcome. Kung wala ka kanina baka tuluyan ng nawala yung ang bag ko,” tugon nito at uminom sa kanyang baso. Halata ang pagkaistress niya habang kausap ako. Pinapaypayan niya ang kanyang sarili gamit ang palad nito. Mahina akong natawa sa sinabi niya. “Thank you.” “Anong nangyari sa'yo bakit gutom na gutom ka?” kunot noo nitong tanong. “Nagtitipid ako ng pera,” tugon ko “Atsaka naghahanap ako ng trabaho ngayon. 500 lang budget ko ngayon araw kaya ‘di ako panay gastos.” Napapalakpak ito sa sinabi ko at malawak na ngumiti sa akin. “Nako! Buti na lang at nakilala mo ‘ko. May trabaho akong p’wedeng ibigay sa'yo.” Biglang sumigla ang katawan ko sa sinabi nito. Ngumiti ako at inayos ang upo ko. “Talaga! Anong trabaho?” “Sa bar ka magtatrabaho. Don't worry sikat 'yon kaya malaki sahod mo,” tugon niya. Bar? Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya at nauwi sa ngiwi. Never pa pumasok sa isip ko na magtrabaho sa bar. Nakapasok na ako roon pero ang magtrabaho? Hindi. “Oh. Bakit malungkot ka? Ayaw mo?” “Sa bar?” Inirapan niya ako at tumango. “Oo nga. Hired ka na kaagad doon, tignan mo katawan mo ang sexy mo, maganda ka, at higit sa lahat maputi.” “Anong pwede kong gawin sa loob ng bar?” “Mamili ka. Waitress or Dancer? Bago ka pumili sasabihin ko na lahat lahat. Pag waitress pipiliin mo pwede kang magka-tip at kapag dancer naman mas malaki ang kita mo roon,” nakangiti niyang wika at tumataas baba pa ang on-fleek nitong kilay sa akin. Waitress. P’wede akong mag waitress doon dahil may exprience na ako sa pag-gano’n. Kung dancer naman mas malaki ang kita. “Ano na? Napag-isipan mo na kung anong kukunin mo?” “Pag-iisipan ko muna, Jas. May baby kasi ako,” mahina kong wika. Bahagyang nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Mahina akong natawa dahil nakakatawa ang hitsura niya. “Hala ka may anak kana!?” Gulat nitong tanong. Tinignan niya ako simula ulo hanggang paa. “Hindi ko nahalata na may anak kana!” Natawa ako sa sinabi nito. “Salamat,” nahihiya kong wika. Tumayo ako at inayos ang gamit ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ng aking daliri. “Sige mauna na ako, Jas. Maraming salamat sa lahat, pag-iisipan ko muna kung anong kukunin ko basta asahan mo na makakapagtrabaho ako sa bar na sinasabi mo,” nakangiti kong saad. Mag-trabaho ako sa bar na sinasabi niya basta bigyan niya lang ako ng oras para makapagisip kung anong pipiliin ko. Tumango ito at niyakap namin ang isa't isa. Napakagaan ng pakiramdam ko sa kanya kahit unang beses lang kami nag-kita. “You're welcome, dear!” PAG-PASOK ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto para ilapag si Naomi sa kama. Mahimbing itong natutulog. Pagkatapos ay bumaba ako para pumunta sa kusina para tignan kung may pagkain doon. Napabugtong hininga ako ng makitang walang pagkain. Bukas na lang ako kakain, naparami naman ang kain ko kanina sa karinderya, eh. Naligo muna ako bago pumasok sa kwarto. Pagtapos ay nagbihis kaagad ako at pinuntahan si Naomi. Naabutan ko siyang gising at nilalaro ang kanyang kamay habang naka-dapa. Panatag ang loob ko na iwan siyang mag-isa dahil bumili ako ng pangharang sa gilid ng kama at paanan para hindi siya mahulog. Tinabihan ko siya at binuhat. Pinadapa ko ito sa dibdib ko at hinayaang magkulit. “Mamam.” “Gutom ka na?” malambing kong tanong. Kumunot ang noo niya at sa hindi inaasahang pangyayari ay hinampas niya ng malakas ang muhka ko. Napa-daing ako sa ginawa niya. Ang sakit! Tumawa ako ng malakas at hinalikan ang buong parte ng mukha niya at alam kong ikakainis niya iyon. “Mamam!” Natawa ako sa sigaw nito. Muhkang lalaking maldita ang anak ko. Hindi naman ako ganito, baka nag-mana siya sa tatay niya—nevermind. Tumayo ako at nilapag siya sa kama. “Magtitimpla lang si Mama mo ng gatas,” Hindi naman siya nag reklamo. Binilisan ko na lang ang pagtimpla ng gatas at baka sumpungin ito ng hindi ko mapadede kaagad. Nang makapagtimpla na ako binigay ko ito kaagad sa kanya at hinayaan siyang dumede mag-isa. Kaya naman niyang hawakan ang bote niya. Hinintay ko lang na maubos niya ang gatas para makatulog na kami. Kinuha ko ang baby bottle sa kanya ng maubos niya ang gatas at pinadapa ko muna siya sa dibdib ko para makadighay. Nang okay na ang lahat ay hiniga ko na siya sa kama at natulog na kami ng mahimbing. NAGISING ako sa kalagitnaan ng gabi ng marinig kong ang pag-iyak ni Naomi. Napahikab ako at bumangon. “Anong meron sa baby na ‘yan?” Mahina kong wika. Binigay ko sa kanya ang bote nitong naglalaman ng gatas pero ayaw niya dumede. Hindi rin puno ang pampers nito. Doon ay kinutuban na ako ng masama. “Bakit ka umiiyak, ‘nak?” Kinakabahan kong wika. Kinarga ko ito para i-hehele ng maramdaman kong napakainit nito. Dumoble ang kaba ko dahil napakainit niya, hindi normal ang init nito. “Ang init mo!” naiiyak kong sabi. Binaba ko siya sa kama at pumunta sa cabinet. Kinuha ko ang baby bag nito at nilagay ang mga gamit niya. Pupunta kami ng ospital. Hindi pwedeng hindi ko siya maisugod doon. “Medyo okay na ang anak mo Ma'am pero icoconfine po natin siya para sa mga test na gagawin sa kanya.” Hinawakan ko ang kamay ng Doctor habang umiiyak. “Pagalingin mo po anak ko Doc hindi p’wedeng mawala siya,” humihikbi kong wika. Hindi na klaro ang paningin ko dahil sa luha kong walang tigil sa pag tulo. Tinapik niya ang braso ko at ngumiti. “We doing our best Ma’am. Ang kailangan mo lang gawin ay magdasal.” Nagpasalamat ako sa kanya bago ako pumunta sa pwesto ng anak ko. Gusto ko man na ipasok ang anak ko sa isang kwarto lang pero wala akong perang pambayad. Halo halo ang pasyente dito. May matanda, bata, binata, dalaga. “I'm sorry ‘nak dapat ako na lang nagkasakit hindi ikaw. Gagawa ako ng paraan para gumaling ka. Huwag kang mag-alala makakalabas ka rin dito,” umiiyak kong wika. Pinipigilan ko na huwag kumawala sa aking bibig ang hikbi. Na-diagnosed na may dengue ang anak ko. Kaya siya nilagnat at nanghina. Habang kinakausap ko ang anak ko lumapit ang doctor sa akin. Tumayo ako at mabilis na pinunsan ang aking luha. “Doc,” mahina kong wika. “Mrs. Marley,” seryoso nitong saad. “Ms. Marley lang po,” pag-tatama ko sa kanya. “Oh. I'm sorry, Ms. Marley. Didiretsohin na kita kailangan nang magamot ng anak mo at aabot sa lima hanggang sampung libo ang magagastos mo.” Nanlambot ang tuhod ko sa sinabi niya. Saan ako makakahanap ng ganon kalaking pera. Makakaipon ako ng ganyang kalaking pera pero lilipas pa iyon ng dalawa o tatlong buwan. Kung gagamitin ko ang Philhealth ko alam kong may babayaran parin dahil private ang hospital. “P-pero. . . wala akong sapat na pera para d‘yan,” umiiyak na sabi ko. “May pasyente pa akong kailangan na asikasuhin,” pag-papaalam niya. Nanghihina na umupo ako. Napayuko ako at napapikit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nahihirapan na ako. Huminga ako ng malalim at tumayo nang may naramdaman akong nahulog bumaba ang tingin ko sa lapag. Ang calling card na binigay sa ‘kin nung babae sa company ni Ryle. Tatawagin ko ba siya? Wala na kasi akong ibang matatakbuhan kundi siya na lang. Huminga ako ng malalim. It's now or never, tatawagan ko siya. Dinial ko ang number niya. Nilagay ko kaagad sa tenga ko ang cellphone ng makita kong nariring ito. “Hello. Ryle,”mahina kong wika. “Who's this?” “Ao yung pumunta sa office mo nung isang araw,” Napakagat ako sa ‘king labi. “What the. . . where did you get my number?” “Tulungan mo ako Ryle parang awa mo na,” nanginit ang sulok ng mata ko. Wala na akong pake kung anong sasabihin niya. Ang mahalaga ang buhay ng anak ko. "Miss, hindi ko na kailangan ulitin yung sinabi mo. Your child is not my child," madiin niyang sagot. “Parang awa mo na may sakit anak ko. Wala na akong ibang matatakbuhan, ikaw lang.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na humagulhol sa iyak. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Gulong-gulo na ang utak ko sa nangyayari. "Please lang huwag na kayong dumagdag sa sakit ng ulo ko. Tantanan mo—" “Please! Maniwala ka. Totoo sinasabi ko anak mo siya. Parang awa mo na, Pagtapos nito hindi na kita guguluhin. Alam kong nakakahiya itong gagawin ko pero kaila—” “Fine! Para tumigil kana kakagulo sa akin” “Salamat! Maraming salamat,” pinunasan ko ang luha ko at nakahinga ng maluwag. Hindi ko mabilang kung ilang beses ako nagpasalamat kay Ryle. Tinext ko sa kanya ang address ng ospital. Nakahinga ako ng maluwag ng pumayag siya. SHANGPU
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD