“Leave,” mahina kong wika.
“Maniwala ka—”
“Out!” I shouted.
For the second time, she's startled at my voice. Nanlaki ang mata nito habang nakatingin sa akin.
What the hell is wrong with this woman?
“Tahan na baby.”
I grabbed my phone and call the security guard.
“Pakikuha yung mag-ina rito. Nakakagulo na sila.”
“Copy Sir.”
Wala pang limang minuto ay pumasok na ang security guard at nilapitan ang babae.
“Tara na po Ma'am. Nakakagulo na po kayo rito.”
Tumingin siya sa akin na parang gusto niyang paniwalaan ko ang sinasabi nya. Sinong matinong tao ang maniniwala sa sinabi nito?
“Teka lang po.”
Binalik niya ang anak niya sa loob ng basket at may inayos doon. Tumingin ito sa akin at ngumiti pagkatapos ay naglakad papalapit sa 'kin.
“Alam kong hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. Gusto ko lang ipaalam sa'yo na may anak kana. Wala namang mali sa sinabi ko. I just want you to know that you have a child.”
Kunot noong tinignan ko ang security guard.
“What are you doing!? Send them out!” I shouted.
Pupunta siya rito para sabihin 'yon? Nag-iisip ba siya!?
AGAD kong pinunasan ang luhang tumulo pababa sa aking pisngi.
Napakadakilang iyakin ko at 'yon ang pinaka-ayaw ko, masyado akong emosyonal. Naglakad ako papunta sa receptionist para pasalamatan ang babae roon.
“Hi.”
“Hello Ma'am, nakausap mo na ba si Sir Ryle?”
Ngumiti ako at tumango. “Yes, Thank you very much.”
Ngumiti ito sa akin. “You're welcome Ma'am, ginagawa ko lang po ang trabaho ko.”
Bumaba ang tingin niya sa hawak ko at ganoon din ako. Ang anak kong mahimbing na natutulog, buti na lang at napatahan ko kaagad siya.
“Baby mo Ma'am?” nakangiti niyang tanong.
Tumango ako sabay ngiti. “Yes.”
“So cute. Ang ganda ng mata niya kakulay sa mata ni Sir Ryle,” Nakangiti nitong sabi.
Mahina akong natawa, kung alam mo lang. “I have to go. Thank you very much again."
Tumalikod ako at naglakad palabas, bago pa ako makatapak sa exit ay tinawag niya ako.
“Ma'am may ibibigay po ako,” may inabot itong calling card sa akin.
Kinuha ko ito at tinignan. Number ng company nila at ang number ni Ryle.
“Just in case baka may maitulong ako sa inyo Ma'am,” Ani nito sa masayang tono.
Nilagay ko sa bag ang calling card. At ningitian.
“Maraming salamat!”
Dumaan muna ako sa 7/11 para bumili ng cup noodles, wala akong planong mag luto ngayon dahil pagod na pagod ako. Nang mabayaran ko ito sa cashier ay lumabas na ako.
Habang nalalakad ako papauwi sa bahay ay may nakita akong mga lalakeng familiar sa aking paningin. Nanlaki ang mata ko ng tumingin sila sa direksyon ko. Agad namang binundol ng kaba ang dibdib ko. Nagtago ako sa gilid ng malaking basurahan at sumilip.
“Wala ba?”
“Wala sa iba naman tayo.”
“Ilang araw na tayong nag-hahanap pero hindi parin natin siya nakikita!”
“Bobo! Makikita rin natin siya huwag kang mag-alala,” natatawa nitong wika.
Tumakbo sila sa ibang direksyon at doon ako nakatiyempo na umalis sa pinagtataguan ko at umuwi na sa bahay.
Hindi ko na matandaan kung saan ang huling kita ko sa kanila pero familiar sila sa akin.
Pagkauwi ko sa bahay ay sinarado ko lahat ng p’wedeng isara. Pintuan at bintana. Pumunta ako sa kwarto para painumin ng gatas si Naomi. Pinatulog ko na rin ito para hindi siya topakin bukas. Nang makatulog na siya ay bumaba ako para makain ko ang cup noodles na binili ko.
Nang matapos ay tumabi na ako sa aking anak at natulala saglit sa kisame ng tinitirhan ko.
NAKAHINGA ako ng maluwag ng mawala na sa paningin ko ang mag-ina. Hanggang sa makalipas ng ilang oras ay pumasok si Clare. Napapikit ako hinihilot ang aking sintido, nakalimutan kong sabihan ang mga tao sa baba na huwag na itong papasukin.
“Hi babe,” mahina nitong wika at kumandong siya sa hita ko.
Tumayo ako at naging sanhi iyon ng pagkahulog niya sa lapag.
“Babe! Bakit ka tumayo,” reklamo nito.
Hindi ko pinansin ang sinabi nito sa halip ay umupo ako sa single sofa at pinagmasdan ito.
“What are you doing here?” I asked.
“Nothing. Namiss lang kita.”
“Get out, Clare.”
Tumayo siya at umupo sa lamesa ko. Dumekwatro ito at pinagkrus ang braso sa kanyang dibdib.
“Why? Hindi mo'ko namiss—oh bakit ka may pacifier?” Clare asked.
“Hindi sa akin 'yan,” Mariin kong sabi.
“Kung hindi sayo. Ibig sabihin may baby kang dinadala rito? Wala pa namang anak si Ate Veev, right?”
Oh s**t! Yung babaeng pumunta rito! I think she accidentally dropped this f*****g pacifier.
“What? Wala pa ‘kong anak. Lumayas kana nga! Labas!” iritado kong wila.
“Mamaya na, let's have s*x,” tumaas ang gilid ng kanyang labi.
Tumayo ito at nagtungo sa basurahan. Kumunot ang noo ko sa ginawa nito.
“What are you doing?” I asked.
“I'm gonna throw this pacifier,” she answered.
My face darkened. I found myself gripping her arm as hard as I can.
“Ouch! Ano ba Ryle!”
“For the second time! Sinabihan na kita na wag mo kong sigawan," galit kong wika.
“I-im sorry,” nauutal nitong tugon.
Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. “Give me the f*****g pacifier,” Mariin kong sabi.
Binigay niya kaagad sa akin ang pacifier.
“Leave. Now!”
“I hate you! Monster!” tili nito. Binalibag niya ang pintuan ng office ko.
As if naman na ginusto kita. Tinignan ko ang pacifier na hawak ko. . . What i'm going to do with this pacifier?
INIWAN ko ang anak ko sa daycare para maghanap ng trabaho. Kung hindi ako makakahanap ng trabaho kawawa kaming dalawa ng anak ko. Ito ang unang beses kong hindi makapunta sa pinagraraketan ko.
“Hi Jessie, iwan ko muna rito si Naomi."
Ngumiti siya at kinuha si Naomi, sinunod nito ang gamit niya. Tinabi niya sa gilid ang mga gamit ng anak ko.
“Himala at ngayong tanghali mo iniwan si Naomi,” tugon nito.
“Mag hahanap kasi ako ng trabaho. Nasesante na kasi ako sa pinagwawaitres-san ko.”
“I'm sorry to hear that,” sagot ko.
Tipid akong ngumiti sa kanya. “Ayos lang. Maghahanap muna ako ng trabaho ngayon. Paki-bantayan anak ko, ah. Bye.”
Umalis na ako at sinimulang maghanap ng trabaho.
Limang daan lang ang dala kong pera at kailangan kong pagkasyahin ‘yon. kabibili ko lang ng pampers, vitamins, gatas at bagong pacifier ni Naomi. Nawala kasi ang pacifier niya nakakapanghinayang dahil ang ganda pa naman no’n.
Makalipas ng ilang oras ay wala parin akong nahanap na trabaho, malapit na akong mawalan ng pag-asa na magkatrabaho.
Bumalik ako sa restaurant na pinagtratrabahuan ko. Nag makaawa na ibalik ako pero ayaw ng anak ng amo nila palibhasa spoiled kaya gano’n.
Naglalakad ako sa gilid ng kalsada ng nakaramdam ako ng hilo, hindi papala ako kumakain. These past few days kulang ako sa kain. Napatingin ako sa taong bumangga sa ‘kin.
“Mag-nanakaw mag-nanakaw! ang bag ko! Tulong!” paghingi ng tulong ng bakla.
Tumayo ako at hinabol ang magnanakaw. Hindi ko alam bakit ko ginawa 'yon. Naging madali lang naman ang pag habol ko sa kanya dahil noong nasa kolehiyo pa lang ako ay kasali ako sa track and field club.
Nang maabutan ko ang magnanakaw hinawakan ko ang balikat nito at sinipa ang hita. Kinuha ko ang bag na dala niya at sinipa ko ito papuntang basurahan. Tumalikod ako para maglakad papunta sa may-ari ng bag nang lumapit ang pulis sa akin at nawakan nilang dalawa ang braso ko.
“Miss arestado ka.”
“Hindi ako ang nagnakaw 'yong lalake ang magnanakaw,” Tinuro ko ang lakakeng nakahiga sa basurahan.
Biglang nag salita ang bakla. “Mga tsong hindi ‘yan ang magnanakaw jombagin ko kayo kalokang ‘to.”
“Pasensya na, Sir Josh.”
Nakita kong lumaki ang mata ng bakla.
“It's Jasmine! Nako, hindi ba kayo kinikilabutan?” umirap pa siya sa mga pulis.
Mahinang natawa ang pulis at sa tingin ko ay magkakilala sila. Bago magpaalam ang dalawang pulis ay humingi ito ng pasensya sa akin. Pagkaalis nila ay tumingin sa akin ang bakla at ngumiti.
Okay, anong meron?
SHANGPU