MADALING araw na nang makarating ako sa condo ni Ryle. Naabutan ko siyang natutulog sa sofa na mukhang kama. Nakadapa sa kanyang dibdib si Naomi. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit sa sala pa sila natulog. Hindi naman ako natatakot na baka lamigan ang anak ko dahil balot na balot siya ng makapal na damit. Nakasout na oniese na lavander si Naomi. Huminga ako ng malalim at pumunta sa kwarto ni Ryle. Kumuha ako ng comforter at kinumutan silang dalawa. Sobrang lamig kasi sa sala. Paano ba naman yung aircon dito kasing laki ng refrigerator. Malingat lang ako saglit baka maging yelo na silang dalawa. Pumunta ako sa kusina ng maramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Magluluto na lang ako ng ulam, buti na lang at may mga ingredients sa ref niya. Nag-simula na akong magluto ng prinitong tilapia

