USOK ng sigarilyo at vape ang naamoy ko. Isama mo na rin ang amoy ng alak at malakas na tugtog. Nilibot ko ang paningin ko sa buong bar. Lahat ng tao ay nagkakasiyahan, dinig ko ang kanilang hiyawan at mga halakhakan. Halos mapuno ang loob ng bar dahil sa reunion party na naganap. May nadadaanan din ako nag-mamake out sa madilim na parte nitong bar. Napailing na lang ako at tinuon ang pansin sa pagse-serve. Napaisip ako habang tinitignan sila. Kailan kaya kami magrereunion ng mga classmate ko? Matagal na rin na hindi kami nagkikita. “Blaine! Table 17. Pakihatid ang foods and drinks nila,” Binigay sa ‘kin ni Jasmine ang tray na may pagkain at alak. Kinuha ko ito at sinerve. Nang matapos kong ihatid ang pagkain at alak sa table 17 lumingon ako sa likod ko nang may tumawag sa aking panga

