HINDI muna ako nagtrabaho ngayon dahil inaasikaso ko ang mga invitation card sa birthday at binyag ng anak ko. Ngayon na ibibigay nung party planner ang invitations na pinagawa namin. Ako lang mag-isa rito dahil dinala ni Ryle si Naomi sa kumpanya niya. Hindi ko nga alam kung bakit niya palaging dinadala anak ko. Baka ay gusto niya lang na makasama si Naomi. Tumayo ako ng marinig kong may nag doorbell. Baka ‘yan na yung mga invitation cards na hinihintay ko. Pagbukas ko ng pintuan bumungad sa akin ang party planner. “Good afternoon Ma’am heto na po yung invitation cards,” Nilahad niya sa 'kin ang mga invitation cards, agad ko naman itong kinuha. “Thank you,” I answered. Pinapasok ko muna siya dahil may sasabihin daw siya sa 'kin. “Ma'am ang gagawin po namin ngayon ay mag dedecorate n

