Now playing: Fall For You by Second Serenade
"Marry me, Aia." Napalunok ako nang hawakan niya ang kamay ko. Inilayo ko ang kamay ko at tumalikod sa kan'ya. Bumuhos ang masaganang luha mula sa aking mga mata.
Hindi. Hindi ko kayang saktan si Aria, alam kong gustong-gusto niya si Quest.
"Quest... No..." paos kong sagot.
Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal si Quest. Siya lang ang nanatili sa tabi ko. Siya lang ang nagpadama sa akin ng bagay na hindi ko naramdaman noon.
"Hindi kita kayang pakasalan..." dagdag ko pa. Bumalatay ang sakit sa mata niya.
Pero mas mahal ko si Ria, kahit na malayo ang katayuan namin sa buhay ay tinanggap niya ako. Pinag-isa niya ang tubig at langis. Tinanggap niya kung sino ako noon at ngayon.
The best thing about tonight's that we're not fighting
It couldn't be that we have been this way before
I know you don't think that I am trying
I know you're wearing thin down to the core
"Alagaan mo si Quest, Ria. Always stay with him until the end, can you do that for me? Please?" pagsusumamo ko.
Lumapit ako sa kan'ya at agad siyang niyakap. Nag-umpisang tumulo ang aking mga luha.
Tumalikod ako at humagulgol, "Hanggang sa muli... Aria."
Tumakbo ako palayo sa kan'ya. Kailangan kong umalis bago dumating si Quest.
Nakita ko ang pagdating ni Quest, umiiyak siya habang niyuyugyog ang umiiyak din na si Aria.
"Sabihin mo! Dumaan ba rito si Aia?" umiiyak niyang tanong kay Aria. Tanging iling lang ang nakita kong sagot nito.
Parang tinusok ang aking puso nang makita ko si Quest na yakapin si Aria. Nasasaktan ako... sobrang sakit pala nito.
Pinunasan ko at naglakad na palayo sa lugar na 'yon. Napakuyom ang kamao ko dahil sa labis na pighati. "Pangako, Quest... babalik ako, magkakasama rin tayo."
But hold your breath
Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
"Ma'am Aia, pinadadala po ni Sir Quest at Ma'am Ria." Sobrang saya ang bumalot sa aking sistema. Akala ko ay nakalimutan na nila ako, pansin ko kasi ang pag-iwas sa akin ni Ria.
Agad ko iyong binuksan, nanginig ang aking kamay nang masilayan ang papel na nasa loob ng kahon. Nagwala ang aking kaloob-looban, nagsimula akong magwala at sirain ang mga gamit sa aking opisina.
"Traydor ka Ria! Traydor ka! Walanghiya kayo!" Nag-umpisa akong kasuklaman sila.
Babalik ako... babawiin ko ang lalaking unang naging akin. Kung dati nagparaya ako para kay Ria, pero hindi na ngayon.
Or I won't live to see another day
I swear its true
Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find
Pagtapak ko pa lang sa harap ng pinto ay napangiti ako. Nasilayan ko ang napakaamong mukha ni Quest Bustamante. Parang gusto ko siyang sugurin ng yakap. Gusto kong malaman niya na nandirito ako para muli siyang harapin at kunin.
"Quest..." Binalingan niya ako ng gulat na tingin habang unti-unting lumalapit sa aking kinaroroonan. Kitang-kita ko sa kan'yang mga mata ang labis na sakit at pangungulila. Ngunit hindi ko masilayan ang pagmamahal mula sa kan'yang mga mata. Mahal niya pa ba ako?
"Aia... nagbalik ka na..." Lumapit ako sa kan'ya at ginawaran siya ng yakap. Hinalikan ko siya sa pisngi at hindi nagpatinag kung may makakahuli man sa aming dalawa. "God, Aia. Mahal na mahal kita. Sobra-sobra."
This is not what I intended
I always swore to you I'd never fall apart
You always thought that I was stronger
I may have failed
But I have loved you from the start
Nahihibang na ako, sinusundan ko na naman ang yapak ni Mama. Ang maging kabit at manira ng pagsasama. Bakit naging ganito ako? Bakit nauulit na naman? Ano bang ginagawa ko?
"Thank you for today, Quest. I love you..." saad ko at pinakawalan siya. Bago siya pumasok at agad ko siyang hinalikan.
Napangiti ako nang makita ko ang mata ni Aria na nakamasid sa amin ni Quest nang ihatid ko siya sa tapat ng Segovia mansion. Kitang-kita sa mata niya ang sakit at galit.
Gan'yan nga, kulang pa yan sa pantatraydor mo sa akin. Magalit ka lang, Ria. Magalit ka kasi sa akin na ang asawa mo.
Oh, but hold your breath
Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Aria, alam kong kokomprontahin niya ako sa relasyon namin ni Quest.
Nang magtagpo ang aming mga titig ay binigyan ko siya ng malademonyong tingin. Nakita ko ang labis na takot na namumuntawi sa kan'yang mga mata.
"Sa wakas, muli tayong nagkita... Aria Sego--- I mean Aria Bustamante, my dear bestfriend. Masaya bang magpakasasa sa lalaki unang naging akin? Sa lalaking ako naman talaga ang mahal?" Nag-umpisa siyang umiyak, ngunit tumubo ang matapang na tingin sa kan'yang mga mata.
"Kahit na anong gawin mo ay asawa pa rin ako. Maging sa papel o hindi, hanggang sa kasal kami ay mananatili kang kabit! Naiintindihan mo?"
Umusbong ang labis na pagkamuhi sa aking puso.
"Hindi! Ako ang pipiliin niya! Sa akin lang siya!" Sinugod ko siya. Hinatak ang buhok niya at ipinadama sa kan'ya ang galit ko.
Oh, but hold your breath
Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
It's impossible to find
"Tigilan na natin ito, Aia. Ayoko na, hindi ko na kayang saktan pa si Ria. Hindi niya ako sinukuan, hindi niya ako iniwan. Kaibigan natin siya, Aia. Asawa ko siya at bestfriend mo siya. Mas nauna mo akong nakilala pero alam kong mas mahalaga siya para sa'yo. Isusugal mo ba ang bagay na mayroon kayo?" Natahimik ako sa sinabi niya. Tama siya.
Kahit na sobrang nasasaktan ako ay pinakawalan ko siya. Malakas na hangin ang nagbigay buhay sa aking kulay itim na buhok. Sumayaw ito kasabay ng hangin sa dalampasigan.
"Thank you so much for staying with me, Quest. Pinakawalan kita noon para kay Ria at hindi ako magdadalawang isip na ulitin iyon para sa kan'ya. Mahal kita, pero mas mahal ko siya. Hindi ko gustong manggulo, nadala lang ako ng galit ko..."
Ngumiti ito sa akin, "Tumalikod ka na sa akin, pinakakawalan na kita... hanggang dito na lang tayo, Quest." Tumalikod siya sa akin at nag-umpisang kumanta. Bumagsak ang mga butil ng paghihinagpis.
I love you so much... Aria. Patawarin mo ako. Sana hindi na huli pa ang lahat.
So breathe in so deep
Breathe me in
I'm yours to keep
And hold onto your words
'Cause talk is cheap
And remember me tonight when you're asleep
Nakatingin sa bukas na bubong at nakatingin sa kalangitan. Nakita ko ang isang bituin na mas maliwanag sa iba pa, para akong sinaksak na hindi ko alam ang dahilan.Parang may masamang nangyari, natatakot ako at nanlalamig.
Pumasok sa utak ko ang mga ngiti ni Ria. Mga imahe niyang masayang tumatakbo at kasama ako.
Si Ria... gusto kong makausap si Ria... mahal na mahal ko si Ria, ang bestfriend ko.
Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
"Ria..." bulong ko.
Pumasok ako sa kulay puting silid ng ospital. Sa gitna ng silid ay ang kama kung saan nakalagak ang bangkay ni Ria. Puno ng sugat at gasgas ang kan'yang katawan. Dumudugo rin ang kan'yang ulo at may bubog ang kan'yang mga braso.
"Ria! Gumising ka! Tangina, huwag mo naman ako biruin!"
Napahagulgol ako habang hawak ang malamig na katawan ng aking pinakamamahal na kaibigan.
"Aria... bakit mo ako iniwan? Bakit mo iniwan si Aia?! Paano na ako? 'Di ba sabi ko pagbalik ko ay magkakatuluyan ang mga magiging anak natin? Uy, gumising ka na!" Lumapit sa akin si Quest at hinawakan ako sa braso. Tinulak ko lang siya at niyakap ulit ang bangkay ni Aria.
Tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find
"Patay na si Aria, Aia. Kasama ang anak namin. Kasalanan ko 'to, kung hindi ko kayo ginulo ay sana buhay pa sila. Kasalanan ko ang lahat, patawarin niyo ako!" humahagulgol kong saad.
Niyakap ako ni Quest habang hawak ko ang bangkay ni Aria.
Kung sana hindi ko siya sinaktan, kung sana hindi ko sila ginulo, kung sana hindi ko sinira ang bagay na mayroon kami. Sana buhay pa siya. Sana buhay pa si Aria.
Patawarin mo ako Aria... patawarin mo ako Aria, patawarin mo ako... Ako ang may kasalanan... ako ang dapat sisihin.