ANG MAY SALA

1730 Words
Now Playing: How Deep Is Your Love "Aria... Aria..." sigaw ko. Nakita ko ang papalayong bulto ni Aria. Nakatalikod siya sa akin at umiiyak, puno ng sakit at galit. Paulit-paulit siyang sumisigaw at humihingi ng tulong sa akin, "Bakit mo 'ko tinalikuran? Paano mo ako nagawang saktan, Quest? Nasasaktan ako! Tama na, palayain mo na ako! Pagod na ako!" "Aria! Aria!" muli kong sigaw nang madapa ako at tuluyan siyang maglaho sa paningin ko. Napabalikwas ako ng bangon, napaupo sa gilid ng kama. Bumigat ang aking paghinga hanggang sa maramdaman ko ang pagkabasa ng aking pisngi. "Aria... patawarin mo ako," bulong ko at pinunasan ang luha. Ilang beses kong sinabi sa aking sarili na wala na si Aria. Wala na ang babaeng tinanggap ako nang lubusan. Si Aria na walang ginawa kun'di ang mahalin ako at intindihin. "Ano pa bang dapat kong gawin para bumalik ka? Hindi ko kayang patawarin ang sarili ko... hindi ko magawa." Pero hindi ko kaya, hindi ko matanggap. Kasalanan ko ang lahat. Ako ang dahilan kung bakit nasira ang ilang taong pagkakaibigan na binuo nilang dalawa. Ako ang dahilan kung bakit namatay ang babaeng labis kong pinahahalagahan. Ako rin ang dahilan kung bakit sila nasasaktan. Ako ang may kasalanan, ako lang ang dapat na sisihin. I know your eyes in the morning sun I feel you touch me in the pouring rain And the moment that you wander far from me I wanna feel you in my arms again Pitong taon na ang lumipas simula nang mangyari ang bagay na iyon. Nagpasya akong putulin na ang koneksyon ko kay Aia. Ayoko muna siyang makita... ayokong maalala kung paano ko sinira ang buhay ni Aria. Ayokong maalala ang mga kasalanang nagawa ko para sa kan'ya. Sa pitong taon na lumipas ay ipinagpatuloy ko ang pagpapalago ng kompanya ng pamilya nila Aria. Ipinagkatiwala na sa akin ng kan'yang mga magulang ang lahat ng mga ari-arian at pera nila. Sumali rin ako sa mga programa at charity na dinaluhan noon ni Aria para makatulong sa ibang tao. Napangiti ako, naaalala ko sa mga ngiti ng mga tao rito ang ngiti ni Aria kapag kaharap ko siya. Kung paano niya tulungan ang mga tao noon na nangangailangan. And you come to me on a summer breeze Keep me warm in your love and then softly leave And it's me you need to show How Deep Is Your Love "What's your name?" tanong ko sa batang nasa harapan ko. Nakasuot ito ng simpleng white t-shirt at blue short. Hinawakan ko ang balikat ng batang nasa aking harapan. "Ako po si Rionan, pero Rio lang po ang tawag sa akin," sagot niya. Tinapik ko ang ulo niya at umupo para maging magkapantay kami, "Ako naman si Quest. Alam mo bang kapangalan mo ang asawa ko... Ria. Ria ang pangalan niya." Itinagilid niya ang ulo at ipinako ang tingin sa akin. "Nasaan na po siya? Bakit hindi niyo po siya kasama?" Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Wala na siya, umalis na siya kasama ang baby namin. Alam kong masaya na siya kasama si God. Alam ko rin na binabantayan nila ako," paliwanag ko. Tumingin sa akin si Rio. Nakangiti ito at parang may nais sabihin. "P'wede po bang ikaw na lang ang papa ko? Wala po kasi akong papa," malungkot niyang saad. Napangiti rin ako at inilahad ang braso ko para sa isang yakap. Lumapit naman siya at mahigpit akong niyakap. May kung anong nakakasilaw na liwanag na lumabas mula sa kalangitan, pero agad din 'yong nawala. Muling akong tumingin sa langit at bumulong, "Aria... papakawalan na kita. Sana... maging masaya ka na." How deep is your love, How deep is your love I really need to learn 'Cause we're living in a world of fools Breaking us down When they all should let us be We belong to you and me Huminga muna ako nang malalim bago tahakin ang daan papunta sa kan'yang bahay. Sa panahong ito ay gusto ko na masilayan ang mukha niya, nais kong na makalaya. Nais kong bumuo ng panibagong buhay. Nais ko ring humingi ng tawad sa dalawang taong labis kong nasaktan at pagsira sa mga pangakong aking binitiwan kay Aria. Dala ang isang cake at bungkos ng bulaklak ay tumigil ako sa harap ng isang bahay. Simple lang ito at sapat lang para sa isang tao. Mula sa aking kinatatayuan ay dinig na dinig ko ang himig na nagmumula sa kan'ya. Nagsasampay siya ng mga puti at pulang tela, natatakpan nito ang buo niyang imahe. Hindi ko mabasa ang kan'yang ekspresyon... ngunit alam kong ramdam niya ang aking presensiya. I believe in you You know the door to my very soul You're the light in my deepest darkest hour You're my saviour when I fall And you may not think I care for you When you know down inside That I really do And it's me you need to show How Deep Is Your Love Nginitian ako nito at kinawayan. "Hi! Sinong hinahanap mo?" Nilapitan ko siya at hinaplos ang kan'yang pisngi. Para siyang napaso at mabilis na inilayo ang mukha. Pero nanatili siyang nakangiti, kitang-kita ko sa katauhan niya ang napakagandang mga mata ni Aria. Puno ito ng pagmamahal at saya, walang makakapantay sino man. Mas lumawak pa ang kan'yang ngiti nang mapansin niya na abot tenga ang aking ngiti. "Aia... I am so sorry for ruining your life. I am so sorry for hurting you. I am so sorry kasi dahil sa akin ay namatay ang asawa ko. Palayain na natin ang isa't-isa, palayain na natin ang sarili natin sa nakaraan," napapaos kong saad. Inabot ko sa kan'ya ang bulaklak at cake. Kahit na nakangiti ay nakita ko ang pagdaloy ang luha patungo sa kan'yang pisngi. Pinahid niya ito habang tinatanggap ang aking mga dala. Kahit na naguguluhan ay puno ng sakit ang kan'yang mga mata. "Bakit ba ako umiiyak? Walang Aia dito, ako si Aria... Aria Segovia. Mag-isa lang ako rito." Ilang beses niya pang pinawi pero hindi pa rin mawala, "Bakit ba ako umiiyak? Sino ba si Aia? Ako nga si Aria... Aria Segovia." Lumapit ako sa kan'ya at mahigpit siyang niyakap, "Happy birthday..." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kan'ya at hinaplos ang buhok niya. Tumigil na ito sa pag-iyak, "Salamat dito, alam mo bang paborito 'to ng bestfriend ko? Sure akong matutuwa 'yon!" Sa huling pagkakataon ay muli ko itong niyakap, may pagpapalaya at labis na pagmamahal, na noon ay iginawad ko sa kan'ya bilang babae. "I am now setting you free," saad ko at tumalikod na. Labis na kagaanan ang dinulot n'on sa akin. Napangiti ako habang naglalakad palayo. Malaya na ako... Sana mapatawad na ako ni Aria. I believe in you You know the door to my very soul You're the light in my deepest darkest hour You're my saviour when I fall And you may not think I care for you When you know down inside That I really do And it's me you need to show How Deep Is Your Love How deep is your love, How deep is your love I really need to learn 'Cause we're living in a world of fools Breaking us down When they all should let us be We belong to you and me Tumingin ako sa kalangitan, buhat-buhat si Rio na tinuturo ang bituin na siyang nagpapaliliwanag at katabi ng malaking buwan. "Papa, nakatingin kaya sa atin si Mama Aria? Sa tingin mo binabantayan niya tayo?" Tumango ako bilang sagot. "Palagi. Kahit hindi natin siya nakasama ay sigurado akong binabantayan niya tayo." Hinalikan ko ang noo ni Rio at niyakap siya. Naglakad-lakad kami sa tabi ng dalampasigan at tinatanaw ang mga sumasayaw na kawayan kasabay ng hangin. And you come to me on a summer breeze Keep me warm in your love and then softly leave And it's me you need to show How Deep Is Your Love Nagpaiwan na siya sa isang bahagi nito para maligo. Hinayaan ko na lang siya at pinabantay sa life guard na malapit sa bahaging iyon. Ngunit ako ay nanatiling lutang at nakatitig sa kawalan. Nais alalahanin ang mga bagay na nangyari noon, ang mga ngiti at sakit. Dito sa dalampasigang ito, dito ako nagpropose sa kan'ya. Dito rin namin nalaman ang kan'yang pagdadalang tao. Sa lugar na ito nakakulong ang ang mga ala-alang nakabaon na lang sa nakaraan. "Ouch!" Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang isang daing. Napatulala ako nang makita ko ang kan'yang mukha. "Ria..." bulong ko. Hinawakan ko siya sa braso ngunit tinabig niya ako at tinulak. "Don't touch me! Hindi ako si Ria. You're handsome but I am not Ria. Cheap name, huh. I am Hue," maarte nitong pagpapakilala. Dumilim ang aking mukha. Namuo ang galit sa loob ko. Hindi siya si Ria. Maaaring magkamukha sila, pero iba si Ria. Hindi ganito ang Ria'ng mahal ko. "I don't care. Hindi ka nga si Ria, imposibleng ikaw si Ria," irita kong saad. Tinalikuran ko siya at naglakad palayo. How deep is your love, How deep is your love I really need to learn 'Cause we're living in a world of fools Breaking us down When they all should let us be We belong to you and me "You may now kiss the bride!" Pumalakpak ako nang makita ko siyang ngumiti habang itinataas ng lalaking kaharap niya ang kan'yang trahe de boda. Masaya na ngayon si Aia, masaya na siya sa piling ng lalaking alam kong labis siyang mamahalin ng buo. Higit pa sa pagmamahal na inukol ko sa kan'ya noon. Ako ang may sala sa istoryang ito, ang nanira at nanakit sa dalawang pinakamahalagang babae sa aking buhay. Ang masamang salamin na puno ng kasinungalingan. Ang hari na sumira sa tiwala ng babaeng kan'yang minamahal para sa sariling kasiyahan. Siya, si Ria... ang nanatili sa aking tabi. Ang babaeng hindi ako sinukuan. Ang biktima ng aking laro. Ang babaeng hindi ako sinukuan hanggang sa huli. Ang babaeng mamahalin ko habang buhay. Siya... siya naman si Aia. Ang babaeng noon ay pinag-ukulan ko ng pagmamahal. Ang tulay para makilala ko ang babaeng minamahal ko. Ang babaeng naging daan para mabago ang buhay ko. Sa pagsara ko ng huling kabanata ng istoryang ito ay alam kong bagong libro ang bubukas. Ang libro ng bagong istorya at pag-asa. Ang libro namin dalawa, ang istorya namin ni Hue.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD