Kabanata 5

4647 Words
Flowers "Anak, kailan ka bibisita?" Natigilan ako sa ginagawa at napasulyap sa screen ng cellphone ko. Nagvideo call kami ni Angeline kasi binisita niya si Ina. Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang hitsura ng nanay ko. Tumatanda na siya. May halo ng puti ang buhok niya pero ang maganda lang ay maganda pa rin ang lagay ng katawan niya. Malusog pa rin dahil hindi pinapabayaan ni Angeline katulad ng bilin ko. Tumikhim ako at nagpatuloy sa pagpindot sa calculator. "Uuwi ako riyan next week para bisitahin ka po," saad ko. "Dadaan ka sa mansion, Amelie?" rinig ko ang boses ni Angeline. "Hindi, Angeline. Mananatili ako ng ilang araw sa hotel diyan para sunod-sunod kong araw mabibisita si Ina," mahinahon kong saad. "Hinihintay ka ni Daddy at Mommy, Amelie," may lungkot sa boses niya. "Alam mo na ang sagot ko riyan, Angeline," mariin kong saad. "Tapos na po ang oras ng dalaw, Maam Angeline." Tinignan ko ang screen at naroon ang mukha ni Ina. Nagtitigan kami at hindi ko mapigilan makaramdam na naman ng lungkot at galit. Lumunok ako at hinaplos ang screen tapos nginitian ko siya. Ganoon din ang ginawa ni Ina. "Magkikita tayo next week, Ina. Mahal na mahal kita." Tumango siya at sandaling pumikit bago ngumiti sa akin. "Mahal na mahal din kita, Lucieta, anak ko. Nasasabik na ako na makita ka. Mag-iingat ka lagi riyan, ha?" marahan na saad niya bago naputol ang tawag. Mariin akong napapikit at sumandal sa upuan. Halos dalawang dekada na mula nang makulong siya. Umikli ang sintensya sa kaniya pero masyado pa rin iyong mahaba para sa inosente na katulad niya. Samantalang ang hayop kong ama, isa ng senador. Kinuyom ko ang kamao. Ganoon ba talaga? Para sa mayaman lamang ang hustisya rito sa Pilipinas? Preston raped her. Pinagtakpan iyon ng pamilya niya. Inilaban ni Ina noon ngunit pinagbantaan siya ng pamilya ni Preston. At kahit inilaban ko 'yon noong nalaman ko, wala na akong magawa dahil takip na takip na siya ng pamilya ni Angelique na halos puro abogado at may sinabi sa buhay. Kahit si Ina ay ayaw ng ilaban dahil matagal na panahon na raw iyon at madudungisan lang ang pangalan ko! Walang laban dahil mahirap lang siya at ang pamilya ni Preston saka ni Angelique ay puro mayayaman. Kaya nga nag-iipon ako at nagpapayaman. Umaasa ako na may magagawa pa ako pero sabi nga ng kaibigan ko na may alam-alam sa law, wala akong matibay na ebidensya. Ako lang ang ebidensya pero ang magiging laban doon ay nagkaroon ng affair si Preston at ang Ina ko. Madali lang gawan ng paraan para idiin ang issue na 'yon. Tapos baka mabaliktad pa dahil nga kasal si Preston at Angelique, tapos si Ina pa lalo ang maagrabyado. Ang hirap-hirap! Pero ayoko sumuko. Kaso nanghihina rin ako kasi kahit si Ina na siya mismong biktima ay mahina ang loob. Sinasabi niya sa akin na biyaya naman ako sa kaniya. Bullshit. Baka ako nga. Pero ang nangyari na kahayupan na 'yon na halos sumira sa relasyon nila ni Itay at kahit mismo ng utak niya ay hindi biyaya. Rape is rape! I remember how I learned about the truth. It was my debut. Ang saya ko pa noon kasi para akong prinsesa. Pinaghandaan nila iyon. Tapos narinig ko ang usapan ni Preston at ng Tatay niya. "Amelie was a wonderful gift to me, Papa. Mahal na mahal ko ang anak ko," aniya. Ako naman ay halos mapangiti. May tampo pa rin ako sa kaniya, sa kanila ni Ina dahil gumawa sila nang masama pero medyo nawawala iyon dahil sa katotohanan na natatanggap ako ni Angelique. Binibigay rin niya ang lahat sa akin. "A gift through rape, son? Parang regalo tuloy iyan na pinagpilitan at ninakaw. Alam na ba niya?" humalakhak ang kaniyang tatay. Nanigas ako sa kinatatayuan. Parang may nawasak sa kalooban ko. Nagkagulo ang mga bagay sa isip ko pati ang emosyon ko. "Ang alam niya ay may namagitan sa amin ni Amalia. Doon pa lang ay galit siya sa akin. Hindi ko alam kung anong mangyayari kung malaman niya ang totoo kaya ayaw kong malaman niya. Napagkasunduan namin iyon ni Amalia pati ni Angelique, na ibaon na lang ang totoong nangyari. Para sa relasyon namin mag-ama at para na rin sa ikabubuti ng isip ni Amelie," aniya. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Naalala ko ang pagtitiis ko sa Ina ko. Iyong halos hindi ko siya pansinin dahil hindi ko matanggap na ginawa niya iyon. Iyon pala, biktima siya. Humakbang ako at nagpakita sa kanila. Ganoon na lang ang panlalaki ng kanilang mata nang makita ako. Bigla ay sinugod ko si Preston at pinaghahampas. "Puta ka! Putangina ka!" sigaw ko sa kaniya. "Anak—" "Amelie. Don't cuss on your father—" Hinarap ko rin ang tatay niya. "Putangina ka rin!" Pinagpatuloy ko ang paghampas kay Preston at pilit niya akong pinipigilan pero hindi ako nagpatalo. Tapos dumating si Angelique at napatili saka sumama sa pagpigil sa akin. "Amelie, ano ang ginagawa mo?" Gigil na hinarap ko siya at dinuro. "Ikaw rin, putangina ka! Kababae mong tao, tinanggap mo na nanggahasa iyang asawa mo ng kapwa babae mo? Tinanggaap mo? Kaya pala biglang bait ka sa akin! Hindi ka ba nandidiri sa rapist na 'yan?" Hinila ako ni Preston paharap sa kaniya at biglang sinampal. Hindi ako nagpatinag at tinapatan ang titig niya. "Hindi mo alam ang nangyari noon. Nasa ilalim ako ng kapangyarihan ng droga—" "Putangina mo pa rin! Kadiri kang hayop na gagong putangina ka! Hindi sapat ang lahat ng mura, sumpa at panlalait sa ginawa mo sa Ina ko!" Akma niya akong sasampalin ngunit inunahan ko siya. Bigla ay hinila ako ni Angelique at akma rin akong sasampalin ngunit inunahan ko rin siya tapos natumba siya. Halos manlisik ang mata ko na umatras at tinignan silang tatlo. "Mga hayop kayo! Hayop! Ay hindi, unfair sa mga hayop na ikumpara kayo sa kanila! Mga kunsintidor! Nakakadiri! Siguradong may iba pang baho kayong tinatago. Nakasusuka! Mga putangina!" sigaw ko habang nanginginig sa galit. Umalis ako noon sa mansion at pilit nila akong pinauwi ngunit hindi ko ginawa. Halos sumali rin si Ina sa pagmamakaawa na bumalik ako kina Preston dahil alalang-alala siya ngunit hindi ako pumayag. Masama ang loob ko sa lahat, kahit kay Ina dahil nakipagsundo pa siya sa mga demonyo na 'yon. Nagrebelde ako sa paraan na hindi ako masisira. I went against their wants. Wala silang kontrol sa akin. Sumali ako sa entrance exam sa malalaking unibersidad sa Maynila at nang makapasa sa UP ay ginapang ko talaga ang pag-aaral ko nang mag-isa. Hindi ako humingi ng tulong sa kanila. Halos tumira ako sa kung saan-saan sa mga unang buwan ko roon bago nakakilala ng kaibigan at tinulungan ako. Naging working student ako para makatustos sa pangangailangan. Hindi ako nakabisita kay Ina sa loob ng halos limang taon at nakakapag-usap lang kami dahil kay Angeline na galit din sa ama niya. Halos mabaliw ako sa mga problema at idagdag pa ang pag-aaral. Ang tatalino nila samantalang ako, average lang kaya dinaan ko na lang sa sipag at tiyaga. Sinabayan ko ang ginagawa nang marami na aral talaga. I graduated as c*m laude under business course. Pero siyempre, ako pa rin si Lucieta na bobita, sadyang nagsipag lang. Gusto ko sana mag-law kaso umatras ako nang malaman ko kung gaano katagal. Nagsimula ako ng kung anu-ano na business. Nandiyan iyong nagtitinda ako ng mga leche flan at online selling din habang nagtatrabaho ako sa isang kompanya. Pero katagalan, mas ginusto ko na ako mismo ang boss. Tamad na akong maging masipag kaya nagstart na ako nang seryosong business. Ngayon ay may flower shop na ako na may dalawa ng branch. At ang nasa isip ko pa rin ay bigyan ng hustisya si Ina kahit maraming nagsasabi na malabo. Iyon pa rin ang gusto ko kahit ayaw ni Ina. Nabigla ako nang may kumatok sa backdoor na nasa may likod ko lang. Dito na kasi ako tumitira sa main branch ko ng flower shop ko. Malawak ang office ko na nagsilbing bahay. May shower room na naroon na ang toilet tapos sink at maliit na stove. Iilang gamit sa kusina at malaking ref. Karamihan sa kinakain ko na nga ay easy to cook para convenient. Sa sahig na ako natutulog, naglalatag na lang ako ng higaan. Hindi naman ako naghihirap, mas pinipili ko lang na ganito kasi mas gusto ko mag-ipon. Lumapit ako sa pinto tapos sumilip ako sa butas. Nakita ko si Santa kaya agad kong binuksan. Nakasimangot siya kaya lumabi ako. "Parang anak ka na talaga nina Mom at Dad tapos ako sampid," aniya at pinakita ang mga dala niya. Natawa ako at niyakap siya. Sa kanila ako noon tumira tapos gustong-gusto ako ng parents niya. Gusto na nga ako ampunin. "Ay foods," saad ko at napangisi nang sinilip ang laman noon. Ibinaba niya iyon sa mesa tapos nilabas ang mga tupperware. May iilang luto tapos karamihan ay mga marinated na foods, iluluto na lang. Napangiti ako at napapalakpak. "Hmm, ang sarap pa naman nitong beef tapa ni Mama Jesusa," saad ko at sinilip ang tatlong container na puro beef tapa. Lulutuin ko na lang 'yon dahil marinated na. Favorite ko 'to. "Grabe, bongga talaga..." bulong-bulong ko. Nameywang sa harap ko si Santa Maria at sumimangot. Natawa ako at halos hampasin siya. She made a face and sat on my chair. Inilagay ko sa ref ang mga bagong stock ng pagkain ko. Napaka-thoughful talaga nina Mama Jesusa at Papa Emmanuel. Napailing ako at napangisi nang maalala kung gaano kaweird ang pamilya nila. Ang apelyido nila ay Espiritu tapos iyong kuya ni Santa Maria ay si kuya Holy. "Ano? Kumusta na iyong preparation niyo sa kasal niyo ni Daniel?" tanong niya. Binuksan ko 'yung tupperware na may laman na chocolate moist cake at sinimulan lantakan. Sinubuan ko rin si Santa Maria. "Daniel Padilla o Matsunaga?" tanong ko at ngumisi. She rolled her eyes and swallowed her food. "Daniel Lincoln Dimaculangan, better than Daniel Padilla or Matsunaga dahil anak iyon ng presidente!" nanlalaki ang mata niyang saad. Umiling ako at ibinaba ang kutsara. "Daniel Padilla is the nakakakilig type. Crush ng karamihan kasi malakas dating. Si Daniel Matsunaga, siya 'yung tipo na pagnanasaan mo. Imagine na hinahaplos mo ang abs niya habang nasa ibabaw mo si—" Natawa ako nang sinapak ni Santa Maria ang bibig ko habang namumula at nanlalaki ang mata. Humagalpak ako at pinasakan siya ng cake sa bunganga. Pa-virgin, amp! "Seryoso kasi! Kumusta na?" Nagkibit ako ng balikat. "Walang problema. Finish na. Kailangan ko na lang umattend sa kasal," simpleng saad ko bago kumuha ng soda in can sa ref. Kinuhaan ko rin si Santa at bumalik na. "Eh, ikaw? Ready ka na ba? Next week na 'yon," aniya. Tumango ako at lumagok sa inumin bago siya tinignan. "Ano pa bang dahilan para hindi ako maging ready? Uuwi ako sa amin next week para kay Ina tapos Sabado ng umaga, uwi ko na since linggo ang kasal," saad ko. "Aray! Putangina! Ano ba Santa?" Sinapo ko ang parte ng ulo ko na sinapak niya at pinanlakihan na naman niya ako ng mata. "Akala mo 'di mo kasal 'yang pinag-uusapan natin. Hindi ka excited o malungkot!" aniya. Nginiwian ko siya. "Sabi ko naman sayo, I'm just okay about it. Kaibigan natin si Daniel. Katulad ng napag-usapan namin noon na kapag umabot kami sa ganitong edad na single pa rin, e'di kami na lang. I think it's convenient kasi magkaibigan naman kami. Nagkakaintindihan at kilala na ang isa't isa," mahinahon kong saad. She sighed and pouted. "Huwag ka na maniwala sa fairy tale type na lovestory. Kasi 'yung first and only lovestory ko, tragic! Kaya wala na akong gana sa ganiyan-ganiyan," saad ko. Lumabi siya lalo. "Sayang naman. Ayaw mo ba maranasan sumaya? Iyong totoong saya na habambuhay kasi kasama mo ang minamahal mo," tanong niya. Kinurot ko ang ilong niya. Ito si Santa Maria, maldita pero hopeless romantic, eh. "Wala na akong tsansa roon. Alam mo noong nawala siya, dala niya na ang puso ko. Tangina ang corny pero totoo," saad ko at humagalpak. "Sayang si Rigor, 'no? Bata pa lang pero siya na 'yung lalake na siguradong pinapangarap ng mga babae kung nabubuhay pa siya ngayon. Ginawa kang prinsesa, ay hindi, reyna! Sayang kayo," aniya, halata nga ang panghihinayang sa boses. Napayuko ako at tinignan ang cake. Alam ni Santa Maria ang tungkol kay Rigor. Alam niya lahat-lahat, minus the part that he's the one who killed f*****g Percy. At alam din niya ang katotohanan na hindi na ako nakaranas na magmahal ng lalake dahil si Rigor ang naging standard ko. Walang nakapantay. Iba kasi talaga 'yon, kahit bata pa kami noon. Ibang-iba talaga. "Hindi ba unfair kay Daniel na magpapakasal kayo pero may minamahal kang iba?" tanong niya. Sinulyapan ko siya at napailing. "In the first place, pagkakaibigan ang meron kami ni Daniel. We chose to marry each other kasi convenient. Kaya walang unfair part doon. Isa pa, si Rigor ay nilagay ko na sa pedestal. Masyado siyang mahalaga sa akin pero alam kong hindi magiging akin. Eh siyempre wala na siya. Dito na lang siya sa isip at puso ko. Tangina ka talaga, Santa Maria. Sabi kong h'wag natin pag-usapan si Rigor kasi nagiging corny ako!" saad ko at binato sa kaniya ang takip ng tupperware. "Hoy Lucieta, hindi ka ba naiilang na sundan ng mura ang pangalan ko? Grabe ka, ha? Banal ang pangalan ko tapos susundan mo ng bad words!" I stick my tongue out and slap her arm. "Kapag minumura kita, mukha mo ang nasa isip ko, hindi as in pangalan mo. Kaya walang kaso 'yon. Banal pangalan mo pero hindi ikaw!" pang-aasar ko. Tumayo siya at sinabunutan ako. Tawa ako nang tawa at sinabunutan din siya. Hanggang sa mapagod kami. Naupo kami sa sahig at tuluyan ng humiga. "Lucieta, ayaw mo ba talaga sumaya nang sobra?" tanong niya muli. Itinaas ko ang kamay at iginalaw-galaw iyon kasi wala lang, trip ko lang. "Kontento na ako sa kasiyahan na meron ako. Hindi na ako maghahangad ng mas malalim na kasiyahan. Pakiramdam ko malabo na rin 'yon sa akin. Si Ina at Rigor lang ang pinakamalalim kong kasiyahan." Nakatulog si Santa Maria kahit pawisan. Tumayo ako at medyo nilakasan ang aircon bago lumapit sa may salamin. Dinampot ko ang kulay ginto na plastic na suklay at pinasadahan ang buhok ko na gulo-gulo dahil sa laro namin ni Santa Maria. Napaupo ako at bumuntong-hininga. Ikakasal na ako sa susunod na linggo. Mapait akong napangiti nang maalala ang pangako ng isang bata sa akin noon. Sabi niya papakasalan niya ako ngunit heto, wala na siya, matagal na para tuparin iyon. Kinuha ko ang cellphone at pumunta sa gallery. I played that certain video for the nth time. Tumulo muli ang mga luha ko at nanikip ang dibdib. "Lucieta! Lucieta!" Sa video ay hawak na siya ng mga pulis. Tapos nasa malayo ako, nakahiga sa sahig at nanginginig pa rin. Umiiyak si Rigor habang hinuhuli siya dahil gusto niya lumapit sa akin. Hanggang sa makawala siya at nagtumbahan ang mga pulis. He ran towards my direction. Umalingawngaw ang mga putok ng baril at tumama sa kaniya. But he still manage to reach my hand. Noong tumumba siya ay nahawakan niya ang kamay ko. Gumapang siya palapit sa akin ngunit hinang-hina siya. Paglapit ng mga pulis ay siya ring pagdating ng ambulansya. Binuhat ako ni Preston at naiwan siyang nakahandusay, naghahabol ng hininga at tinatawag ang pangalan ko kahit nanghihina. Inulit ko pa ang video bago iyon binaba at tahimik na umiyak. Hinaplos ko ang parte ng kamay ko na huli niyang hinawakan at lumuha nang lumuha. Simula nang makuha ko 'to sa social media ay lagi ko ng pinapanood. At hinahayaan ko ang sarili mamatay nang paulit-ulit dahil sa sakit. I got this video when I was 12 years old. Accidentally lamang iyon at mabuti nakuha ko bago pa ni-take down. Maliban sa mga damit niya at memories namin, ito na lang ang alaala ko sa kaniya. Pero masakit ito, pinapatay ako nang paulit-ulit. They took his action as aggression. Lalo na nang napatumba niya ang maraming pulis na nakahawak sa kaniya. Pero ang totoo ay gusto niya lang ako lapitan. May kakaiba nga siyang lakas pero hindi niya intensyon na saktan ang mga pulis. Gusto niya lang makawala para lapitan ako. Nang mapanood ko 'to noon ay gumuho ang mundo ko. Ganoon pa rin palagi. Gusto kong maniwala na buhay pa siya pero sa dami ng bala na tumama sa kaniya, ikamamatay niya nga 'yon. Malakas siya at kakaiba pero hindi naman immortal 'yon. Walang immortal, lahat nagtatapos. Kaya mula noon ay inalagaan ko na lang siya sa puso at isip ko. Dito siya nanatiling buhay. Pero hinding-hindi ko matanggap ang kamatayan niya. Bigla ay nag-ring ang cellphone ko. Hinanap ni Mama Jesusa si Santa Maria at sinabi ko na mukhang dito matutulog ang babaeng 'yon kaya napalagay naman sila. Pagkatapos ng tawag ay lumapit ako sa mesa ko at tulala na kinain ang cake. Pilit ko na isinantabi ang lungkot na nararamdaman. Kinabukasan ay napagpasyahan namin kumain ni Santa Maria sa isang restaurant for breakfast. Libre niya raw kaya siyempre g na g ako. Kumakain na kami nang may tumigil na sasakyan sa harap ng restaurant. Tapos may lumabas at maraming kasunod na bodyguards. Napailing ako at nginitian si Daniel na lumapit na sa amin. "Honey," he greeted and kissed my cheek. Umupo siya sa tabi ko at binati si Santa Maria. Nag-order na rin siya at dinagdagan ang pagkain ko kasi kulang pa nga sa akin. "Ang takaw mo talaga, 'di naman tumataba," pang-aasar ni Daniel. "Sa pwet niya napupunta ang taba!" saad ni Santa Maria. Lumabi ako at kinapa ang dibdib. "Hindi na nadagdagan ang dede ko. Puro sa pwet," saad ko. Natawa ako nang pigilan ni Daniel ang ginagawa ko. Sinapak ko siya sa braso at tinawanan lang. "Kapain mo rin?" pang-aasar ko. Namula siya kaya natawa ako. "Gaga ka talaga!" saad ni Santa Maria at humagikhik. "Wala rin naman masyado makakapa si Daniel diyan," aniya. Tumawa ako at inalog si Daniel. "Paano 'yan, kapag nagsex tayo wala kang mai-squeeze masyado. Sakto lang ata 'to ng kamay mo kapag nakadakot shape. Boring 'yon," saad ko. Lalong namula si Daniel at nagtawanan kami ni Santa Maria. "Kala ko ba friends, bakit may s*x?" tanong ni Santa Maria. Pinatigil kami ni Daniel pero humalakhak lang ako. "Siyempre, kasal na kami. Ayaw ko rin maging forever virgin. Kahit friends kami ni Daniel, maseseduce ko naman 'yan," saad ko. Nginisihan ko si Daniel na hindi makatingin. Pinagapang ko ang kamay sa hita niya. "Di ba Daniel," paos kong bulong. Natawa si Santa Maria. Sanay na rin sila sa kapilyahan ko. Napatawa ako nang nakita ko ang pagreact niya. May umuumbok! Kaya ang sarap talaga pagtripan nito, eh! Pinatuloy ko ang pang-aasar sa kaniya, sa hita niya. Bumitaw ako saglit upang uminom ng juice at sa isang kisapmata ay biglang napaigtad si Daniel. Nabasag ang salamin sa gilid niya. Nanlalaki ang mata ko nang makita na dumudugo ang hita niya na hawak ko lang kanina. Nagkagulo sa restaurant. Ang mga bodyguard niya ay agad kumilos. Napatingin ako sa bintana at nakita mula sa may itaas ng building na may sniper. Tumingin ito sa banda namin bago umalis. All black ang suot nito kahit ang harang sa mukha. Sinabi ko 'yon sa mga guard ni Daniel at agad naman silang umaksyon. Agad na dinala sa hospital si Daniel. Nanginginig ako sa kaba at takot. Normal na may mga banta sa buhay namin dahil nasa politika ang aming mga ama, pero mas malala kay Daniel dahil anak siya ng President. Kaya naman mahigpit ang seguridad at ito ang unang pagkakataon na nagtagumpay na masaktan si Daniel! "Oh my gosh! Mabuti na lang sa hita siya natamaan!" saad ni Santa Maria at hinaplos ang likod ko. "Baka warning lang. Kasi kung ako ang sniper at masama talaga, siyempre diretso ulo na! Grabe 'yung chance niya, eh. O baka pasmado kaya sa hita napunta ang shot?" aniya. Kung ano man ang dahilan no'n, na baka pasmado, o tatanga-tanga, mas mabuti na 'yon kaysa sa ulo talaga o dibdib. Hinilamos ko ang mukha gamit ang kamay at bumuntong hininga. Natatakot tuloy ako lalo. Parang ayaw ko na magpakasal kasi baka maging biyuda agad ako. Pero that's not the main problem. Siyempre kaibigan ko si Daniel at ayaw ko mapahamak siya. Tumawag agad sa akin si Angeline. Kinamusta rin ako ng secretary ni Preston. Si kuya Anton iyong secretary at siya ang nangangamusta sa akin kasi pumapayag ako na kausap siya, pero hindi si Preston. Ayan na naman 'yung kagustuhan nila na bigyan ako ng bodyguard pero ang sabi ko, ipakalat na lang sa paligid ko at stay lowkey. Ayaw ko 'yung napapansin ko kasi naiinis ako. Hindi nahuli iyong sniper. Nawala raw na parang bula. Lalo akong kinabahan sa katotohanan na malamang ay kikilos na naman ang mga 'yon. Madalas sa mga ganoon ay kalaban din sa politika, eh. Kaya ayoko talaga pumasok sa ganiyan kasi marumi at magulo. Si ate Angeline ay pinapasunod sa yapak ni Preston pero ayaw niya. Si Angelo ang susunod dahil tatakbo itong Mayor sa susunod na eleksyon. Nadischarge din naman agad si Daniel. Tinaggal lang 'yung bala at ginamot siya. Si Sara na lang ang pinabukas ko ng flower shop, maaasahan naman iyon. Sinamahan namin ni Santa Maria si Daniel sa condo unit niya. Heavily guarded na naman siya. "Alam mo, parang 'di talaga bagay sayo ang flower shop, Lucieta. Kasi alam mo, parang soft ang dating ng flowers. Feminine, gano'n. Mahinhin. Kilala mo ba 'yung heiress ng sikat na Graciano, ayon nababagay sa kaniya kasi babaeng-babae, elegante at graceful. Pero ikaw hindi gano'n! Bungangera, attitude masyado, nananapak, palamura at bastos bunganga!" saad sa akin ni Santa Maria habang pinapanood namin si Daniel na inaalalayan ng guard patungo sa kwarto niya. "Atleast, kasing fresh ko ang bulaklak. Alam mo, ikaw rin. Hindi bagay sayo ang Santa Maria kasi malayo ka sa pagiging banal. Kilala mo 'yung porn star, sino ba 'yon, basta! Mapanakit ka rin, maldita, liberated at favorite i-s*x si—" tinakpan niya ang bibig ko. Nang tinanggal niya ay nginisihan ko siya na pikon na naman. "Ikaw kasi. Alam mo naman na 'di ako papatalo!" saad ko. She made a face. "Sige na, lutuan mo kami foods. Gutom ulit ako," saad ko. Nagreklamo siya pero kumilos pa rin sa kusina ni Daniel. Pareho kasi sila ni Mama Jesusa na masarap magluto eh. Pumunta ako sa kwarto ni Daniel at tama-tama naman na umalis na ang guards niya. Umupo ako sa kama niya at hinaplos ang buhok niya. "Kumusta na pakiramdam mo?" tanong ko. He smiled at me then pulled me. Halos mapasubsob naman ako sa kaniya. "Okay naman. Sorry pinag-alala kita," bulong niya. Tapos bigla niya ako hinalikan. Naisip ko na wala naman masama. Nakipaghalikan na rin ako sa iba noon kasi may hinahanap akong feeling pero wala talaga. Ngayon ay fiancé ko naman na si Daniel... Pumikit lang ako at hinayaan na igalaw niya ang labi niya. Hinaplos niya ang mukha ko, sunod ay ang braso ko patungo sa likod ko. Pilit ko na sinagot ang halik niya pero wala akong naramdaman. I felt his hand on my chest. Lumayo ako at pilit siyang nginitian. Siya naman ay mapungay na ang mga mata at mukhang lasing na. "Ano ba, Daniel? A-advance s*x ka ba?" pinilit ko ngumisi para mabawasan ang awkwardness na nararamdaman ko. Ngumiti siya at kinagat ang labi. Ewan ko ba. Gwapo naman si Daniel. Marami rin gwapo na nanligaw sa akin noon tapos mayaman din. Pero wala talaga akong magustuhan. "Pwede ba?" he chuckled. I awkwardly laughed and slapped his mouth. Tumawa rin siya. "Pag kasal na tayo," saad ko at tumayo na. Agad niyang hinawakan ang kamay ko. "Joke lang. Saan ka pupunta?" tanong niya. "K-kay Santa Maria lang. Help ko lang siya," saad ko. Mukha naman siyang dismayado talaga pero pinakawalan ako. Napailing-iling ako paglabas ng kwarto niya. Grabe, wala na nga akong magustuhan na lalake, hindi rin ako natuturn-on. Para bang namarkahan na ako. Kawawa naman 'yon si Daniel pag mag-asawa na kami. Pag kailangan niya ng s*x wala ako gana kasi walang effect sa akin! Amputa! Ang lakas ko pa mangtrip kanina, kaya yata nagdamoves na ngayon kasi akala niya yata go-signal ko 'yon. E'di maghanap siya ng ibang babae. Ayos lang naman sa akin 'yon. Pero kung gano'n nga, e'di dapat huwag ko na lang siyang hayaan na matali sa akin! Para mas maging malaya siya. Pabagsak akong umupo sa sofa at lumabi. Kung kailan malapit na ang kasal saka nagiging komplikado ako. Kaso siyempre, s*x iyon, eh. Mahalaga rin 'yon sa mag-asawa tapos 'di ko mabibigay dahil walang effect sa akin. Baka ma-offend pa si Daniel. Sayang, halatang daks pa naman siya at may abs pero wala effect sa akin. "AHHHH!" I frustratedly shouted. Mula sa kusina ay lumapit sa akin si Santa Maria na may hawak pang sandok. "Anyare sayo?" tanong niya. "Nakaka-putangina! Sige na, balik ka na roon!" saad ko at kinuha ang throw pillow saka sumubsob doon. Bumalik din ako sa shop ko pagdating ng hapon. Si Santa Maria lang dapat pero ayoko magpaiwan kasi nga baka kumilos na naman si Daniel, ang awkward talaga. Malungkot naman siya pero walang magawa. Pagdating ko sa shop ay may mga customer. May bumili ng bouquet at ako mismo ang nagdisenyo noon. Tumatawag si Angeline kaya pumunta muna ako sa office ko. Video call kaya naisip ko na baka kasama niya si Ina at 'di nga ako nagkamali. "Binalita sa akin ni Angeline ang nangyari sa anak ng Presidente na fiancé mo," saad ni Ina. "Kasama ko siya kanina, Ina. Pero ligtas naman na kami. Nabaril siya sa hita," sagot ko. Tumango siya at bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha. "Huwag ka na lang muna umuwi rito! Baka mapaano ka pa," aniya. Nanlalaki ang mata ko at umiling. "Ina, gusto kita maki—" "Makapaghihintay naman ako. Mas mapapanatag ako kung hindi ka lalabas-labas. Pakiusap, Lucieta. Ayoko pati ikaw mawala sa akin," malungkot niyang saad. I tried to reassure her that I'll be fine but she stayed firm. Kahit si Angeline ay nakisali rin na huwag na lang ako umuwi kaya siyempre, wala na akong palag. Kaya naman sa mga sumunod na araw ay madalas lang ako sa shop. Bumibisita sila Mama Jesusa at Papa Emman pati si Santa Maria. Si Daniel ay bumisita rin pero heavily guarded pa rin. Medyo frustrated din siya dahil gano'n ang lagay ng hita niya sa kasal namin pero sabi ko naman, ako naman ang maglalakad sa mahabang aisle, hindi siya. "Excited na ako sa Sabado!" saad ni Santa Maria habang may ka-chat. Sinulyapan ko siya bago bumalik sa pagcompute. "Bakit naman?" tanong ko. "Eh may party nga na hinanda para sayo sina Anabelle! Bago ka man lang ikasal," aniya. Lumabi ako at tinignan siya. "Party? Iyong mga lobo ay hugis p***s at pati ang cake? Katulad sa nababasa ko?" takhang tanong ko. Ngumisi siya at tumango. Napangiwi naman ako. "Ang weird noon," saad ko. "Funny kaya!" May kumatok sa pinto na siyang partition ng office ko at ng mismong shop ko. Tapos pumasok si Sara na may dalang bouquet ng flower. "Ano 'yan?" tanong ko. She smiled and gave it to me. "May nagdeliver po," aniya bago umalis. Agad nakiusyoso si Santa Maria. "Ang weird. May nagdeliver ng flower sa isang flower shop. Masyadong redundant," saad ng kaibigan ko at humagikhik. Tinitigan ko ang palumpon ng rosas. Magkahalong pula at puti iyon. Napansin ko ang isang card at binasa ang nakasulat doon. Nakaramdam naman ako ng halong pagtatakha at kaba. Masyadong mabilis ang t***k ng puso ko. "I'll get you, Lucieta. Remember, you're mine." -R.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD