Truth
Lungkot na lungkot ako sa nangyari. Hindi ko maintindihan bakit kailangan nilang pagtulungan si Rigor katulad ng naikwento ng gobernador.
"Lumaban kasi siya-"
"Bata pa si Rigor! Hindi nalalayo ang edad namin at wala siyang laban kumpara sa maraming pulis na naroon! Mas malalaki at mas malalakas kasi pinag-aralan nila 'yon. Atsaka hindi naman masama si Rigor, eh. Bakit nila huhulihin? Inalagaan niya ako nang mabuti at parang hindi ako naging pulubi sa tabi ng daan dahil sa kaniya!" depensa ko habang umiiyak. Napailing ang gobernador at halatang problemado.
"Malaki si Rigor. Akala nila ay nasa bente na siya. Anak, nasangkot siya sa droga. Bago siya hinuli, malamang ay sinubaybayan muna siya. Humanap sila ng patunay na totoo ang ginagawa niya. Tapos nagkunwari ang pulis na na customer. At siya mismo ang nagbigay noon," mahinahon niyang saad.
Ngunit hindi ko magawang kumalma. Hindi ko matatanggap na patay si Rigor. Kilala ko siya, mabait siya. Bakit hindi ako tinanong ng pulis para nasabi ko sa kanila ang totoo? Na mabait si Rigor at inosente. Wala naman kasi akong alam tungkol sa droga kaya hindi ko siya napagsabihan! Eh, parang bata 'yon minsan kasi wala din halos alam. Ang mga kaalaman niya ay limitado sa kaalaman ko.
Hindi talaga ako naniwala na patay na si Rigor. Malakas siya, mabilis tumakbo at maparaan. Hahanap iyon ng paraan para makatakas. Pero ilang beses nayanig ang paniniwala kong 'yon dahil sa mga sinasabi ng governor. Kaya lagi ko siyang inaaway. Hanggang sa noong bago ako gumaling, nangako siya na pupunta kami Maynila para sa ikatatahimik ko.
Naaalala ko ang pagbisita sa akin ng isang babae na may magandang pananamit at postura. Tapos masama ang tingin niya sa akin kaya sinamaan ko rin siya ng tingin.
"Ilang taon ka na?" tanong niya habang nakangiwi at nakatingin sa akin.
Nginiwian ko rin siya.
"Sampo. Ikaw, 'te?"
Hindi niya ako sinagot at inismiran. Tapos may mga pumasok na maid at narinig ko na Madam ang tawag sa kaniya. Pero 'di naman ako natakot. Tapos nalaman ko, asawa pala siya ng governor. Hindi ko alam bakit binisita niya ako tsaka 'yung asawa niya na si Gov. Preston, mapapel iyon sa buhay. Tinatawag akong anak. Ano 'yon, tatlo silang magulang ko? Pero kailangan ko magpakabait kasi dadalhin niya ako sa Maynila next time, eh.
Dumating ang araw na okay na ako. Tapos niliguan na ako kaya tinakpan ko 'yung pekpek ko pero tinatawanan lang ako noong maid na nagpaligo sa akin. Tapos binihisan ako ng magandang bestida at sandals. Iyong mahaba at alon-alon ko rin na buhok, inayos at may nilagay na magandang hairclip sa gilid. Lumabi ako sa harap ng salamin at tinignan ang sarili ko.
Sa pamamalagi ko rito ay medyo nabawasan ang kaitiman ko kaya halata na naman ang freckles ko sa may pisngi at ilong. Hinampas ko ang pisngi, naiirita sa buto na naroon pero pinigilan ako ng maid.
"Cheekbone 'yan. Maganda ka at magiging asset mo 'yan pag malaki ka na," nakangiting saad niya. Napapansin ko siya ang lagi nag-aasikaso sa akin. Tinagilid ko ang ulo at tinignan siya sa repleksyon.
"Asset o ah, shet?" tanong ko. Tumawa siya at napailing. "Ano pala pangalan mo? Tsaka bakit lagi kang nagpapaka-yaya sa akin, eh, mahirap lang ako. Wala akong pambayad sayo. Naku, huwag mo akong sisingilin, ha? 'Di kita pinilit!"
Tapos tumawa na naman siya. Lah, parang tanga.
"Ako si Joyce. Ako ang personal maid mo," aniya at ngumiti sa akin. Ah, akala ko si Natoy...
Tumaas ang kilay ko at lito sa sinabi niya ngunit inalalayan na niya ako pababa sa upuan tapos lumabas kami ng kwarto. Tapos ang laki-laki ng bahay, grabe. Ang lawak at laki no'ng hagdan tapos may mga paintings pa at mamahalin na vase. Sabi ni Joyce ay antique raw ang iba kaya huwag na huwag ko babanggain.
"Ate Joyce, saan ba tayo pupunta?" tanong ko at sinulyapan ang magara kong damit.
"Mag-uumagahan po..." aniya.
Lalo naman ako nalito. Kakain lang pala para sa umagahan tapos nakaganito pa?
Pagdating namin sa baba ay sinalubong ako ng gobernador. Tapos may kasama siyang tatlong babae at isang lalake. Iyong isa sa babae ay 'yung bumisita sa akin noong nakaraan, 'yung asawa raw ni gobernador. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa at ginaya ko rin sila.
"Mula ulo...mukhang paa," bulong ko.
Humalakhak si governor tapos napahawak pa siya sa tiyan niya. Hala, anong nakakatawa?
"Lahh, governor, hindi po ako nagjojoke, parang tanga."
Nanlaki ang mata noong asawa niya at humakbang palapit sa akin.
"Aba't, asal kalye ito-"
"Tumira po ako sa kalye, eh," saad ko.
Tumaas ang kilay niya at inismiran na naman ako. Napalabi ako. Medyo magalang naman ako kaso ramdam ko talaga na ayaw niya sa akin tapos parang kahit anong oras ay hahamakin niya ako.
Nilapitan ako ni governor at hinawakan sa kamay. Tapos pinaharap niya ako sa dalawang babae at isang lalake na naroon.
"Children, introduce yourselves," saad ng governor.
Ay, parang 'yung sa school na magpapakilala tapos magpapakita ng talent!
"I am Angeline, 16 years old," saad noong pinakamatangkad na babae. Tapos ang hinhin niya sobra kumilos at pormal. Akala mo lantang gulay. Hindi siya nakangiti.
"Ako naman si Angel, 14 years old," saad ng isa at ngumiti sa akin. Isa pa 'to.
Tapos napunta naman ako sa lalake na nakayuko. Nag-angat siya ng tingin at nagtitigan kami.
"Angelo, 9 years old," aniya at lumabi. Siya naman, mukhang normal.
Nameywang ako sa harap nila at itinaas ang kamay, hawak kunwari ang mic.
"Hi, everything! I am Lucieta Amelie Castiliote, 10 years old. I believe in the saying, time is gold. My talent is singing, dancing, and acting." Tumikhim ako at pumikit. "Sayang na sayang talaga! Sayang na sayang talaga! Sayang na sayang talaga!" tapos kumendeng ako sa harap nila at umikot. Sunod ay nagkunwari na akong umiiyak sa harap ng asawa ni governor. "Ina, ang pansit! Ito na po ang pansit!" Tapos tumayo na ako at nagbow.
Bigla ay pumalakpak si Angelo at Governor tapos tumawa si Angel. Ngumisi ako at yumuko ulit.
"Talented ka pala, Amelie!" sobrang hinhin na saad ni Angel.
Humagikhik ako at nilagay ang buhok sa likod ng tenga.
"Small things. Magpaturo ka lang sa akin kapag may talent portion sa school," saad ko.
Lumapit sa akin si Angelo at tumingala sa akin.
"Teach me, Lucieta," aniya at ngumiti.
"Nonsense, Angelo. Let's eat!" saad noong asawa ni governor tapos hinila paalis si Angelo.
Nagtatakha ko naman silang sinundan ng tingin. Sumunod na ang dalawang babae kaya naiwan kami ni governor. Nagkatinginan kami. Lumabi ako.
"Anong pangalan ng asawa mo, governor?" tanong ko. Nginitian niya ako.
"Angelique, Amelie. Tawagin mo siyang Tita Angelique," aniya.
Nagtatakha ko siyang tinignan.
"Kapatid ba siya ni Ina o ni Itay?" takhang tanong ko.
Umiling siya at hinaplos ang ulo ko. Eh kung gano'n pala, bakit ko tatawagin na Tita 'yon? Bigla ay nilingon ko siya.
"Sabi mo po nakulong ang Ina ko. Pupuntahan ko siya at papalayain," saad ko.
Bumuntong-hininga siya.
"Bibisitahin natin mamaya," saad niya tapos niyakag na ako patungo sa mesa.
Tapos siyempre bongga ulit ang mga foods. Namamangha ko na tinignan ang mga 'yon. Para akong maglalaway. Sana kasama ko si Ina at Rigor.
"Table manners, Amelie. Stay composed and don't act like an ignorant," pormal na saad ni Angeline.
"Angeline, hayaan mo lang si Amelie," saad ni governor.
Ngumiti ako at tinignan si Angeline.
"Eh, ignorante talaga ako. Hindi 'yon act! Ayoko rin magkunwari. What you give is what you see!" saad ko at humagikhik. Tumawa si Angel at nakangiti na tinignan ako.
"Mali ka naman, Amelie," aniya at mahinhin na tumawa.
Ang hinhin niya tumawa. Parang 'hehehe'. Akin kasi kapag tumawa parang ganito, 'HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA'.
Inalalayan ako ni Joyce sa pagkain. Pinagmamasdan ko rin sila at ang pormal nila. Kahit si Angelo ang ganda ng kilos. Tinignan ko ang paghiwa ni Joyce sa mga ulam ko. Nginitian ko siya.
"Parang mas bagay ka rito, ate Joyce. Mahinhin ka rin," bulong ko.
Nginitian niya ako ngunit natigilan kami nang may padarag na nagbaba ng kubyertos. Sumulyap ako sa ibang kasama at nakita na si Angelique pala 'yon. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Bakit po?" tanong ko.
"Preston, I can't take this. Hindi ako makakain nang maayos kung puro mali-mali ang kilos ng batang 'yan," mariin niyang saad.
Kumunot ang noo ko at tinignan si governor na nagpunas pa ng bibig kaya ginaya ko na lang siya.
"Angelique, please be patient with her. Alam mo na iba ang environment na-"
"Really, Preston?" bigla ay tumayo siya kaya umalog ang mesa. Ay ito ang totoong no manners. "Ako pa ang mag-aadjust para sa bastarda mo?" galit niyang tanong pero parang mahinhin pa rin.
Hinarap ko si Joyce.
"Ano ang bastarda?" tanong ko.
"Bastarda, anak sa labas! Bunga ng kamalian!" sigaw ni Angelique.
"Angelique!" tila nagalit si governor.
Tinignan ko sila at lalo nagtakha.
"Eh sino ang sinasabi mo pong bastarda?" takhang tanong ko.
"Maam Amelie..." bulong ni Joyce.
Dinuro ako ni Angelique kaya napahawak ako sa dibdib ko. Bakit parang kasalanan ko?
"Ikaw! Ikaw, Amelie! Bastarda ka lang dito!" sigaw niya.
Napatayo ako.
"Anak..." rinig ko ang pagsusumamo sa boses ni governor. Nameywang ako sa harap ni Angelique.
"May drama pala rito, hindi ako nainform," saad ko at pinanlakihan siya ng mata.
Nag-isip ako ng linya na ibabato kaso bigla nagwalk-out iyong Angelique. Agad naman sumunod si Angeline at Angel. Nanghihina na napaupo si governor at napahilot sa sentido. Bigla ay tinuro sa akin ni Angelo ang hotdog kaya inabot ko iyon sa kaniya.
"Governor, bakit gano'n ang asawa mo? Ang sungit niya sa akin?" takhang tanong ko.
Tinitigan niya ako na tila pagod ngunit ngumiti siya. Umiling siya at tinuro ang pagkain ko.
"Kumain ka na, anak. Aalis pa tayo," aniya.
Natigilan ako at tumitig sa pagkain ko. Tinatawag niya ako lagi na anak at binabalewala ko 'yon. Tapos sinasabi sa akin ni Angelique na bastarda ako. Ano ba ang ibig sabihin no'n? Alam ko, anak ako ni Ina at Itay. Pero bakit may sumisingit na governor. Feeling lang ata 'to. Naalala ko tuloy 'yung time na pumunta kami rito ni Rigor.
Bigla ay parang nawalan ako ng gana. Si Rigor...saka si Percy. Iyon ba ang dahilan bakit nakulong si Ina?
Pagkatapos kumain ay umalis kami. Kasama pa rin si Joyce tapos ang lawak ng kotse na sinakyan namin at may kasunod pa kami iba. Nagpabalot ako ng foods, hindi na ako nahiya. Kasi katulad sa mga napapanood ko, kapag dumadalaw sa kulungan ay may pagkain dala. Halo-halo ang nararamdaman ko sa katotohanan na makikita ko ulit si Ina matapos ang ilang buwan. Kaso nga lang nasa kulungan siya. Paano ko ba siya mapapalaya? Ano ang gagawin ko?
Sinamahan kami ng pulis sa loob. Bigla ko na naman naalala si Rigor. Magkikita rin kami sa lalong madaling panahon.
"Preston..." narinig kong pagtawag ng pamilyar na boses.
Nanlaki ang mata ko at umalis sa likod ni governor. Nagkatinginan kami ni Ina at pareho. Bigla ay naramdaman ko ang pangungulila na pilit ko kinalimutan noong nakaraan.
"Ina!" saad ko at niyakap siya nang mahigpit. Agad niya akong niyakap at hinaplos ako sa likod.
"Lucieta, anak ko. Anak ko..." iyak niya at hinalik-halikan ako.
Napatingin ako sa kaniya at halata na namayat siya. Hindi mataba si Ina noon pero sakto naman kaya ngayon halata talaga na namayat siya. Hinaplos ko ang pisngi niya habang lumuluha.
"Ina ang payat mo po," saad ko.
Pinunasan niya ang mga luha ko.
"Ikaw, tumaba ka," aniya at ngumiti.
Napakamot ako sa pisngi.
"Medyo pumayat na nga, Ina, kasi nagkasakit ako nang matagal. Tapos may nakatusok-tusok sa akin pero nasa kwarto lang ako na maganda," saad ko.
Umupo kami. Hindi ko na pinansin si governor at niyakap ko na lang si Ina.
"Inalagaan akong mabuti ni Rigor, Ina. Kahit sa daan kami tumira hindi ko ramdam kasi alaga niya ako," saad ko.
"Hindi mo nahanap si Tita Krisel mo? Malapit lang ang tirahan niya roon," aniya.
Napailing ako at lumabi.
"May nakilala po ako pero ayaw niya sa akin. Tinulak niya ako, Ina tapos nasadlak ako sa sementadong sahig!" pagkekwento ko.
Tapos lumuha na naman siya at niyakap ako. Parang hindi niya tanggap ang nangyari. Nginitian ko siya.
"Pero wala naman problema, Ina. Kinaya namin ni Rigor," saad ko.
Napangiti siya at tumango, "Nasaan siya?" tanong niya.
Napayuko ako at nagsimulang humikbi.
"Ina, naiwan siya roon tapos sabi ni governor, patay na raw si Rigor!" saad ko at umiyak.
Muli kong naramdaman ang takot at lungkot, na baka totoo na nga iyon. Kahit ano naman pilit ko paniwalaan na hindi iyon totoo, nakararamdam pa rin ako ng takot. Kasi base sa malabo kong alaala, nakarinig talaga ako ng sirena ng pulis tapos putok ng mga baril. Kung binaril siya, siyempre napuruhan tapos sabi pa ni governor, marami iyong pulis. Base sa narinig ko, ang dami ring putok ng baril!
"Anong nangyari?" naluluha na tanong ni Ina.
Kinwento ko ang mga pinagdaanan namin hanggang sa huling trabaho na binanggit ni Rigor.
"Eh, alam mo naman 'yon si Rigor, Ina. Tanga-tanga at walang muwang po 'yon. Kahit ako hindi ko alam na may ganoon pala. Sikat pala sa Maynila ang droga, hindi po talaga namin alam. Tapos hinuli nila si Rigor!"
Niyakap ako ni Ina at umiyak ako nang umiyak sa dibdib niya. Hindi na yata gagaan ang loob ko. Pinipilit ko magtiwala kay Rigor dahil 'yon ang ginawa ko habang nakatira kami sa kalsada, at naging maayos naman ang lahat. Kaya iniisip ko na lang na kung magtiwala ako kay Rigor, baka maging maayos ulit ang lahat.
Pumunta nga kami ng Maynila ni governor. Hindi ko pa rin alam bakit alagang-alaga niya ako at noong tinanong ko si Ina ay wala siyang imik. Ang iniisip ko na lang ay makabalik dito sa Maynila. Pumunta kami ng police station doon tapos kinumpirma nila na patay na nga si Rigor. Nagwala ako roon nang pinakita pa nila sa akin ang litrato niya. Ang sakit-sakit no'n. Hindi na nga ako nalilito pero ang ibig sabihin noon ay kailangan ko tanggapin na wala na siya.
Kahit nakita ko na 'yon ay umasa pa rin ako na naroon siya sa dati naming tirahan. Ngunit pagdating ko roon ay 'yung mga gamit namin ang naroon. Wala na ang mga biscuit, tubig at iba pang items. Pero naroon pa rin ang iilan namin na damit. Umiiyak na kinuha ko ang mga damit niya at ang naiwan na suklay. 'Yung regalo niya ito sa akin.
"Rigor! 'Di ba hindi tayo maghihiwalay? Sorry kasi nagkasakit ako at sorry din dahil sa kagustuhan mo na mapagbigyan ang gusto ko na makauwi, naghanap ka tuloy nang may mas mataas na kita na trabaho. Pero biktima ka lang din naman. Patawarin mo 'ko at salamat sa lahat pero Rigor, ayoko magpaalam kasi hihintayin pa rin kita," humihikbing saad ko at niyakap ang damit niya. "Dito sa puso ko buhay ka pa rin kaya hihintayin ko ang muli nating pagkikita. Love na love kita, Rigor!"
Niyakap ako ng governor at hinayaan ko lang din siya dahil parang kailangan ko 'yon. Para kasing mawawasak ang puso ko sa sobrang sakit. Parang naulit 'yung nawala si Itay at kuya Rigor. Pero mas bata pa ako noon kaya ang nasa isip ko ay natutulog lang sila. Kaya noong mas nagkaisip ako, mas mabilis ko natanggap na hindi na sila babalik. Pero kay Rigor ngayon, hindi ko yata kakayanin ang lungkot. Masakit sa puso ko. Ang sakit-sakit na hindi ko maintindihan kasi sobra-sobra.
Dala ko pag-uwi ang mga damit niya at ang suklay. Tulala ako na dinala sa kwarto. Inasikaso ako ni ate Joyce.
"Maam Amelie..."
"Ate Joyce gusto ko po mawala ang sakit sa puso ko. Ang lungkot-lungkot ko kasi wala na raw si Rigor," humihikbing saad ko. Nilingon ko siya na puno ng luha. "Gusto ko talaga isipin na buhay pa siya pero ang dami ng nagsasabi na wala na siya. Ayoko paniwalaan kaya gusto ko mawala ang sakit sa puso ko, ate Joyce. Paano po ba 'yon?" umiiyak na tanong ko.
Tumigil siya sa pagsuklay sa buhok ko at niyakap ako nang mahigpit.
"Hindi ko na nga makakasama si Inay kasi sabi hinatulan siya nang habambuhay na pagkakakulong tapos wala pa sa akin si Rigor. Paano na ako, ate? Iyong puso ko po parang nawawasak at dinudurog. Parang sinusugatan at binubuksan sa sobrang sakit!"
"Amelie..." bulong niya at niyakap ako nang mas mahigpit. "Mahirap mawala ang sakit. Minsan, kailangan mo na lang masanay. Kailangan mong tanggapin na mabubuhay ka na nariyan ang sakit at hindi na mawawala. Naiintindihan kita kasi naranasan ko na rin mawalan. Para mabawasan, kailangan mo ng tanggapin na wala na siya. At ang sakit din noon kasi hindi na niya maririnig ang mga gusto mo sabihin. Pero isipin mo na lang, nasa paligid lang siya at binabantayan ka. Kaya mo 'to, Maam Amelie. Bata ka pa lang pero nakikita ko na malakas ka at masiyahin. At gusto ko na lagi ka pa rin nakabungisngis at palaban. Sigurado ako na gusto rin iyon ng kaibigan mo," aniya at hinaplos-haplos ako.
Kinusot ko ang mata at inilingan siya.
"Hindi ko lang siya kaibigan. Syota ko siya," humihikbi kong saad. Mahina siyang tumawa at pinunasan ang mga luha ko. Tumango siya at niyakap ko.
Lumipas ang mga buwan at pinapaaral na ako ulit sa tulong ni Preston. Pumayag siya na gano'n ang tawag ko sa kaniya. Lalo yata akong naging bobo kasi hindi na ako maka-focus. Malungkot ako masyado. Sa bahay ako pinapaaral at bumibisita ang teachers. Hindi 'ko maintindihan bakit dito ako nakatira.
Tinitigan ko ang test paper ko na 1 over 30 ang result. Napalabi ako at bumuntong-hininga. Wala akong gana mag-aral.
Bigla may umagaw sa akin noon at nakita ko si Angelique. Tumaas ang kilay niya at nanlilisik ang mata na tinitigan ako.
"Ano 'to?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Bumuntong-hininga ako.
"Test paper po, Angelique," sagot ko.
Bigla ay binagsak niya iyon sa sahig tapos tinulak-tulak ang noo ko gamit ang daliri niya.
"Wala ka talagang galang! At sinasayang mo lang ang pera ni Preston. Pareho kayo ng Ina mo, walang kwenta!" saad niya.
Tumayo ako at hinampas ang kamay niya. Lalo naman siya nagalit. Nameywang ako sa harap niya.
"Huwag mo aawayin ang Ina ko! Mabait siya!" saad ko at sinamaan siya ng tingin.
Tumawa siya nang pilit at muli akong sinamaan ng tingin.
"Mabait ba 'yon? Naninira ng pamilya! Alam mo ba na bunga ka ng panlalandi niya kay Preston! Sabagay, bobo ka kaya lilinawin ko. Anak ka ni Preston at ni Amalia at mali iyon dahil asawa niya na ako at may dalawa na kaming anak noong panahon na 'yon! Naninira kayo ng pamilya! Tapos ngayon dito ka titira? Wala talaga kayong hiya! Walang awa!" sigaw niya at tinulak-tulak muli ang ulo ko.
Naibaba ko ang kamay at natulala. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi ako anak ni Itay? Tapos nagloko si Inay kay Itay at niloko rin nila si Angelique.
Bigla akong natumba sa sahig. Nag-init ang mata ko at tiningala si Angelique. Galit na galit siya at umiiyak.
"Alam mo ba ang sakit na nararamdaman ko! Pinagtaksilan na nga ako, nagkaroon pa 'yon ng bunga at ngayon narito nakatira? Para akong mababaliw dahil bumababa ang tingin ko sa sarili ko at ang dami kong tanong! Panira ka ng buhay! Panira kayo ng buhay at pamilya. Lumayas ka rito!" sigaw niya at hinila ako patayo.
Nagsimula akong umiyak habang kinakaladkad niya ako palabas ng mansion. Ang sakit ng braso ko dahil sa paghila niya at pagbaon ng kuko niya. Tapos noong nasa labas kami ng gate ay tinulak niya ako kaya napasubsob ako sa maalikabok na sahig. Lumuluha akong nag-angat ng tingin nang mapagtanto ang lahat.
"Lumayas ka!" sigaw niya. Galit siya, malungkot at nanginginig.
"Angelique, sorry," humihikbi kong saad at pilit na tumayo at umalis na.
Umiiyak ako na naglakad-lakad. Ang sakit-sakit talaga at ang lungkot. Dapat talaga hindi na lang ako ni-try bastusin ni Percy para maayos pa rin ang lahat. Nasa bahay pa rin kami, kasama ko si Rigor at Ina. Masaya pa rin ako kahit mahirap ang buhay ko.
Nilakad ko ang papunta sa kung nasaan si Ina. Halos ayaw pa ako papasukin kasi bawal daw pero nakilala ako ng isa na anak daw ng governor. Ayaw ko naman marinig iyon.
Nang makita ako ni Ina ay puno siya ng pag-aalala. Niyakap niya ako at nilinis ang mukha ko gamit ang shirt niya.
"Anak, anong nangyari? Lucieta-"
"Ina, totoo ba na anak mo ako kay governor? Kasi galit na galit sa akin si Angelique!" humihikbi kong saad.
Nagalit naman ang mukha niya.
"Anong ginawa sayo ni Angelique?" tanong niya.
Bigla ay hinawakan niya ang braso ko na namumula at may kaunting kalmot. Naluha siya at niyakap ako.
"Ina! Sabihin mo po ang totoo!"
"Anak, bata ka pa. Hindi mo dapat-"
"Bata pa po ako pero nararanasan ko na ang mga 'to! Kaya ano pa ba kung malaman ko ang totoo?" halos isigaw ko 'yon. Umiyak na si Ina. "Anak mo po ba ako at ni governor? Totoo ba ang sabi ni Angelique na nagtaksil kayo sa kaniya e'di ibig sabihin pati kay Itay gano'n din, Ina?"
Bigla ay naalala ko si Itay na mahal na mahal kami ni Ina. Hindi niya deserve ito at kung tutuusin, dapat galit pala siya sa akin.
"Lucieta-"
"Ina, ano po?" lumuluha kong tanong.
Bigla ay tumango siya. Lalo naman akong nalungkot at nasaktan.
"A-anak ka nga namin...." halos ibulong niya.
"Ina!" iyak na ako nang iyak. Tinuro ko ang puso ko. "Ang sakit po rito, oh? Ang sakit po!"
Umiyak siya at niyakap ako. Umiyak lang din ako habang yakap niya ngunit tumakbo na agad ako paalis. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko nilingon.
Naglakad-lakad ako hanggang maubos na ang iluluha ko. Tumingala ako sa langit. May mga bituin na at natatakpan ng clouds ang buwan. Umupo ako sa tabi at bumuntong-hininga.
Rigor, sana narito ka. Tapos titira na lang ulit tayo sa daan. Mas masaya yata iyon kasi malungkot na lang ako lagi.
Bigla ay may ilaw na tumama sa mukha ko. Napapikit ako tapos narinig ko ang pamilyar na boses.
"Amelie!" niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan sa noo.
"Preston, bad pala kayo ni Ina, eh!" saad ko at sinamaan siya ng tingin. Gustong-gusto ko umiyak pero wala ng luha.
Umiling-iling siya at kinarga ako. Pagod na pagod na ako. Pagdating sa kotse niya ay pinainom niya ako ng tubig. Ang dami niyang kasunod na kotse.
Halos maubos ko ang isang bote ng mineral water. Bigla ay naluha na naman ako nang maalala si Rigor. Pinalis ko iyon.
"Anak, hindi na mauulit 'to. Nakarating sa akin na pinalayas ka ni Angeliq-"
"Eh normal naman ang galit sa akin ni Angelique, eh. Ako nga, galit sa inyo ni Ina, eh. Kasi nanakit kayo ng mga asawa niyo," saad ko at inismiran siya. Sinandal ko ang mukha sa bintana at tumingin sa labas.
Bumuntong-hininga si Preston tapos nagdrive na siya. Ayoko na bumalik doon kasi masasaktan lang si Angelique pero wala na akong ibang pupuntahan. Pagdating namin ay nasa malaking sala naghihintay sila pati ang mga anak nila. Napayuko ako.
"Preston-"
"Huwag mo ako simulan, Angelique! Pinalayas mo ang anak ko sa sarili kong pamamahay!" galit na saad ni Preston.
Tapos nag-away na sila. Nag-iyakan na sila Angel at Angeline. Nakayakap si Angelo sa ate niya.
"Bakit, Preston? Kasalanan mo 'yan! Kasalanan niyo ng malandi na Amalia na 'yon-"
"Tigilan mo si Amalia at Amelie! Ako lang ang dapat sisihin! Ako ang may kasalanan, Angelique. Walang kasalanan ang anak ko at ang Ina niya! Ako! Ako!"
Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari dahil kinuha na ako ni Joyce pati na rin ang mga anak nila ng kaniya-kaniyang personal maid.
Pero simula nang pag-aaway nila na 'yon ay naging mahinahon na sa akin si Angelique. Hindi niya na ako inaway ulit. Hindi naman siya mabait sa akin pero hindi na siya katulad ng dati. Kahit si Angeline ay medyo mabait na. Si Angel at Angelo kasi, dati pa mabait sa akin.
"Amelie, ano ang hindi mo maintindihan dito?" tanong ni Angeline at tinignan ang test paper ko sa math. Lumabi ako.
"Lahat. Itlog nga ako, oh? Wala kasi naintindihan," saad ko at kumamot sa pisngi.
"Bobo kasi si Amelie," saad ni Angelo. Sabay kami humagikhik.
Nanlaki naman ang mata ni Angeline. Dapat ay nga ate itawag ko sa kaniya pero 'di pa ako sanay.
"Angelo! Don't say bad words," mahinhin na saad ni Angeline.
Tumawa ako.
"Hindi iyon bad words. Adjective iyon sa akin," saad ko at nginisihan siya.
"Angeline, turuan mo si Amelie ng mga hindi niya maintindihan. Ikaw naman Amelie, huwag mo turuan ng kung anu-ano si Angelo," mahinahon na saad ni Angelique at umalis na.
Napakamot ulit ako at nagkatinginan kami ni Angelo saka tumawa nang patago.
Naiintindihan ko si Angelique at himala nga na mabait na siya sa akin. Kay Preston ay 'di pa rin ako malapit kasi medyo inis ako sa kaniya dahil sa ginawa nila ni Ina. Nagdadala ako ng pagkain kay Ina, apat na beses sa isang linggo pero hindi ko siya masyado kinakausap kasi tampo ako sa kaniya. Ang taas kasi ng tingin ko sa kaniya tapos ayon pala niloko niya si Itay at pinaako pa ako roon. Naiimagine ko tuloy ang sakit na naramdaman ni Itay.
"Angeline, bakit makukulong si Ina ng super tagal na panahon?" tanong ko sa kaniya.
Tumigil siya sa pagsusulat at nilingon ako.
"Pinatay niya si Uncle Percy," saad niya.
Tapos dumating si Angelique at tumabi sa anak niya.
"Brutal nga ang pagpatay niya sa Uncle Percy mo," mahinahon niyang saad.
Napailing-iling ako.
"Si Percy naman may kasalanan. Kasi hinawakan niya ako kung saan-saan," saad ko.
Natigilan ang dalawa at napatingin sa akin.
"T-talaga?" tanong ni Angelique. Tumango ako.
"Kahit sa pekpek ko, eh," saad ko.
Umalis noon si Angelique. Tapos ilang araw nakalipas, narinig ko na lang na may inaayos tungkol sa kaso ni Ina. Kahit may tampo ako sa kaniya ay umaasa ako na para iyon sa ikabubuti niya.
Lumipas ang mga taon. Nang makatapos ako sa elementary ay tapos na rin ako sa homeschooling. Pinag-aral ako sa private highschool. Ang mga tao ay kilala na rin ako at hindi naman iyon nakaapekto sa pagtakbo ulit ni Preston noong nakaraan.
Maayos na ang lahat. Kasundo ko na si Angelique at ang mga kapatid ko. Sa mga magulang ko ay medyo okay na ulit ako lalo na kay Ina lalo na at hindi na yata galit sa akin si Angelique. Nakikiusap din ako kay Preston kung may magagawa ba siya sa kaso ni Ina para hindi siya habambuhay nakakulong.
I was 18 when I discovered the truth. Doon nagsimulang magulo ang lahat ng maayos na dapat sa buhay ko. Parang gumuho na naman ang mundo ko nang malaman ang totoo. Mayroon pa lang kriminal na malaya na naglalakad-lakad lang sa mansion.
My mother was not a mistress. She was raped. And I'm the fruit of that traumatizing part of her life. Preston raped her. At mas pinili rin ni Angelique na itago iyon kahit alam niyang mali. Akala ko ay sadyang bumait lang siya sa akin. Ngunit hindi pala.
Lumayas ako at nagrebelde. At doon tunay na nagsimula ang kwento.