Kabanata 3

4660 Words
Apart Nakalabi ako habang naglalakad kami ni Rigor at magkahawak ng kamay. Napabuntong-hininga ako nang ilang beses at pinagmamasdan ang paligid. "Bakit ka malungkot?" tanong niya bigla. Nagkatitigan kami ngunit umiwas din ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. "Siguro, magiging palaboy na tayo forever, Rigor. Dito na tayo sa daan titira tapos hindi na ako makakapag-aral at lagi ng makati ang pekpek ko," saad ko at pinigilan ang hikbi. Narinig ko naman ang pagtawa niya kaya napatingin ako sa kaniya. Aba, marunong na siya tumawa magsolo. Noong nakaraan ginagaya niya lang mga emosyon ko ah. "Gagawa ako ng paraan para magkaroon tayo nang maayos na tirahan at para lagi ka makapaghugas niyang pekpek mo. Sa pag-aaral, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko, Lucieta," aniya at naging seryoso ang mukha. Napailing ako at napagtanto na malamang ay hindi nakapag-aral si Rigor. Nang makarating kami sa pwesto na pinaglalagian namin nitong mga nakaraang araw ay pinaupo ko siya. Tapos kinuha ko ang napulot na dyaryo. Inilatag ko iyon sa harap niya at inosente naman niya ako pinagmasdan. "Tuturuan kita magbasa, Rigor. Isa sa pinakamahalaga sa isang tao ay ang matuto magbasa. Tapos next time, pagsusulat naman ituturo ko sayo. Wala kasi ako lapis," saad ko. Tumango naman siya at tumitig sa dyaryo. "Ito...." tinuro ko ang letter A. "Ang tunog niyan kapag binasa ay ay ahhh..." saad ko. Naghanap ako ng bawat letra ng alphabet at itinuro sa kaniya ang mga pagbasa noon. Ang galing naman ni Rigor dahil nakabisa niya ang lahat sa unang beses pa lang niyang binasa. Naalala ko tuloy kung ilang beses napitik ni Ina ang bibig ko kasi ang tagal ko makaintindi. Bobita ako noon pero medyo matalino na ako. "Kapag pinagsama ko ang a saka b at isa pang a, ano ang basa?" saad ko. "Aba," aniya. Napangiti naman ako at napapalakpak. Hmm, kung magteacher na lang kaya ako paglaki ko? Wala pang trenta minuto ay marunong na siya magbasa. Sa totoo lang kaya tumagal pa kasi nahirapan ako hanapin ang lahat ng letra ng alphabet sa dyaryo. Pero kung nakahanda na siguro lahat iyon ay limang minuto pa lang marunong na siya. Namimilog ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Siya naman ay nakatagilid ang ulo at tila nagtatakha sa reaksyon ko. "Ang talino mo, Rigor! Genius ka!" saad ko. "Genius?" "Super duper times one thousand million billion dollars ang talino mo!" nanlalaki ang mata na saad ko. Napangiti ako at kumamot sa pisngi. "Sana ol. Ako kasi medyo matalino lang. Slight, ganoon," saad ko. Pinabasa ko sa kaniya ang dyaryo at namamangha talaga ako habang pinapakinggan siya. Ang ganda pa ng boses niya. Naglilibot pa rin kami at tinitipid ang pera. Wala pa kami mahanap na katulad ni Boss Dani. 'Di na kami pwede bumalik doon kasi baka makuha ulit kami at ipaglayo. Naglalakad kami sa ilalim ng tirik na araw. Tumatagaktak ang pawis ko at lalo na yata akong nangingitim pero si Rigor ay mukha pa ring tisoy. "Ano na ang plano mo, Lucieta?" bigla niyang tanong. Lumapit kami sa isang karinderya at pumili na ng pagkain. Gaya ng lagi ay isang ulam lamang at bumabawi na lang sa kanin. Nanghingi rin kami ng sabaw nang makita na ganoon ang ginagawa ng iba. "Hindi ko na alam, Rigor. Ang naiisip ko na lang ay bumalik sa atin. Hahanapin ko si Ina," saad ko at sumubo ng pagkain. "Kung ganoon ay kailangan talaga natin makahanap ng pagkakakitaan. Mag-iipon tayo at uuwi nga roon," aniya. Tumango-tango ako at napangiti. Gano'n na nga! May plano na naman kami at may gagawin. Humigop ako ng sabaw at pinunasan ang pawis gamit ang palad. Natigilan ako nang hawakan ni Rigor ang mukha ko at itinaas ang laylayan ng damit niya saka pinunasan ang mga pawis ko. "Salamat, Rigor," saad ko at nginitian siya. Lumipas ang mga araw, linggo, at mga buwan na namuhay kami sa kalye. Nakahanap kami ng katulad kay Boss Dani kaso mas mukhang nakakatakot. Tahimik kong tinanggap ang mga basahan na ibebenta ko. Ngumisi siya sa akin. "Maglakad-lakad ka sa gitna ng mga kalsada kapag traffic at kumatok sa bintana para bentahan sila," utos niya sa akin. Napalunok naman at dahan-dahan tumango. Kay Rigor naman ay mga mineral water. Nakalagay iyon sa isang ice chest at sukbit niya ang strap noon sa balikat. Umalis kami ni Rigor at napansin ko ang pamumula ng balat niya. Tinignan ko ang braso niya nang makita na tila may pasa-pasa siya. "Rigor, ano ang nangyayari sayo?" tanong ko. Umiling siya. "Hindi yata kinakaya ng balat ko ang sobrang tirik ng araw," aniya. Nanlaki ang mata ko at napahikbi. "May cancer ka na? Iiwan mo na ako, Rigor?" naiiyak na saad ko. Mahina siyang tumawa at umiling. "Hindi! Hindi ko alam bakit ganiyan ang reaksyon ng balat ko kapag matagal ako sobra sa initan. Parang nasusunog," aniya. Nanlaki ang mata ko at naalala ang hitsura niya noon sa bahay bago kami tumakas. Dumikit ako sa kaniya at lumapit sa tenga niya. "Aswang ka ba, Rigor? Tapos bawal ka talaga sa araw?" saad ko. Natatawa siyang umiling at kinuha ang towel sa balikat niya saka ipinatong sa ulo ko. "Doon ka sa gilid ng daan magbenta. Akin na ang maraming basahan. Ako na lang makikipagsapalaran sa mga sasakyan," aniya at ngumiti. Napailing ako ngunit inagaw na niya ang mga basahan sa akin. Dinala niya ako sa may gilid kung saan may puno at doon ako pinaupo sa lilim noon. Nagtira siya ng iilan sa akin tapos naglakad na siya patungo sa gitna ng kalsada. Masyadong mabigat ang daloy ng trapiko pero kinakabahan pa rin ako para sa kaniya. "Basahan po..." saad ko. Napalabi ako nang 'di ako pinapansin ng mga dumadaan. Eh mali naman kasi 'to si Rigor. Wala talagang bibili nito kasi ang karamihan na bumibili nito ay mga may sasakyan at jeepney driver! Pinagmasdan ko siya na nasa gitna at nag-aalok ng tubig at basahan. Ang init at halos nakapikit na siya. Isa sa napansin ko sa kaniya ay masyado siyang sensitibo sa sobrang init at liwanag. Ang nangyari tuloy sa balat niya ay nakakaawa. Wala naman kaming nagawa kasi ito na ang nagiging buhay namin. Kaya tinitiis niya ang mga lumilitaw na pasa sa balat niya. Noong nakaraan, narinig ko sa kaniya na mahapdi raw minsan. Kawawa naman si Rigor. Ako nga na maitim na ay nasasaktan, siya pa kaya na maputi ang balat? Kulang kasi siya sa melanin eh iyong melanin, ipoprotect siya noon sa araw kahit papaano. Tumayo ako at dinala ang mga basahan. Tumayo ako sa gilid ng daan at doon nag-alok. Hindi pwede iyong ginagawa ni Rigor na prinsesa ako. Kasi pareho lang kami nahihirapan kaya dapat pareho kami maghirap para may makain kami at maka-survive. May iilang bumili sa akin. May sumitsit sa akin na nasa loob ng kotse kaso medyo malayo siya. Bibili siya kaso... Napatingin ako sa mga pararating na motor sa gilid. Sinitsitan ako muli at pinakita sa akin ang singkwenta at keep the change daw. Kaya naman tumakbo ako palapit sa kaniya. Bigla ay nakarinig ako ng sigawan at sa isang kisap-mata ay buhat na ako ni Rigor at dala sa gilid ng daan. Nanlaki ang mata ko at tumitig sa akin ang galit na galit niyang mata. Itim ang mga 'yon at lalo yatang umitim. "Ano ba ang sinabi ko sayo?" gigil na saad niya. Hindi ako nakasagot at lumuha. Mariin siyang pumikit at ibinaba ako. Pagtingin ko sa kinatatayuan niya kanina ay nagkalat ang mga mineral water. Lumapit siya roon at nagdampot. Ang iba ay nagulungan na ng sasakyan. Ang iba ay nailigtas pa niya. May mga sinisigawan pa siya dahil nakaharang siya. Napahikbi ako sa perwisyo na dinala ko kay Rigor. Inilagay niya ang iilan na nailigtas pa na mineral water sa styro niya na medyo nawasak ang gilid. Siguro ay naibagsak niya iyon. Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ko ang mga nagulungan na lalong nayuyupi. Nabasa ang kalsada dahil sa mga 'yon. "Rigor, sorry..." saad ko ngunit hindi niya ako pinansin. "Mister, mister. Paano mo nagawa 'yon?" narinig kong tanong ng kung sino at pinagkaguluhan na kami. "Ito 'yung video noong super bilis niyang pagtakbo para mailigtas iyong bata," saad ng isa. Napatingin doon si Rigor at walang sabi-sabi na hinampas niya ang cellphone na hawak ng nagsabi. Napaatras sila at akmang sisigawan niya si Rigor ngunit napaatras sa takot. Kahit ako ay kinabahan. Galit na galit ang mukha niya. Ang itim niyang mga mata ay masyadong madilim. Tumayo ako at nagpagpag ng sarili. Hinawakan ko siya sa kamay. "Rigor, tayo na..." saad ko. Bumitaw siya sa akin at naunang maglakad paalis. Nakaramdam naman ako ng ewan. Parang masakit sa puso ko. Ito kasi ang unang beses na binitawan niya ang kamay ko. Dinampot ko ang mga basahan at tumakbo para sumunod sa kaniya. Pumasok kami sa may eskenita kung saan kami namamalagi. May tela na nagsisilbing bubong namin tapos may karton para sa sahig at ang iilang piraso na damit na nabili namin. Umupo siya sa karton at binilang ang mga pera niya. Napalunok ako at tumabi sa kaniya. "Rigor..." "Wala tayong kita ngayon. Imbes na bibigyan ako noon ni Ram ay mapupunta iyon sa mga nawasak na mineral water," aniya. "At lalabhan ko muna 'tong mga basahan na nadumihan," aniya at biglang tumayo. "Rigor...patawarin mo ako," bulong ko. Hindi niya ako sinulyapan at dinampot lang ang mga basahan na hindi naibenta. Ipinatong niya iyon sa takip ng ice chest. Tapos iyong mga nadumihan sa gitna ng daan kanina ay binitbit niya. "Huwag kang aalis," aniya at siya naman ang umalis. Napalabi ako at niyakap ang tuhod. Kinuha ko ang towel niya at pinunas sa mukha ko. Bakit ganoon, galit na galit siya sa akin? Sabagay, kasalanan ko nga. Atsaka bakit ganoon, ang bango pa rin ng towel niya kahit pareho lang naman kami naaarawan at walang pabango? Samantalang ako, amoy araw na. Ay hindi, hindi pala naaamoy ang araw. Basta amoy dugyot ako. Nalungkot naman ako nang maalala ang nangyari. Wala kaming kita. Plano pa naman namin bumili ng safeguard tsaka shampoo para sa akin daw. Lagi kasing sabon na ang shampoo ko, kaya ang tigas ng buhok ko. Tapos bibili kami ng maliit na johnson's baby powder atsaka isang pack ng biscuit at isang galon ng mineral water. Pinag-iipunan namin iyon at mabibili na namin ang mga 'yon kung nakabenta kami nang maayos ngayon. Tapos dadagdag sana sa ipon namin pauwi sa amin. Ang tagal ni Rigor kaya nakatulog ako. Paggising ko ay sumalubong sa akin ang mga itim niyang mata. Nginitian ko siya ngunit nanatili siyang seryoso. Bumangon ako at namangha nang makita ang mga nakalagay sa plastic. Iyong mga plano namin bilhin! "Rigor! Paanong—" "Napaubos ko ang mga natirang mineral water at mga basahan. Tsaka nagbenta na rin ako ng mga sigarilyo," aniya. Tinanaw ko ang kalangitan at nakita na madilim na. Tinignan ko siya at bigla na naman nag-init ang mata ko. Bigla ko siyang niyakap at napahikbi. "Sorry, Rigor. Makikinig na ako sayo. Huwag ka na magalit sa akin," humihikbi na saad ko. Hinaplos niya ang likod ko at napapikit ako. "Hindi na, Lucieta. Basta makinig ka na sa akin lagi, ha? Atsaka may sasabihin pala ako sayo," aniya. Lumayo ako sa kaniya at tumitig. Tumaas ang sulok ng labi niya at pinalis ang mga luha sa pisngi ko. "Ano 'yon?" tanong ko at lumabi. "Huwag ka na magtrabaho. Ako na lang. May offer sa akin si Ram at malaki ang kita. Sabi niya, saglit lang daw ang gagawin ko at kikita na ako ng daan-daan, at minsan libo. Tapos makakauwi na agad tayo, Lucieta. Sandali lang na trabaho ko," aniya. Nanlaki ang mata ko at napahawak sa kaniya. "Bakit ikaw lang? E'di sasama na lang ako, Rigor! Para doble ang kita natin," saad ko. Umiling siya. "Sabi ni Ram ay lalake lang ang pwede at dapat mabilis kumilos. Sabi niya kasi ay tatakbo ako," aniya at tila hindi sigurado. Kumunot ang noo ko. "Sasali ka ba sa sports competition? Takbuhan?" takhang tanong ko. "Hindi ko alam, Lucieta. May iaabot lang daw ako sa mga tao, ganoon. Ang mahalaga ay kikita tayo," aniya at hinaplos ako sa pisngi. Nakagat ko ang labi at tinitigan siya. "Hindi kaya masama iyon, Rigor?" tanong ko. Kumunot ang noo niya at napaisip. "Masama ba ang may iaabot ako?" takhang tanong niya. Napaisip din tuloy ako at tumingala. Hmm. "Ang alam ko lang na masama ay magsinungaling, manghawak ng kung sino tapos ayaw niya, manakit, magnakaw, hmm..pero may iaabot ka lang naman daw?" saad ko. Tumango naman siya. Napatango na lang din ako. Wala naman masama pala. Kailangan niya lang mag-abot ng kung ano man iyon. Nakiligo kami roon sa lagi namin pinapaliguan. May bayad nga lang pero ayos lang kaysa mangati ang pekpek ko. Nilabhan ni Rigor ang mga damit namin pati ang panty ko at nakakahiya nga kasi ako dapat ang gumawa noon pero ayaw niya. Tapos sinampay namin sa gilid ng bahay-bahay namin. Tuwang-tuwa na inamoy ko ang buhok ko. Ang lambot-lambot din. "Lucieta, oh..." saad ni Rigor at pinakita sa akin ang kulay ginto na plastic na suklay. Namilog ang mata ko. "Ang haba na ng buhok mo at nahihirapan ka na suklayin ng daliri mo kaya binili ko noong nakakita ako," aniya. Tinanggap ko 'yon at hindi makapaniwala. "Rigor, kahit hindi na kasi parang luho lang ito pero...salamat," saad ko. Tumango siya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Bigla ay napaatras ako nang may maalala. "Alam mo ba, Rigor, parang may tumutubo na bukol sa akin dito. Noong nakaraan pa 'to. Hindi kaya cancer 'to?" tanong ko at itinuro ang dibdib ko. Kumunot ang noo niya. "Mamamatay ka na? Hindi ako papayag na mamatay ka," aniya. Nanlaki ang mata ko at nakaramdam ng takot. Napahawak ako sa banda ng dibdib ko at kinapa ang dalawang maliit na parang bukol. Tapos ay nakikapa rin si Rigor. Kumunot ang noo niya at nakita ko ang takot sa mata niya. "Meron nga...." aniya. Napatayo siya at kuyom ang kamao. "Saglit. Magtatanong ako kay Nanay Belen kung cancer 'yan," aniya at biglang umalis. Binuksan ko ang plastic at kinuha ang suklay saka ipinasada iyon sa buhok ko. Medyo nahirapan ako pero katagalan ay dire-diretso na ang pagsuklay ko. Naalala ko na naman ang dalawang bukol. Noong nakaraan maliit lang 'to tapos ngayon medyo lumalaki na. Paano kapag may cancer ako? Paano na si Ina at Rigor? Sinulyapan ko ang mga binili niya. May tatlong safeguard na nasa pack tapos mga shampoo na tig-sais sa tindahan. Tapos may malaki kaming galon ng mineral water at dalawang pack ng biscuit. Iyong isa ay rebisco peanut, ang isa naman ay fudgee bar. Tapos meron ding pulbo! Napangiti ako. Walang problema sa pamumuhay namin dito sa gilid ng kalsada kasi malakas si Rigor tapos swerte siya sa tinda-tinda kaya 'di kami nagugutuman. Tirahan lang talaga pero mas pipiliin ko 'to kesa kunin kami at ipaglayo. Pagdating ni Rigor ay tahimik siya tapos may mga dala siya. Ibinigay niya sa akin ang dalawang parang damit na ewan. "Binili ko. Sabi ni Nanay Belen ay kailangan mo na raw iyan. Sportsbra iyan," aniya. "Ha? Hindi ba gamot ang kailangan ko kasi may cancer ako?" Umiling siya at bumuntong-hininga. "Hindi. Nagsisimula na raw ang puberty mo. Ano ba 'yon?" tanong ni Rigor habang seryoso. Namilog ang mata ko. Naalala ko 'yung nabasa ko na libro sa science. Hindi ko alam kung anong grade iyon. Kapag nasa puberty stage daw ay may mga pagbabago sa katawan ng isang babae at lalake. Napahawak ako sa may dibdib ko. "Ay, wala pala ako cancer, Rigor. Magkaka-dede na pala ako," saad ko. Kumunot ang noo niya. "Ano 'yon?" "Nakikita mo ba ang malalaki na babae? 'Di ba malaki iyong dito nila. Magkakagano'n na ako, Rigor. Kasi magdadalaga na ako, malapit na. Ikaw rin, nagbibinata na kaya nga pinasama ka ni Ram sa pagpapatuli ng mga bata niya noong nakaraan 'di ba? Parte iyon ng pagdevelop natin. Nakalimutan ko lang," saad ko. Tinuro ko ang leeg niya na may maliit na bukol. "Adam's apple iyan kaya lumalagong na ang boses mo," saad ko. Napatango-tango siya. Tinignan ko ang sportsbra na binili niya sa akin. "Sabi ni Nanay Belen, next time daw baby bra na ang ibili ko sayo," saad ni Rigor. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng hiya kay Rigor. Napahawak ako sa pisngi at umiwas ng tingin. Nagdadalaga na pala ako. Next time katulad na ni Ina duduguin na ako sa may pekpek. Dapat sa oras na 'yon makauwi na kami para maya't maya hugas ako sa pekpek ko. Mainit daw sa pakiramdam iyon sabi ni Ina at minsan nakakamaldita kasi ang sakit daw. Pagkatapos namin kumain ng gabihan ay nagtoothbrush kami. Naaalala ko iyong bata na inaway kami, feeling sosyal daw kami kahit pulubi. Inaasar kami na maarte. Eh, hindi porket dito kami nakatira ay gagaya na kami sa kanila na hindi naglilinis ng sarili! Hindi excuse ang kahirapan sa kadumihan. Mura lang naman ang toothpaste tapos dose iyong toothbrush. 'Yung tubig na gagamitin, kaunti lang. Karamihan kasi sa kanila sumisinghot ng rugby kaysa ipambili ng iba na mahalaga. "Rigor..." saad ko at sinundot ang tagiliran niya. Napapansin ko na nag-iiba na ang katawan ni Rigor. Noong unang beses namin siya nakita ni Ina ay kaunti lang ang agwat ng tangkad namin tapos medyo chubby siya. Ngayon ay nagkakaroon na siya ng muscle kasi minsan kargador siya. Tapos tumatangkad na rin siya at ang bilis noon lalo na noong nagpatuli siya! Samantalang ako, payat pa rin, halos 'di tumangkad at dede pa lang tumutubo. "Hmm?" Tinignan ko siya at naabutan siyang tulala. "Sino ba ang mas matanda sa atin?" tanong ko. Nilingon niya ako kaya nagkatitigan kami. "Pakiramdam ko, ako. Hindi ko alam ang eksakto kong edad," aniya. Napatango ako. "Kaya siguro parang kuya kita kumilos. Dapat siguro tawagin kitang kuya," saad ko. Agad siyang umiling. "Hindi, ayaw ko Lucieta. Sabi ni Boss Dani dati magsyota tayo kaya iyon na lang tayo," aniya. Tumaas ang kilay ko. Tumaas ang sulok ng labi niya. "Hindi mo nga alam ang syota. Ako alam ko na. Ano 'yon, gerlpren at boypren iyon." Tinapatan niya ang titig ko. "Ano ang boypren at gerlpren?" tanong niya. Natigilan ako, kapagkuwan ay napalabi. Hindi ko rin alam ang eksaktong ibig sabihin noon. Pero noong may pasok pa ako dati, may magsyota na sa room, eh. Iyong iba, gusto ako gerlpren nila. 'Di ko naman alam ibig sabihin kaya ayaw ko. Tapos pag ayaw ko, aasarin na nila ako ng negneg o dugyot...gano'n. Hmm, pero kapag may mag gerlpren at boypren sa room, lagi silang naghahawak ng kamay at magkasama lagi. Ganoon kami ni Rigor... "Ay, magsyota nga tayo," saad ko nang napagtanto iyon. Ngumiti si Rigor at tumango. "Hindi tayo magkapatid, ha? Magsyota tayo," aniya. Napahagikhik ako. "Kapag magsyota lagi magkasama. Gano'n tayo Rigor, ha? Huwag tayo maghihiwalay kahit kailan," saad ko. Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo. Tapos pinahiga na naman niya ako sa kandungan niya. Ganito kami palagi kaya sigurado talaga ako na ligtas ako dahil kay Rigor. Sa mga sumunod na araw ay hindi na nga ako nagtatrabaho, si Rigor na lang. Pinulbuhan ko ang likod at leeg ni Rigor saka siya nilagyan ng towel sa likod. Ganito lagi ang ginagawa ko. "Rigor, ano ba ang pinamimigay mo?" tanong ko. "Hmm, iba-iba eh. Minsan mga prutas, gulay, gano'n. Misan, maliit na pakete ng asin," aniya. "Huh? Asin, Rigor?" nagtatakha kong saad. Ilang araw na siya nagtatrabaho noong magandang offer ni Ram. Araw-araw masarap pagkain namin at masagana. Tuwang-tuwa nga si Rigor kasi tumataba na raw ako. Pero parang hindi naman kasi ang taas-taas pa rin nitong buto ko sa may pisngi. "Oo, Lucieta. Bawat araw may binibigyan ako noon tapos sunod mga prutas naman at gulay. Minsan maraming asin," aniya.  Napatango na lang ako pero nagtatakha pa rin. Siguro mga chef ang customer ni Ram. Tumayo si Rigor at tumayo na rin ako. Ang bilis niya talaga tumangkad kasi halos hanggang balikat niya na lang ako. Lumabi ako at nginitian naman niya ako. "Pag tanghali na, pumunta ka sa may jollibee sa gilid ng simbahan, Lucieta. Magkikita tayo roon tapos kakain tayo roon kasi gusto mo do'n, 'di ba? Huling trabaho ko na at aalis na tayo bukas. Malaki na ang naipon natin," aniya. Nanlalaki ang mata na napatango ako at halos mapatalon. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo tapos umalis na siya. Inayos ko ang mga gamit namin at napangiti. Makakauwi na kami. Makikita ko na si Ina! Magkakasama na kami. Kumusta na kaya siya? Miss na miss ko na siya. Nagtanong ako sa tao na dumaraan kung anong oras na. Tapos noong malapit na magtanghali ay tumungo na ako sa may jollibee. Inayos ko ang buhok ko at sumulyap sa mga tao sa loob. Gusto ko 'yong spaghetti nila. Naalala ko noong binigyan ako ng babae noon kasi nagbreak sila ng kasama niya raw na lalake kaya wala na siya gana kumain. Pinapasok niya kami ni Rigor at kami ang pinakain noong order nila bago siya umalis. Akala ko nga 'di 'yon bayad kaya takot na takot ako matapos kumain. Iyon pala, bayad muna bago kain. Napangiti ako nang maisip na kakain kami ulit diyan mamaya. Bigla ay bumuhos ang ulan. Nag-alala naman ako bigla kay Rigor pero nawala iyon nang makita ko siya sa may kabila. Lumapit siya sa isang lalake tapos may inabot. Tapos bigla na lang siyang hinawakan ng lalake at naglapitan ang iba, may hawak na posas. Halos mapatakbo ako papunta sa kaniya ngumit naalala ko ang mga sasakyan. Nagkagulo na sa kabila. Mukhang lito si Rigor at hindi maintindihan ang nangyayari. Ako rin, hindi ko alam. May inabot lang naman siya, 'di ba? May mga posas kaya...pulis sila? Naiyak ako nang kaladkarin nila si Rigor. Nabasa na ako ng ulan at gusto tumawid kaso natatakot ako. Bakit huhulihin siya? Masama lang ang hinuhuli ng mga pulis at mabait si Rigor! "Rigor!" sigaw ko. Basang-basa na ako ng ulan. Nagkatinginan kami. Bigla ay sinipa niya ang mga pulis. Tapos nasira ang posas at tumakbo siya palayo. Nakarinig ako ng putok ng baril at nadapa si Rigor ngunit muli siyang bumangon at tumakbo palayo. Tuluyan na akong napaiyak nang maalala ang pagtalsik ng dugo sa likod niya dahil sa pagbaril. Basang-basa ako ng ulan na bumalik sa pinaglalagian namin. Inasahan ko na narito siya ngunit wala. "Rigor, nasaan ka na?" Iyak ako nang iyak. Bigla ay napahatsing ako at may sipon na ako. Ang init na rin ng katawan ko. Niyakap ko ang tuhod at umiyak nang umiyak habang naghihintay kay Rigor. Nagising na lang ako na hinang-hina. Tapos may nakahawak na sa magkabila kong pisngi. "Rigor...." bulong ko. Nagkatitigan kami. Ang mga mata niya ay puno ng pag-alala. Bigla ay naalala ko na naman ang nangyari kanina. "Nabaril ka..." paos kong bulong at pilit siyang pinatalikod. Pero butas lang ang shirt niya at may bahid ng dugo pero wala siyang sugat. "Nasaan na? Okay ka lang ba, Rigor? Saka bakit ka nila hinuli?" bulong ko. Napailing siya at niyakap ako. "Droga pala 'yon, Lucieta. At masama ang droga. Pain iyong binigyan ko kanina. Pulis pala. Hindi ko alam. Patawad, nakita mo pa 'yon. Pero hindi ko talaga alam na masama 'yon, Lucieta," aniya. Tumango ako at humikbi. Naiintindihan ko kasi alam ko na inosente si Rigor. Sinapo niya ang pisngi ko pati ang leeg ko. "Ang init-init mo," aniya at tinitigan ako. "Lagnat 'to, Rigor. Kailangan ko lang ng gamot," hinang-hina na saad ko. Bigla ay napasinghap ako nang bumigat bigla ang dibdib ko at sumakit nang sobra ang ulo ko. Lalo siyang nag-alala. "Dadalhin kita sa hospital," aniya at bigla ako binuhat. Napailing-iling ako nang maisip ang pera. "Uwi na lang tayo, Rigor, please. Magiging maayos din ako," saad ko. "Lucieta—" "Uwi na tayo. Kailangan ko lang ng gamot," saad ko. Binuhat niya ako. Tapos bumili kami ng gamot sa may tindahan. Pinainom niya ako noon tapos pinasan na niya ako. "Rigor..." nanghihina kong bulong. Humigpit ang yakap ng braso ko sa leeg niya. Inayos niya ako sa likod niya at hinawakan ang mga hita ko nang mahigpit. "Uuwi na tayo," aniya. Tumango ako at hinigpitan ang hawak sa kaniya. "Natatakot ako, Rigor. Wala na ba ang mga pulis talaga? Alam na ba nila na mabait ka?" mahina kong bulong. Naramdaman ko ang paglunok niya. "Oo, Lucieta. Huwag ka na mag-alala. Makikita na natin ang Ina mo," aniya. Wala ng ulan pero nilalamig ako. Bahagyang nanginig ang katawan ko nang humampas ang hangin. Naluluha na rin ako sa sobrang init ng katawan ko. Huminto siya at pilit akong nilingon. "Lucieta, ayos ka lang ba? Dadalhin na kaya kita sa hospital?" rinig ko ang pag-aalala sa boses niya. Pumikit ako at umiling. Pinatuloy ko siya sa paglalakad. Naalala ko ang ngiti ni Ina. Makikita ko na iyon, sandali na lang. Kaya ko pang tiisin ang nararamdaman ko. Tapos magiging maayos na ang lahat. Hindi na ako makapaghintay. "Rigor, pwede ba bilisan na natin makapunta sa sasakyan natin?" bulong ko. "Kahit ano, Lucieta..." bulong niya at bigla siyang tumakbo nang sobrang bilis. Humampas lalo ang malamig na hangin sa akin ngunit tiniis ko iyon. Napangiti ako habang nararamdaman ang katawan ni Rigor. Alam kong kakaiba talaga siya at ginagamit niya ang mga 'yon para sa akin. Upang protektahan ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nawala si Rigor sa akin. Bigla ay nawalan ako ng malay. Tapos bigla ko na lang narinig ang mga sigaw at iyak ni Rigor. Halos wala na akong maramdaman sa paligid. Naramdaman ko ang daliri niya sa pagitan ng mga ngipin ko. Nanginginig naman ang katawan ko. "Lucieta, laban ka! Laban. Huwag ganito!" "Tiisin mo lang ang sakit, totoy. Kaysa makagat niya ang dila at mapuputol 'yan dahil walang kontrol kasi kinukumbulsyon!" Tapos hindi ko na naman alam ang sunod na nangyari. Nakarinig ako ng sirena ng sasakyan ng pulis sunod ay pagsigaw sa pangalan ko. "Lucieta! Lucieta!" Napaupo ako mula sa pagkakahiga at nilibot ang tingin sa paligid. Hinabol ko ang paghinga at pilit na kinalma ang sarili. Napatingin ako sa mga nakatusok sa braso ko. Napalunok ako at napagtanto na nasa isang magara na kwarto ako. "Rigor!" bigla kong naisigaw nang maalala ko siya. Tumayo ako at tiniis ang sakit ng pagkatanggal ng mga nakatusok sa akin. Tumungo ako sa may pinto at pagbukas noon ay nanlalaki ang mata ko. Isang doctor at iyong governor sa amin ang nakita ko. "Amelie..." bulong ng gobernador. Napatingin sila sa braso kong dumudugo. Pilit akong dumaan palabas ngunit hinarangan nila ako. Kinarga ako ng gobernador kaya hinampas-hampas ko siya ngunit ibinaba niya ako sa kama. Muli akong umiyak at hinampas siya. "Bakit nandito ka? Nasaan si Ina? Nasaan ako? Nasaan si Rigor?" umiiyak kong saad. "Doc, please check my daughter," mahinahon niyang saad. Kumunot ang noo ko at natigilan. Daughter. Anak na babae. "Anong sinasabi mo? Nasaan si Ina? Sagutin mo po ako!" sigaw ko. Tumitig siya sa akin at hinaplos ang mukha ko ngunit hinampas ko iyon. Bumuntong-hininga siya. "Matagal ng nakakulong ang Ina mo, Amelie," aniya. Nanlalaki ang mata ko. Napailing siya. Nagsimula tumulo ang luha ko. "At 'yung Rigor, bago tayo makaalis sa Maynila ay kinumbulsyon ka dahil sa sobrang taas ng lagnat. Hinuli siya ng mga pulis dahil sangkot siya sa drugs..." aniya. Nagsimula akong pumalahaw ng iyak at umiling. Wala na ako sa Maynila at naiwan siya roon? "Hindi! Mabait si Rigor! Hindi niya iyon sinasadya kasi hindi niya 'yon alam!" saad ko. Pilit niya akong niyakap ngunit tinulak ko siya. "Nasaan na siya? Pwede ba natin siya tubusin? Tubusin mo po siya o 'di kaya ipalipat dito para makita ko pa rin siya! Saka po si Ina—" "Amelie, nanlaban si Rigor kaya...binaril siya," saad niya at malungkot akong tinignan. Natulala ako. "Patay na si Rigor."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD