Kabanata 1

4995 Words
Rigor Sumimangot ako habang tinitignan si Ina na sinusubuan si Rigor ng saging. Tapos 'yung nilagang hinog na saging sa kaniya tapos akin nilagang hilaw. Noong una ay kailangan pa ni Ina durugin dahil parang 'di siya marunong. Akala mo baby. Pero katagalan natuto na siya. "Ano ba naman 'yan, Ina? Hindi na ba ako ang baby mo?" yamot kong tanong. Pinandilatan niya lang ako. Lumabi ako at tinignan ko ang saging sa plato ko at pilit na ngumiti. Kung ano ang gabihan namin, iyon din ang umagahan. Siyempre hindi dapat mamili, kung ano ang nakahain, iyon ang kakainin. Gano'n talaga kapag mahirap. Walang pagpipilian eh. "Anak, sige na, kumain ka na. Bababa tayo ng bayan. Bibili tayo ng ulam para mamaya pati na rin ng bigas. Saka makikibalita na rin ako kung may nawawala bang bata roon. Baka hinahanap na si Rigor ng magulang niya," mahinahon na saad ni Ina at pinainom ng kape si Rigor. Iyong kape, galing 'yon sa tinutong na bigas. "Ina, may pera ba tayo pambili ng ulam at bigas? Mag-ipon muna tayo. Okay lang naman sa akin ang saging, kamote, kamoteng kahoy at kung anu-ano pa na makukuha sa pananim natin bilang pagkain," saad ko. Napatitig sa akin si Ina kapagkuwan ay hinaplos ang aking buhok. Nginitian ko siya. Kinurot niya ang ilong ko kaya napasimangot ako. "Ang bait talaga ng anak ko, kaso pasaway. Pero anak, nakalimutan mo ba? Birthday mo ngayon," aniya. Natigilan naman ako. Tumayo ako at pumunta sa may kwarto kung nasaan ang aming kalendaryo. Nanlaki ang mata ko. Bumalik ako kina Ina at Rigor. "Anla! April 2 nga ngayon, Ina!" hindi makapaniwalang saad ko. Umupo ako at nilantakan ang saging sa plato ko. Tumingin ako kay Ina at natigilan. "Pero okay lang naman po na wala tayong handa," saad ko. Ngumiti siya pero iyong parang malungkot bago sinubuan si Rigor. "Anak, hindi handa ang bigas at ulam. Kung tutuusin, iyon dapat ang laging kinakain natin. Pero dahil kapos tayo, malaking biyaya iyon. Hayaan mo na, minsan lang 'to. Magluluto ako ng sinigang dahil espesyal ang araw na 'to," aniya. Lumabi ako ngunit napangiti. Tumango na lamang ako. Kung ganoon pala ay parang gusto ko na araw-araw ko birthday para masarap lagi pagkain namin. Pero hindi naman pwede dahil kaunti lang pera namin. Nakukuha lang namin sa paglalako ni Ina noong mga bunga ng pananim namin at mga gulay ang pera namin. Iyong mga puno ng niyog kasi namin hindi pa mataas. Maliliit pa lang kaya wala pang bunga. Hindi namin mapakinabangan tuloy. Pinaliguan ni Ina si Rigor at nasa gilid din ako, nakikisabay. Lumabi ako at pinanood siya na sinasabunan ang ulo noong lalake. Tapos ako hindi niya inaasikaso. Kung sabagay, kaya ko naman. "Ina, pinag-aralan namin 'yan oh," turo ko roon sa may baba ni Rigor. "Ang english po niyan ay p***s, eh. Ina, sabi ginagamit iyan para dumami ang tao. Sa babae nga iyong pekpek. Ina paano po napapadami niyan ang mga tao?" tanong ko habang nagsasabon ng katawan. "Anak, malalaman mo rin kapag tumaas pa ang grade mo. Ang mahalaga, alam mo na private iyan. Hindi dapat pinapakita o nahahawakan ng iba," saad niya ay binanlawan na si Rigor. Kumunot ang noo ko at lumabi. "Eh bakit pakita niyo sa akin iyang p***s ni Rigor," tanong ko. Napailing-iling si Ina at binalot si Rigor ng tuwalya. "Hindi na ulit, Lucieta. Basta 'yung lagi kong pangaral sayo. Bilisan mo na rin diyan. Para makaalis na tayo. Mamaya sobrang init na," saad niya at pumasok na sa bahay habang hawak-hawak sa kamay si Rigor. "Lucieta.." bulong ni Rigor. Paulit-ulit 'yon na akala mo inaaral niya. Inismiran ko siya at nagbanlaw na rin. Noong nakabihis na kami lahat ay ni-lock ni Ina ang pinto. Kadena iyong panglock tapos tinali-tali niya saka nilagyan ng kandado. Hinawakan ni Ina si Rigor. Ako naman ay nakasunod lang kasi hawak niya sa kabilang kamay ang basket. "Lucieta, humawak ka kay Rigor," saad ni Ina. "Lucieta, hawak Rigor...." panggagaya naman ni Rigor. Wala akong nagawa kung hindi sumunod. Mahigpit ang hawak sa akin ni Rigor kaya napatingin ako sa kaniya. Tapos akala mo baliw siya na linga nang linga sa paligid. "Oh, Amalia, bababa kayo sa bayan?" tanong ni Aleng Jocille. Lumakad siya kasabay sa amin. Ngumiti si Ina at tumango. "Oo, mamimili lang," aniya. Napatingin siya sa amin. Napatutok siya kay Rigor at naningkit ang mata. "Sino 'yan? Ang gwapo, ha?" tanong niya. Ngumuso ako. Chismosa talaga 'to si Aleng Jocille eh. Hindi sumagot si Ina at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Nga pala, Amalia, pahingi naman ako ng bungkos ng talbos ng kamote mamaya," aniya. "Limang piso po ang bungkos noon," saad ko at sumimangot. "Ay ikaw talaga, Lucieta. Magkapitbahay naman tayo," natatawa niyang saad. Hmmp! Nakakainis. Mga gano'n na lang kabuhayan namin hihingiin pa. Ang laki-laki ng bahay nila, tapos nanghihingi sa amin. Limang piso lang naman. "Jocille, kabuhayan namin iyon. Kahit limang piso lang sana," seryosong saad ni Ina. "Aysus, ang dadamot naman. E'di huwag na. Sayo na ang talbos!" saad niya na iritado. "Buraot," bulong ko. "Buraot!" sigaw ni Rigor. Namilog ang mata ko at nilingon si Rigor na inosenteng nakatitig sa akin. "Buraot!" ulit niya. "Ano 'yon?" nanggigigil na saad ni Aleng Jocille. "Buraot ka raw," saad ni Ina at hinila na kami paalis. Napahagikhik ako at gumaya naman si Rigor sa akin. Napailing-iling si Ina habang tinatahak namin ang daan. "Ewan ko ba sa mga tao. Kapag maayos ang bibilihan nila, iyong may mga pera talaga, willing silang bumili. Pero kapag sa mahirap at nangangailangan, saka mambuburaot. Mura na nga, tatawad pa, o 'di kaya, hihingi!" bulong-bulong niya. Napatango ako at napagtanto na rin iyon. Si Aleng Jocille ay mayaman siguro. Malaki ang bahay nila tapos may dalawang motorsiklo pa sila! Tapos ang mga anak nila ay lagi bago ang damit. Pero bakit ganoon, nambuburaot sa amin iyon? Halos isang oras ang paglalakad namin bago nakarating sa bayan. Tuwang-tuwa naman ako na makita 'to muli. Ang huli kong punta rito ay huling klase namin. Dito kasi ang paaralan namin sa bayan, kaya naglalakad ako nang medyo malayo para makapasok sa eskwelahan. "Kapit sa akin mabuti, Rigor. Ikaw rin, Lucieta. Baka mawala kayo," saad ni Ina. Tumango ako. Hindi ko pa nagagawa ngunit mahigpit na ang hawak sa akin ni Rigor. "Ina, magbenta kaya ako rito sa bayan ng mga gulay natin! Kaysa doon lang tayo sa taas, puro buraot doon, eh. Habang bakasyon pa, Ina," suhestiyon ko. Napailing siya. Alam ko na ayaw niya iyon. Sinasabi niya lagi na siya dapat ang maghahanap-buhay dahil responsibilidad niya iyon. Kaya doon lang siya lagi sa taas dahil 'di niya ako maiwanan. Ayaw ko naman maging sagabal sa kaniya. Gusto ko makatulong. Malawak ang palengke at maingay. Halo-halong nagtitinda ng gulay, mga karne, isa, prutas at iba pa. Nakamamangha talaga ang ibang paninda. Minsan iniisip ko kung ano ang lasa ng mga 'yon. Gustong-gusto ko ang karne ng baka kaso mahal iyon. Ang huli kong kain noon ay buhay pa si Itay. Iyon ang una at huli. "Amalia, mabuti bumaba ka!" saad noong kakilala ni Ina. Nag-bless ako at gumaya naman si Rigor. "Ay, kay gwapong bata naman nito!" aniya. Lumabi ako. Nakita niya ang ekspresyon ko kaya natawa siya. "Siyempre maganda ka, Lucieta," aniya. Tapos nag-usap na sila ni Ina. Pambobola lang naman 'yon. Kasi lagi akong inaasar ng mga bata na negra, pero morena nga raw ako sabi ni Ina. Tsaka dugyot pero hindi naman. Dugyot daw ako kasi nga may mga itim na tuldok sa pisngi ko at ibabaw ng ilong. Pati rin iyong sa likod ko. Sabi ng teacher ko, freckles daw iyon. Idagdag mo pa ang maraming maliliit na nunal sa leeg ko. Parang constellations! Ewan ko ba, eh si Ina naman ay maputi pati si Itay. May pagka-mestiso nga iyon si Tatay eh. Sabi ni Ina nagmana ang kulay ko sa iba niyang kamag-anak. Bigla ay napagtanto ko na hindi na ako hawak ni Rigor. Nanlaki ang mata ko at agad siyang hinanap. Tumakbo-takbo ako at sinigaw ang pangalan niya. Anla! Parang baliw pa naman iyon at tanga! Baka mawala talaga 'yon. Tumagaktak ang pawis ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Rigor na nakatitig sa mga laruan na nakalatag. Nilapitan ko siya at piningot. Sumimangot siya at lumabi sa akin. Nameywang ako sa harap niya. "Ikaw, makaalis ka! Hindi mo nga alam dito, eh? Kulit-kulit mo, Rigor!" s Lalo lang siya lumabi. Nainis naman ako. Pulang-pula ang tenga niya na piningot ko. Naipon ang luha sa mata niya. Namilog ang aking mata nang humikbi siya. Agad ko siyang niyakap at hinaplos ang likod niya. "Hala, nag-alala lang ako. Huwag ka na iyak, Rigor. Bati na tayo," saad ko. "Bati na Rigor at Lucieta," bulong niya at ngumiti. Napangiti na rin ako. Kagabi ay halos 'di siya makaintindi. Ngayon nakakaintindi na siya. Akala mo talaga baby siya sa katawan na malaki na tapos natututo pa lang. Tinuro niya ang mga laruan na umiilaw-ilaw. Siguro naagaw noon ang pansin niya dahil kumukurap-kurap ang ilaw. Umupo siya at nanood. Napangiti naman ako at umupo na rin. Napatingin ako sa pararating dahil sa ingay. Bumabati ang mga tao. May parating na kotse. Napatayo ako at hinawakan si Rigor. Nang tuluyan na dumaan ang kotse ay tumalsik ang putik dahil sa bigat ng gulong. Nanlaki ang mata ko nang makita ang damit ko pati ni Rigor na maputik. Uminit ang ulo ko at hinabol ang kotse. Bumagal iyon kaya pinagsisipa ko at hinampas ang salamin. Bigla ay may bumaba na malaking lalake at tinulak ako. Nasadlak ako nang tuluyan sa putik kaya lalo akong nagalit. Bago pa man ako makasugod ay sinuntok ni Rigor sa hita ang tumulak sa akin. Napangiwi ito at halos mapaluha saka bumagsak sa lupa. Nagkatitigan kami ni Rigor. Lumapit siya sa akin at inalalayan ako. Ang itim na itim niyang mata ay galit. "Jhun!" Napaangat ako ng tingin nang may bumaba sa kotse. Magara ang pananamit niya at halos kumintab sa linis ang itim niyang sapatos. Napasulyap siya sa amin ni Rigor. Bahagya siyang yumuko at tumitig sa akin. "Anong nangyari?" tanong niya. Katulad ko ang kulay ng balat niya na akala mo ay kumikislap sa sinag ng araw. Moreno siya at sobrang tangkad. Tapos marami rin siyang nunal sa leeg at may iilan sa mukha. Nakaramdam ako ng takot nang makilala ko siya. Governor siya! "E-eh..." napalunok ako. Ibig sabihin ba ay sa kaniya ang kotse. Baka hulihin niya si Ina dahil hindi pa ako pwede makulong. Napailing ako at biglang napaiyak. "Huwag niyo po ikukulong si Ina ko! Ako na lang po kasi ako 'yung bad. Ako 'yung sumipa sa kotse mo kasi po tinamaan kami niyan ng putik! Nadumihan tuloy ang pinaghirapan ni Ina na labahan. Ako na lang po!" sigaw ko. Bigla ay tumawa ang lalake sa harap ko at napailing-iling. Pinigilan ko ang hikbi. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang sinapak ni Rigor kaya napasadlak din tuloy ang gobernador sa putikan. "Away mo Lucieta!" galit na saad ni Rigor. Natulala ako.  May mga lumapit na at tinulungan tumayo ang gobernador. Napailing ito ngunit may ngiti sa labi. "Hmm, batang maganda na iyakin at bata na future boxing fighter yata," natatawa niyang saad. Nahintatakutan akong umatras nang makita na ang lalaki ng kasama niya. Mga body guard niya ata! Huhulihin nila kami. Hinawakan naman ako ni Rigor na parang handa siyang protektahan ako. Akma akong tatakbo habang hila si Rigor ngunit tinawag ako ng gobernador. Nanginig naman ako sa kaba habang tinitignan siya. "Sumama ka sa akin. Bibihisan namin kayo at papalabhan iyang damit mo para hindi magalit ang Nanay mo," aniya at mabait na ngumiti. Nanlaki ang mata ko. "H-hindi po kayo galit?" kinakabahan kong tanong. He shook his head and smiled. "Sorry sa inyo. Kasalanan namin kung bakit narumihan kayo. Kaya sana hayaan mo ako na bumawi," aniya. Tumango na lang ako at sumama sa kanila. Manghang-mangha ako habang nasa loob ng kotse. Si Rigor naman ay tahimik at nagmamasid lang. Malayo na kami nang maalala ko si Ina. "Si Ina pala! Governor, lagot ako sa kaniya! Mag-aalala po siya," saad ko at nakagat ang labi. Tumitig siya sa akin at umiling. "Ako na ang bahala roon. Ano ba ang pangalan ng Ina mo?"  tanong niya at kinuha ang kaniyang cellphone. "Para sabihan ko ang mga tao roon na ligtas kayo at sumunod siya," aniya. "Amalia Castiliote po!" saad ko. Natigilan siya. Nginitian ko lang siya at tumitig kay Rigor. Katulad ko ay marumi din siya! Nakahihiya nga kasi madudumihan ang upuan ng kotse ng gobernador pero mukhang hindi niya iyon iniisip. Mabait naman pala siya! May tinawagan ang governor at inisip ko na lang na malalaman na ni Ina. Ang mahalaga sa akin ay hindi siya mahihirapan labhan itong marumi kong damit. Pagdating namin sa bahay ng gobernador, akala ko palasyo ang nasa harap namin. Ang laki-laki pati noong gate niya. Tapos puti ang karamihan ng kulay at 'di ko na alam ang iba. Manghang-mangha ako sa yaman nila habang hawak ako ni Rigor. First time ko 'to, na makapasok sa ganito! May inutusan ang governor tapos may lumapit sa amin na mga maid. Nakauniform pa sila, bongga talaga! "Papaliguan kayo," saad sa akin ng isa. "Ay, ako na lang po liligo sa sarili ko. Bawal daw makita ng iba ang pekpek ko," saad ko. Nagtawanan naman sila pero wala naman nakakatawa. Medyo tanga sila sa part na 'yon. Sandali lang ako naligo pero natagalan ako sa loob kasi ang ganda-ganda ng banyo. Pwede ng tulugan. Iyong sahig nila, tiles. Tapos may shower pa sila, tapos iyong malaking palanggana na doon naliligo. Bongga talaga rito. Sana maranasan din ni Ina 'to. Ang ganda ng isinuot sa akin na bestida! Kulay blue tapos ang ganda-ganda talaga, as in! Si Rigor din ang gwapo sa suot niya. Nagkatinginan kami at agad siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Uwi na, Lucieta..." aniya. Natigilan ako ngunit napagtanto rin na dapat na kami umuwi. Kaso pinapatuyo pa raw ang damit namin. "Governor, uwi na po kami. Dadalhin ko na lang ang damit kahit 'di pa tuyo," saad ko. Tinitigan niya ako at bahagyang ngumiti. Napansin ko na medyo namamaga iyong sinapak sa kaniya ni Rigor. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami patungo sa kung saan. Humigpit naman ang hawak sa akin ni Rigor. Tapos tumigil kami sa harap ng mahabang mesa. Ang dami-daming pagkain! "May fiesta po sa inyo? Ako, birthday ko ngayon kaya magluluto si Ina ng sinigang at kanin," natutuwang saad ko. Natigilan siya at tumitig sa akin. "Ilang taon ka na?" tanong niya. "Nine ako kahapon, tapos ten na po ako ngayon," saad ko at sinulyapan ang mga pagkain. Inalalayan kami ni Rigor ng mga maid at nilagyan ng pagkain ang plato namin. Sarap na sarap ako, sa tingin pa lang! Bigla ay natigilan ako. Sana narito si Ina para makakain din siya. "Kumain na tayo," saad ng gobernador at tumingin sa akin. Tumango ako at agad ng kumain. Ang sarap-sarap! Sabi ng maid ay grilled steak daw ito. Halos mapapikit ako sa sarap. Tinignan ko si Rigor na sinusubuan ng maid. "Kapatid mo ba siya?" tanong ng gobernador. Agad akong umiling at uminom ng tubig. Napansin ko rin ang pormal na kilos ng governor. Iyong parang pulido ang bawat galaw. "Hindi po. Napulot siya namin noong isang gabi at inalagaan namin ni Ina habang wala pang naghahanap," saad ko. Tumango siya at tumitig sa akin. Ako naman ay nagtatakha dahil tingin siya nang tingin. "Anong pangalan mo?" tanong niya. "Lucieta Amelie po. Siya naman si Rigor," saad ko. Tumango siya at tumitig na naman. Nagkibit-balikat ako at sumubo ng karne. Ang sarap-sarap talaga! "Kuya, narito ka na pala. Oh, may bisita ka?" Nilingon ko ang bagong dating. Kamukha siya ng governor kaso mas bata siya. Ngumiti ako nang mapatingin siya sa akin. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. "Naperwisyo ko sila sa palengke kanina," saad ng governor. Umupo iyong bagong dating sa katapat kong upuan at tumitig sa akin. Ako naman ay napatingin kay Rigor na humawak sa kamay ko. "Uwi na tayo," aniya. Ngayon ay seryoso na siya. Tumango ako at agad na inubos ang pagkain ko. "Ipapahatid ko na kayo, Amelie. Sandali lang," saad ng governor at tumayo saka umalis. Bumaba na kami ni Rigor sa upuan. Lumapit sa amin iyong bagong dating at lumuhod sa harap ko. Tinitigan niya ako at ngumiti sa akin. "Ako si Percy. Nice to meet you, Amelie," aniya. Ngumiti ako at tumango. Inilagay niya ang kamay sa ibabaw ng ulo ko at dahan-dahan iyon bumaba sa aking pisngi. Ako naman ay nagtatakha. Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa bumaba ang haplos niya sa braso ko. Napatalon ako nang may narinig na sigaw. Agad akong tumakbo para hanapin 'yon ngunit bumalik para kunin si Rigor. Ngayon ay kita ko si Ina na pinipigilan ng mga guard habang nagwawala siya. "Ina!" tawag ko sa kaniya. Nang nakita niya ako ay humagulhol siya. Agad akong tumakbo palapit sa kaniya at niyakap siya. Mahigpit niya akong niyakap pabalik at isinama si Rigor. "Lucieta! Lucieta ko!" hikbi niya. Ako naman ay naiiyak na rin. Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak nang ganito. Noong namatay si Itay at kuya Rigor ay tahimik lang siya na umiiyak at nagtatago. "P-patawad, Ina..." bulong ko nang mapagtanto ang mali ko. "Uuwi na tayo, Lucieta...Rigor," aniya at sumigok. Sumama ako sa kaniya ngunit natigilan kami nang may tumawag sa akin. "Amelie, regalo ko...sayo." Napatingin ako sa governor. Natigilan ito at napatitig kay Ina. Si Ina naman ay umiyak at naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya. Tuluyan na akong napaiyak at niyakap si Ina. "Uwi na po tayo, Ina. Huwag ka na umiyak!" "Amalia, ibibigay ko—" "Huwag kang lalapit sa amin ng anak ko!" sigaw ni Ina habang umiiyak. Ngunit lumalapit pa rin ang governor. At kahit mukha siyang malungkot ngayon at mabait, nagagalit ako sa kaniya. "Huwag ka lumapit sabi, Governor! Masama ka, pinapaiyak mo lalo si Ina! Uuwi na tayo, Ina," humihikbing saad ko at hinila na sila ni Rigor paalis. Humihikbi pa rin si Ina habang naglalakad na kami pabalik sa bayan. Humigpit ang hawak sa akin ni Rigor kaya napatingin ako sa kaniya. "Huwag na kayo iyak," seryoso niyang saad. Pinigilan ko na ang pag-iyak at tumango. Maya-maya pa ay tumigil na rin si Ina. Tapos binalikan namin sa palengke iyong binili niya na iniwan niya sa kakilala. Tahimik lamang kami habang pabalik sa bahay. Nag-aalala ako kay Ina. Natatakot ako mapagalitan niya pero mas ayaw ko na makita siyang umiiyak. Kasalanan ko 'yon dahil umalis pa ako na walang paalam tapos isimama ko pa si Rigor. Tinatawag kami ng ilan na kapitbahay, siguro mambuburaot na naman ngunit hindi sila pinansin ni Ina. Pagdating sa bahay ay dumiretso agad siya sa kusina. Pinaupo ko si Rigor sa sala bago sumunod sa kusina. Agad ng nag-aasikaso si Ina sa lulutuin niya. Kumuha ako ng baso at kumuha ng tubig na inumin sa banga bago lumapit kay Ina. "Inom po muna kayo. Patawad po, Ina. Kasalanan ko 'yon. Hindi na po ako uulit," saad ko at inabot sa kaniya ang baso. Natigilan siya at hinarap ako. Bumuntong-hininga siya at nalulungkot naman ako lalo na makita ang mugto niyang mata. "Ano ang kasalanan mo, Lucieta?" mahinahon niyang tanong. Tinanggap niya ang baso at ininom iyon. Napayuko ako at lumabi. "Kasi po umalis kami ni Rigor nang 'di nagpapaalam," saad ko. "At sumama ka rin sa 'di mo kilala," may riin na saad niya. Lalo naman ako lumabi at napailing. "Eh kilala ko po 'yon, Ina. 'Di ba, siya si Governor?" saad ko. Napailing siya at ibinaba ang baso saka sinapo ang pisngi ko. "Doon mo lang siya kilala, Lucieta. Ang sabi ko sayo, huwag ka sasama sa kahit sino, lalo na sa 'di mo kilala. Ni hindi mo alam kung ano ang pangalan niya. Alam mo lang na governor siya," aniya. Napatango ako nang maintindihan ko ang ibig sabihin niya. Dapat pala alam ko ang pangalan bago ako sasama. Pinaalis ako ni Ina at samahan ko raw muna si Rigor sa maliit namin na sala. Maliit lang talaga iyon. May tatlong upuan na gawa sa kahoy pero maganda tsaka maliit na mesa na may vase sa ibabaw. Si Itay ang may gawa noon. "Rigor, dumaldal ka nga. Bored ako," saad ko at tinignan siya. Tumitig lang siya sa akin. Itim na itim talaga ang mata niya tapos sa akin ay kulay lupa eh. "Putangina," saad niya. Nanlaki ang mata ko at tinakpan ang bibig niya. "Bad iyan. Lagot ka kay Ina!" sermon ko sa kaniya. "S-sabihin mo na lang...maganda si Lucieta," bulong ko. "Maganda si Lucieta," aniya. Napangisi ako at tumango-tango. Tinapik ko ang ulo niya. "Good boy naman," puri ko. "Maganda rin si Rigor," aniya. Napatawa ako nang malakas. Hinawakan ko ang tiyan nang naramdaman ang sakit dahil sa pagtawa. Tinignan ko siya na mukhang nagtatakha. Kinagat ko ang labi at napangisi. "Arff! Arff!" saad ko para gayahin niya ako. Gagawin ko siyang tuta ko. "Aso ka, Lucieta?" tanong niya. Nanlaki ang mata ko, hindi makapaniwala. Aba! May alam na siyang salita. Hindi ko pa naman nabanggit iyon. Siguro narinig niya kanina o nakita nang nagkahiwalay kami. Tinawag ako ni Ina at inutusan na mamitas ng gulay na panghalo sa sinigang sa bakuran. Sumunod naman sa akin si Rigor. Siya iyong pinahawak ko ng lagayan habang nagpipitas ako. "Alam mo, Rigor, paglaki ko mayaman na tayo. Nag-aaral ako nang mabuti para yumaman na tayo. Tapos si Ina lagi na lang nagpapahinga kasi may yaya na rin tayo. Yayaman talaga tayo, Rigor! Kasi pagdating ng panahon, mamumumga na ang mga puno ng niyog at gagawin natin na negosyo 'yan. Inaabangan din iyan ni Ina, eh. Plus pa ang pag-aaral ko, yayaman tayo," saad ko. "Papakasalan kita Lucieta," biglang saad niya. Natigil ako sa pagpitas ng gulay at tinignan siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Saan mo natutunan ang salita na 'yan?" nagtatakha na tanong ko. Naisip ko kasi, si Rigor ay parang sponge. Lahat ng naririnig niya sa paligid niya ay pinapasok niya sa utak niya. Parang sponge na ni-aabsorb ang tubig. Kaya ang naisip ko ay narinig niya iyon. "Atsaka, Rigor. Nanay mo rin si Ina kasi inaalagaan ka niya. Hindi pwede iyon dahil magiging magkapatid tayo," saad ko at nagpatuloy sa ginagawa. "Pero kita ko na pekpek mo eh," aniya. Lalong nanlaki ang mata ko. Tumayo ako at piningot siya. "Ikaw, kung anu-ano natutunan mo na, ha?" inis kong saad. Lumabi siya. "Mana sayo," saad niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngunit seryoso lang siya tumitig. Napakamot ako sa noo. "Ikaw talaga, tatanga-tanga ka kumilos pero ngayon gaganiyan ka. Hindi mo nga alam ang ibig sabihin ng kasal!" inis kong saad. Mukha kasi talaga siyang seryoso. "Kapag kasal, akin na. Kaya magiging akin ka, Lucieta," aniya. Tinitigan ko siya at biglang sinapak. Nakakainis talaga ang lalake na 'to. Nagmartsa ako paalis. Sumunod siya sa akin at inabot niya ang dala kay Ina. "Ano nangyari sa pisngi ni Rigor, Lucieta?" rinig kong saad ni Ina. Namutla naman ako. Tiyak ipapasampal ako ni Ina kay Rigor. Ganoon kasi siya. Pag may nakaaway ako tapos sinaktan ako, 'di siya papayag na 'di ako makaganti. Kapag ako naman ang nauna, kahit anak niya ako ay ipapagawa niya sa kaaway ko ang ginawa ko. Naalala ko bigla kung paano nasaktan ang mga lalake sa palengke kanina dahil kay Rigor. Pag akin nangyari iyon, himatay siguro ako. "Lucieta?" "Wala 'to. May dumapo lamok, hinampas ko," saad ni Rigor at sumunod sa akin dito sa sala. Namilog ang mata ko nang mapagtanto ang ginawa niya. Nakaupo siya at tahimik lang. Nakaramdam naman ako ng kung ano habang nakatingin sa pisngi niya na namumula. Nakayuko akong lumapit at umupo sa tabi niya. "Rigor, salamat. Sorry din. Sapakin mo na rin ako," saad ko at lumabi. Umiling siya at nanatiling seryoso. "Hindi kita sasaktan kahit kailan," aniya. Natulala ako. Hindi ako makapaniwala na siya iyong napulot namin kagabi na mukhang tanga ang kilos. Halos 'di rin siya makapagsalita kagabi pero ngayon ay unti-unti nang nagiging maayos ang mga kilos niya. Kahit pananalita ay natutuwid na niya. Ibig sabihin ay hindi siya special. Kung ganoon, ano siya? Medyo late na ang tanghalian namin. Malaki ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang sinigang sa malaking mangkok tapos kanin. Kahit marami na akong nakain kanina at purong karne iyon, mas pipiliin ko pa rin ito! Tapos meron ding mga cupcake na may maliliit na kandila sa ibabaw. "Happy birthday, anak. Sa susunod, totoong cake na. Pag-iipunan ko. Pasensya na rin sa nangyari kanina. Mahal na mahal kita, Lucieta!" nakangiti na saad ni Ina saka ako niyakap at hinalik-halikan sa mukha. Humagikhik ako at niyakap siya. Ang laki ng ngiti ko. "Salamat, Ina. Kahit ano, basta galing sayo ay langit na para sa akin. Patawad din po kanina. Mahal na mahal kita, Ina!" bulong ko. Nagkatitigan kami ni Rigor. "Mahal na mahal kita, Lucieta," aniya. Pero natawa ako dahil alam ko naman na hindi niya alam iyong ibig sabihin noon. Napatawa rin si Ina tapos kumain na kami. Ang sarap talaga magluto ni Ina! Ang saya-saya ng kaarawan ko. Isasama ko sa ipagdarasal ko na sana laging malaki ang kita namin para lagi masarap ang pagkain namin. Nang hapon ay naglako si Ina ng mga gulay. Natulog kami ni Rigor ngunit nagising ako dahil sa katok. Papungas-pungas akong tumayo at lumapit sa pinto namin na gawa sa plywood saka iyon binuksan. Tinitigan ko ang lalake sa harap ko at kumunot ang noo. "Ikaw si Percy, 'di ba?" tanong ko. Ngumiti siya at tumango. Nakita ko na may dala siyang dalawang paperbag. Itinulak niya ang pinto saka pumasok tapos isinara din niya. "Sino ang kasama mo rito?" tanong niya. "Si Ina saka si Rigor. Kaso nagtitinda si Ina ngayon at tulog si Rigor," saad ko. Pinanood ko ang pag-upo niya sa maliit na upuan na gawa sa kahoy. Ang ganda-ganda rin ng pananamit niya at hindi siya nababagay sa maliit naming bahay. "Ano 'yan, Percy?" tanong ko at itinuro ang dala niyang paperbag. "Ah 'yung damit niyo kanina at regalo sayo ni kuya. Halika, tignan mo," aniya at ngumiti. Lumapit naman ako sa kaniya. Ibinigay niya sa akin ang paperbag at bigla na lang niya akong kinarga at nilagay sa kandungan niya. Sinilip ko ang laman ng paperbag at namangha nang makita na mga magagandang damit iyon at sandals. Napalabi ako nang may mapagtanto. "Eh malalaki naman sa akin 'to, Percy," saad ko. Tumawa siya at hinila ako palapit sa kaniya. Tumitig siya sa akin at parang inaantok ang mata niya. "Lalaki ka rin naman. At parang hindi ko na yata 'yon mahihintay," bulong niya at hinawakan ang mukha ko. Medyo napaatras ako ngunit inabot pa rin niya ako. Bigla ay iba ang naramdaman ko kaya bumaba ako sa pagkandong ko ngunit hinila niya ang kamay ko. "P-percy—" "Ang ganda-ganda mo, Amelie. Mukha kang manika. Gusto tuloy kita hubaran," paos ang boses niyang saad. Tapos ay hinila na niya ako nang tuluyan at hinawakan ako sa hita. Tinulak ko ang kamay niya nang maalala na bawal ako roon hawakan nang kahit sino, sabi ni Ina. Natakot ako nang makita na madilim na madilim ang mukha niya at iba na ang dating. Hinila niya ako at sumubsob ang mukha niya sa leeg ko at inamoy-amoy ako. "Percy! Ano ba! Ayaw ko! Ayaw ko!" sigaw ko at umiyak na dahil sa takot. Ang laki niyang tao at malakas. Walang kahirap-hirap na itinulak niya ako pahiga sa sahig at dumagan sa akin. Mula sa bulsa ay bumunot siya ng baril at itinutok sa leeg ko. Nanginig ako sa takot at ngumisi naman siya. "Ano? Magsasalita ka pa? Sandali lang 'to, at wala kang pagsasabihan, Amelie. Bibigyan kita nang maraming damit at pagkain. Ako ang bahala sayo," bulong niya. Tinulak ko ang baril ngunit idinikit niya lang iyon lalo sa akin. Pumalahaw ako ng iyak habang nanginginig ang katawam. "Isusumbong kita kay Ina! Isusumbong kita!" sigaw ko sa kaniya. Ngunit humalakhak lang siya at pinunit ang damit ko. Tapos kung saan-saan na siya humawak. Sumigaw ako nang sumigaw ngunit nawalan ako ng pag-asa nang maalala na nasa may dulo kami banda. "Huwag!" sigaw ko. Bigla ay binaba niya ang panty ko at hinawakan ako sa pekpek ko. Isang segundo pa lang ay bigla siyang tumalsik palayo. Lumapit sa akin si Rigor at itinayo ako. Agad kong inayos ang panty ko at niyakap ang sarili. Ang lakas ng panginginig ng katawan ko. "Rigor, umalis na tayo! Isumbong natin kay Ina!" iyak ko sa kaniya. Ngunit tinulak niya ako palabas ng bahay at nanatili siya sa loob. Natatatakot ako na baka anong gawin sa kaniya ni Percy dahil may baril iyon. Natanaw ko si Ina at nang makita niya ako ay tumakbo siya. "Ina! Ina! Si Percy nasa bahay po tapos pinahiga niya ako tapos hinawakan ako sa kung saan-saan tapos binaba niya ang panty ko, Ina! May baril po siya at naroon si Rigor, Ina!" iyak ako nang iyak. Nanlaki ang mata ni Ina at nagsimulang manginig ang katawan niya sa galit. Ibinagsak niya ang dalang bilao at lumuluha na tumakbo sa bahay. Sumunod ako. Tinawag ni Ina si Rigor ngunit walang sumagot. Pumasok kami sa bahay at nahanap sila sa kusina. Natahimik ako nang makita si Rigor na nakatayo. Nakita ko na nakahiga si Pery. Lumapit si Ina at nanatili ako sa kinatayayuan ko. Nanlaki ang mata ko nang tumabi si Rigor at nakita ko ang sitwasyon ni Percy. Bukas ang dibdib nito at nakalabas ang puso. Ang mukha niya ay puro kalmot at halos maalis na ang balat. Mulat na mulat ang kaniyang mga mata. Nilingon ako ni Rigor. Napaatras ako nang magkatitigan kami. Pulang-pula ang mata niya at may pangil. Ang kamay niya ay puno ng dugo. Sobrang haba rin ng kuko niya. "Rigor..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD