worried

1101 Words
Malapit na makauwi si Iska, ilang bahay na lamang ang pagitan nang may tumawag sa kanya. “Iska!” boses ng isang lalaki na agad niyang nakilala, “Oh! Ikaw pala Tonyo?” gulat na tugon ni Iska. “Sabi ko na nga ba at ikaw ‘yan e” napahawak ito sa batok niya nang sabihin iyon kay Iska, “Oo, taga-rito ka rin ba?” nagtatakang tinuran ni Iska. “Hindi, may inihatid lang ako sa malapit dito na pinadeliver.” kaya pala ito naka motorsiklo. “Ah, ganoon ba?” tugon ni Iska, “Oo, haha! Ikaw ba?” pag usisa na tanong nito. “Ah, oo doon lang ako halos mga tatlo o apat na bahay mula rito.” sagot niya, “Hatid na kita?” pag-aaya nito. “Huwag na, malapit naman na ako.” tugon niya, “Sige na, malapit lang naman na pala e hahatid lang naman kita at hindi na ako magtatagal dahil may ihahatid pa ako sa kabilang street para sa huling byahe ko.” pagpupumilit nito kaya pumayag na si Iska upang matapos na ang usapan. Isang minuto lang halos ay nakarating na sila at agad na siyang bumaba, “Sige.. aalis na ako, Iska.” nakangiting sambit nito. “Oo, salamat at mag-iingat ka.” tugon ni Iska. Nang makaalis na ito ay siya naman niyang harap papasok ng gate ng apartment, laking gulat niya nang naka-kunot noo ang apat niya na kaibigan na nakatingin sa kanya pagpasok. “Sino ‘yun?” may inis na tanong ni Henry, “A-ah! Si… Tonyo.” nauutal na sagot ni Iska na hindi niya malaman kung bakit siya biglang kinabahan sa tingin ng apat. “Hmmm… Sinong Tonyo ‘yan?” nag-uusisa na tanong ni Roly, “Isa sa nakasama ko sa ALS.(Alternative Learning System)” sagot ni Iska. “Talaga ba?” parang nang-aasar na tanong ni Paolo, “Oo nga kasi.” inis na sagot ni Iska. “E, bakit ka hinatid? Hindi ka na nag-aaral dun ah?” muling tanong ni Roly na tila nanghuhuli ng nakakabatang kapatid na tumakas para gumala, “Oo, syempre tapos na ako e kaso nagdeliver daw siya banda dito kaya nakasalubong niya ako at nagpresintang ihatid ako.” paliwanag ni Iska na para bang bata na ayaw mapalo ng nakakatandang mga kuya. “Aba! Nagpahatid ka naman?” nang-aasar muli na tanong ni Paolo na ani mo’y kapatid na sulsol para mapagalitan lalo si Iska, “Ayaw ko nga, nagpumilit lang siya kaya nakulitan na ako at para matapos na usapan.” kunot noo siyang nakatingin kay Paolo habang sinasabi ito na ani mo’y naninisi dahil napagalitan siya. “Ayun naman pala e hindi naman ata manliligaw.” biglang singit na tinuran ni Dino na para na rin siyang nagtatanong, “Hindi ano! Ano ba mga iniisip niyo? Ginawa niyo naman akong bata e.” pagmamaktol ni Iska sabay diretso pasok sa loob. “Iska!” maawtoridad na pagtawag ni Henry dahil sinundan siya ng apat pagpasok, napatigil siya at lumingon. “Sa susunod sasabihin mo sa akin o sa amin kung saan ka na palagi pupunta at kung sino ang kasama mo.” maawtoridad na pagbibigay bilin nito, “Ha? Pinagsasabi niyo? Kung kailan tumanda ako tsaka niyo pa ako paghihigpitan? Ano ba naman bigla pumasok sa mga isipan niyo?” hindi makapaniwala na tanong ni Iska. “Dyese-otso ka palang, mas delikado na nga rin ang edad mo dahil hindi ka na namin nakakasama pag lumalabas ka. Noon naman e kahit na laman ka ng kalsada at mas bata pa, laging isa sa amin ang kasa-kasama mo.” singit na paliwanag na may pag-aalala at habilin ni Roly, “Ok.” mahina at inis na sagot na ani mo’y walang pagpipilian o kakampi si Iska. Tumalikod na si Iska at umakyat papunta sa kanyang silid, wala na munang pumuna sa pagdadabog na yabag ng paa nya sa bawat hakbang dahil alam nila na mas lalo itong magtatampo. “Nagiging malihim na si Iska.” naiinis at nag-aalalang tinuran ni Henry, “Dalaga na kasi na medyo binata haha!” nakangisi na tugon ni Roly. “Kahit na, hindi na maganda ‘yon.” muling sabi ni Henry, “Mukhang iba ata ang ikinakabahala mo e.” makahulugan na opinyon ni Roly. “Ikapapahamak niya kasi ‘yon.” pagpapaliwanag ni Henry, “Oh, sige. Sabi mo.” muling may malalim na ibig sabihin na pagsang ayon ni Roly. “Ano balak mo?” biglang tanong ni Paolo, “Malamang magtatampo ‘yun, baka nga bukas hindi tayo pansinin non e.” singit ni Dino. “Matampuhin pa naman ang baby natin haha!” dagdag na pagbibiro ni Paolo, “Ang hirap pala magpalaki ng baby girl haha!” dugtong ni Dino habang nakangisi. “Basta, bantayan niyo siya ah, mas madalas kayo dito sa bahay Paolo, Dino.” bilin ni Henry, “Hala, mahirap ‘yan.” pag-aalangan ni Paolo. “Kayo malalagot sa akin dalawa kapag napahamak siya.” muling bilin ni Henry, “Bakit kami?” sabay na pagkakasabi patanong ng dalawa. “Dahil sa inyo ko siya hinahabilin.” tugon ni Henry, “Ano ba ‘yan! E, mas astig pa sa amin ‘yun e alangan patulan namin pag nagmaktol?” tinuran ni Paolo na ani mo’y ayaw sumang-ayon. “Sino ba ang mas matanda at kayo ang lalaki diba, dalawa pa kayo?” muling tugon ni Henry, “Lugi ah?” singit ni Dino at napa-kamot ulo nalang sila pareho ni Paolo. Kinabukasan, maagang nagising si Iska at nagtungo agad sa kusina sa baba pagkatapos niya maghilamos. Habang nagtitimpla siya ng kape ay naramdaman niya na may pababa ng hagdan, hindi siya lumingon kahit na nang maramdaman niya na papunta itong kusina. “Aga mo ah?” tanong ni Henry, hindi man lang siya kumibo at lumingon lang sandali ngunit nag-iwas din ng tingin nang makitang nakatitig ito sa kanya. “May lakad ka na naman ba?” muling tanong nito nang akmang palabas na siya ng kusina, bigla naman sumulpot si Roly papasok ng kusina kaya nagkaroon ng pagkakataon si Iska na dumiretso na sa paglabas at hindi na sumagot. “Oh, ang aga-aga sinesermonan mo si Iska?” tanong ni Roly kay Henry pagkapasok nito at nang tuluyan makalabas si Iska ng kusina, “Hindi, tinatanong ko lang kung aalis ba siya ngayon e hindi naman sumagot tapos bigla ka pa diyan sumulpot.” tugon ni Henry. “Ikalma mo kasi, nagtatampo pa nga.” natatawang tugon ni Roly, napa-iling na lang si Henry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD