mini donuts and cupcakes

2098 Words
“Ikaw na muna ang pumunta kina Roger, tapos pagsapit ng tanghali umuwi ka na at ako naman pupunta doon.” tinuran ni Dino kay Paolo, “E, ano sasabihin ko kapag nag tanong kung bakit ganoon ang gagawin natin, alangan sabihin ko pinababantayan sa atin ni Henry si Iska? Haha!” tugon ni Paolo. “Ayun naman talaga e? Hahaha!” pabiro na sabi ni Dino, “Gagi?” natatawa ngunit hindi makapaniwala na binigkas ni Paolo. “Hahaha! Syempre bawal ‘yon idahilan, ikaw na ang umisip at ikaw ang magaling diyan.” tugon ni Dino, “Sige na nga, sabihin ko na lang siguro dahil hindi naman karamihan ang ginagawa natin… at makakaya natin kahit hindi tayo magsabay at magha halinhinan na lang tayo?” tugon ni Paolo na naghihintay rin ng pagsang ayon. “Oo, halinhinan magbantay ng baby girl. Hahaha!” natatawang biro ni Dino, “Sira ka talaga! Mamaya pati iyan e mabanggit ko nga. Hahaha!” natatawa na lang si Dino habang napa kamot ulo na lang si Paolo at umalis na. Ilang sandali lang ay bumaba si Iska, napatingin siya kay Dino na nanonood ng tv sa sala kaya nakakunot noo siyang tumingin dito. Alam niya na umaalis silang dalawa palagi ni Paolo dahil lagi na sila sa talyer nina Roger na kakilala rin ng mga ito magmula nang iniwasan na nila ang maling gawain at humanap sila ng mga pwedeng extra income na legal at nagustuhan sila nito kaya kinuha na silang makatulong, habang sina Henry at Roly naman ay sa isang pabrika na nag tatrabaho kamakailan lang rin kaya alam niya na mas madalas na hindi na talaga mapipirmi ang mga iyon sa bahay. Alam niya naman mula bata pa sila na ganoon ang sitema na ipapabantay siya ni Henry sa dalawa kapag dumidiskarte sila ni Roly na kapwa dyese-sais at kinse na para makahanap ng mapagkakakitaan at dahil sila ang pinaka bata noon ay iniiwan siya nito sa dalawa dahil mas matanda rin sina Paolo at Dino sakanya ng tatlong taon, bago pa man mapansin ni Dino na nakatingin siya ay nag-iwas na siya ng tingin at dumiretso sa kusina. -”At mukhang binabantayan na nga nila ang kilos ko ah? Hindi na ata sila lalabas nang walang maiiwan na isa sa kanila para bantayan ako, kahit halos tatlong buwan na ang lumipas nang pinabayaan naman na nila ako mag-isa palagi. Ano pumasok sa mga isipan non?”- tanong ni Iska sa sarili, “Kumain ka na, aalis ka ba?” bahagyang natigilan si Iska nang pumasok si Dino sa kusina. “Mukhang hindi naman ako makakalabas e.” tugon ni Iska na walang emosyon at hindi lumilingon, “Haha! Pwede naman.” tiningnan niya ito nang pabigla dahil sa sinabi nito. “Sabihin mo lang kung saan, anong oras ang balik at kung sino ang kasama mo.” sabay dugtong nito nang pagharap niya, napai-was ulit siya ng tingin dahil nainis siya sa ngisi nito. “Ano kaya ‘yun?” sambit ni Iska na halatang dismayado, “Basic lang naman, kung hindi mo sasabihin o kung mag-isa ka lang na lalabas ay sasamahan na lang kita.” dagdag pa ni Dino. Napabuntong hininga si Iska at napasandok na lang ng kanin at ulam tsaka kumain, kumuha lang ng juice si Dino sa ref at dumiretso na ulit sa panonood ng tv sa sala. Lumipas ang oras, nakatulog na lang si Iska dahil nga hindi naman siya makakalabas mag-isa at wala siyang maidadahilan kay Dino. Maya-maya ay parang may naririnig siya na kakaibang ingay sa unang palapag dahil nga nasa kwarto niya nga siya natulog, “Oh, Paolo? Nandiyan ka na pala.” ani ni Dino, “Oo kaya ikaw naman na ang pumunta doon, pero may kasama pala ako.” tugon ni Paolo at sabay lingon sa kasama niya na babae. Nanlaki ang mata ni Dino sa pagkabigla at pagtataka, “Hoy! Paolo, lagi tayo magkasama ah tapos isang araw lang na hindi ay may girlfriend ka na at hindi ko namalayan.” gulat na tinuran nito pagkakita sa babae. “Hahaha! Hindi ko siya girlfriend, nakasalubong ko lang siya sa may kanto paliko dito sa street natin at kanina pa daw niya hinahanap kung saan nakatira si Iska kaya sinabi ko na kilala ko at ituturo ko kung saan.” natatawang paliwanag ni Paolo, “Akala ko naman nasalisihan mo ako, hahahahah!” biro ni Dino pabalik. “Pasok ka na Miss.” pag-anyaya ni Dino, “Si Iska ba nasaan?” tanong ni Paolo. “Bakit ang ingay niyo ata?” biglang tanong ni Iska na nakababa na pala, “Oh, ayan na pala e” sambit ni Dino, “Kamahalan, may naghahanap sayo hahaha!” nakatawa at pagbibiro na tugon ni Paolo sabay senyas kung saan nakaupo ang babae. “Kamahalan ka diyan!” inis na pagpuna ni Iska, “Sino ba ‘ya—-” hindi na natuloy ni Iska nang magsalita ito. “Iska!” sambit nito, “Ikaw pala Analyn?” tugon ni Iska. “Paanong? Nakapunta ka at anong sadya mo?” muling tanong ni Iska, “Hindi na kasi kita nakikita sa mga tinatambayan mo at gusto na kita makita, sinabi mo naman ang street kung saan ka nakatira kaya pinuntahan na kita.” tugon ni Analyn. Nagkatinginan lang si Dino at Paolo at nag-oobserba, “Buti nahanap mo agad kung saan ako nakatira?” muling tinuran ni Iska. “Nakasalubong ko siya tapos kilala ka daw pala niya at sasamahan ako.” sabay tingin kay Paolo. “Nagtiwala ka agad sa mukha niyan? Hahaha!” pang-aasar ni Dino, natawa lang si Analyn at Iska habang napasimangot si Paolo. “Kung ikaw ‘yun malamang kumaripas na siya ng takbo!” pabalik na tugon ni Paolo kay Dino na ikinatawa nila, “Hindi siya matatakot sa inyo dahil ako mismo na dinukutan siya noon e hindi niya kinatakutan.” singit ni Iska. “Oh! Siya pala ‘yun, mula noon nagpaka-bait ka na rin pala diba? Hahaha!” tugon ni Paolo, “E, kayo lang naman ang ginaya ko at dahil nagbabago-bago na kayo kaya natigil na rin ako.” balik na tugon ni Iska. “Goods na kami ngayon Miss, don’t yah worry.” singit ni Dino sabay kindat kay Analyn. “Uunahan mo pa ata ako Dino ah?” pagbibiro ni Paolo tukoy sa pagpapa-cute nito kay Analyn, “Edi bilis-bilisan mo.” pabiro na tugon nito na ikinatawa nilang muli. “Tigilan niyo nga si Analyn.” pagsaway ni Iska sa dalawa, “Nakakatuwa naman pala, sila ba ang mga kaibigan mo na nabanggit mo na kasama mo?” pag-usisa ni Analyn. “Oo, may dalawa pa. Si Henry at Roly pero wala pa sila rito, mabuti pa at doon na lang tayo sa kwarto ko at manggugulo lang ‘yang dalawa!” pag-aya ni Iska kay Analyn, “Tama, paalis na rin ako at si Paolo ang maiiwan kaya ilayo mo si Analyn diyan.” sabay pahabol pa ni Dino na ikinatawa na naman nila. Pagkaalis ni Dino ay nakaakyat na rin sina Iska at Analyn sa kwarto nito, habang si Paolo ay umidlip muna sa may sala. “Wala ka bang pasok ngayon at naisipan mo na dalawin ako?” tanong ni Iska, “Oo, day off ko at nagtataka ako bakit ni anino mo bigla ay hindi ko makita kahit saan.” tugon ni Analyn. “Ayos ka na ba?” pag-aalala ni Iska nang maalala ang nangyari noong isang gabi, “Oo naman, ayos na ayos na ako kaya lang naisipan kita ilibre sana dahil napagaan mo ang loob ko noong nakaraang gabi pero hindi naman na kita biglang makita kaya minabuti ko na hanapin ka.” mahabang tugon ni Analyn. “Heto oh, may dala akong mini donuts at cupcakes.” nakangiti na iniabot ni Analyn kay Iska, pagkasabi “Salamat.” sambit nang nakangiti at pagtanggap ni Iska. “Magkwento ka naman para mas lalo natin makilala ang isa’t isa.” paguumpisa ni Analyn sa bagong mapaguusapan, “Hmmm.. Tungkol saan ba?” pag-aalangan ni Iska. “Tungkol sa iyo, sa inyo at kung bakit sila ang kasama mo?” paglilinaw ni Analyn, “Aaah… Ulila na kasi kami pare-pareho kaya mga bata palang kami sa lansangan na kami pinagtagpo-tagpo at hindi na naghiwa-hiwalay.” paguumpisa ni Iska. “Talaga? Ako rin naulila na.” tugon ni Analyn, “Ano ba ang nangyari sa iyo at sa inyo?” muling tanong ni Analyn. “Sa pagkakaalala ko e naaksidente raw ang mga magulang ni Henry noon at wala silang kamaganak dito kaya palaboy laboy na siya at nakilala niya si Roly na nagpalaboy laboy nalang rin kasi naulila sa nagkasakit na tatay niya at ang nanay naman niya nayumao na noong pagkapanganak pa lang sa kanya dahil sa komplikasyon at hindi rin niya alam kung saan makikituloy dahil sa probinsya sila noon nakatira at dito nagtrabaho ang tatay niya noon kaya isinama siya at wala talaga siyang makakasama, samantalang si Paolo at Dino ay magkaibigan at magkapitbahay na noon pa man pero sa kasawiang palad ay natupok ng sunog ang mga bahay nila at nasama roon ang mga magulang nila dahil maliliit pa sila at nagkasya sa mga maliliit na espasyo ay minabuti ng mga magulang na unahin sila upang makatakas subalit hindi na narescue ang mga magulang nila.” mahabang sanaysay ni Iska, “Nakakalungkot naman pala, hmmm… Ikaw? Wala ka naman binanggit tungkol sa iyo ah?” tugon ni Analyn. “Ako? Ah… Sa ampunan ako nanggaling.” malungkot na sambit ni Iska, “Sa ampunan? Paano nga?” pangungulit ni Analyn. “Sanggol pa lang ako nang iniwanan raw ako sa tapat ng bahay ampunan kaya wala akong alam tungkol sa tunay na magulang ko o pagkatao ko, basta noong tatlong taon ako ay may nag ampon sa akin na mag-asawa na hindi magkaanak. Pero nang tumuntong ako ng pito ay nagkaanak na sila at mula noon ay iba na ang naging trato nila sa akin bilang ampon siguro ako, minamaltrato nila ako kapag nagkakamali ako sa utos nila at hindi pinapakain. Puro masasakit na salita lang ang naririnig ko sa kanila, kaya nang mag siyam na taon ako ay tumakas ako at nagpakalayo layo at doon ako nakita ni Henry sa kalsada na walang patutunguhan at mula noon parang mga nakakatanda ko na silang kapatid na nakaalalay sa akin.” mahabang buod muli ni Iska, “Grabe! Kakaiba pala ang kwento niyo bago magkakila-kilala.” hindi makapaniwala na tugon ni Analyn. “Paano ba ‘yan, napasarap ang kwentuhan natin.” pagputol ni Analyn, “Oo, tara ihahatid na kita pauwi.” tugon ni Iska. Pagkababa nila ay nakauwi na pala si Henry at Roly, maging si Dino ay kararating lang. “Ang tagal ng tsismisan niyo ah?” pagbibiro ni Paolo, “Oo nga, inabutan ko pa kayo?” dagdag ni Dino. “Kaibigan mo?” tanong ni Henry, “Oo, hahatid ko na siya.” tugon ni Iska. “Paolo samahan mo sila.” napalingon sila kay Henry pagkasabi at ganun na nga ang ginawa ni Paolo dahil baka abutan na naman ng dilim si Iska bago makabalik at gabi na rin, balak pa magmaktol ni Iska ngunit hindi na niya tinuloy. Habang nasa daan, nagkwentuhan lang si Iska at Analyn habang naka sunod lang sa kanila si Paolo. “Bukas pala ay holiday, wala akong pasok. Pwede ba tayo lumabas?” tanong ni Analyn, “Oo ba! Para makalabas naman ulit ako.” tugon ni Iska. “Sige, dito na ako. Papasok pa ba kayo?” saad ni Analyn nang nasa tapat na sila ng kanyang bahay, tiningnan ni Iska si Paolo at kumunot ang noo nito at sabay bahagyang umiling na medyo ikinasimangot niya. “Hmmm… Hindi na, pupuntahan na lang kita bukas at susunduin siguro. Anong oras ba tayo?” tugon ni Iska, “Bago siguro mag tanghali ay pwede ka na pumunta, depende sa iyo.” magiliw na sagot ni Analyn. “Oh sige, uuwi na kami.” tugon ni Iska at umalis na sila, “Mukhang mapapatagl na naman ang kwentuhan niyo kaya hindi na ako pumayag, huwag ka na magtampo at narinig ko naman na sabi mo magkikita pa kayo bukas.” biglang pambasag sa katahimikan na tinuran ni Paolo habang naglalakad. “Oo nga.” sambit ni Iska nang pabulong, “Magpaalam ka na agad kay Henry pag uwi para wala nang problema bukas.” tugon nito at tumango na lamang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD