Closer to each other

2175 Words
Kinabukasan, maaga na agad si Iska gumayak para makapunta sa bahay ni Analyn bago pa man sumapit ang alas onse ay balak na niya magtungo roon. Kinagabihan pa lang ay nagpaalam na siya kay Henry tulad ng ipinayo ni Paolo nang nasa daan pa lang sila, marami man itong naging tanong ay hinayaan na niya para pumayag at sa huli ay hindi na ito tumutol. “Kumain ka muna.” saad ni Henry, “Hindi na siguro.” tugon ni Iska. “Kakain ka o hindi na kita papayagan?” saad nito, “Hala?” sambit niya. “O hindi kaya ay sasamahan ko na lang kayo?” dagdag pa nito, “Heto na nga at kakain na.” tanging nasabi ni Iska. “Magsabi ka kaagad kapag nagkaproblema dahil mukhang pareho kayong takaw disgrasya.” habilin ni Henry habang kumakain na sila, “Paano mo naman nasabi?” nakasimangot na tugon ni Iska. Tumawa lang nang mahina si Henry, “Kahit noon pa man e lagi kami nalilintikan kay Henry dahil laging nawawala ka at kung saan napupunta.” nakatawang saad ni Paolo. “Kamuntikan pa nga ‘yan makuha ng puting van.” natatawa na sabi ni Dino. “Diba, siya ‘yong dinukutan mo? Na iniligtas mo dahil muntik na rin ma-rape? At siya rin kasama mo noong muntikan na kayong mabangga ng kotse?” natatawa na singit ni Roly. “Oo na! Tanghali na ah, nandito pa kayo para mang-asar?” inis na tugon ni Iska, “Holiday kasi at wala rin kaming pasok.” tugon ni Roly. “Kaya mo nga rin ako napapayag e.” dugtong pa ni Henry. Napabuntong hininga na lang si Iska nang maalala iyon, “Oo nga, ok.” tanging na bigkas niya. Matapos kumain ay akmang aalis na si Iska, “Ihahatid ka ni Dino.” saad ni Henry. “Hindi na.” sagot ni Iska, “Sige, huwag ka na umalis.” tugon nito. “Oo na nga e bilisan mo diyan Dino.” inis na pagkakasabi niya, “Mamaya ay magsabi ka agad at impuntong alas otso dapat nasundo ka na ni Paolo.” muling bilin ni Henry. “Ano ba naman ‘yan? Bakit naman may pa hatid at sundo pa? Trip nyo?” nagpupuyos na sambit ni Iska, “May angal ka?” tugon ni Henry. Nakatitig siya rito nang nakakunot noo, “May nangunguha raw kasi ngayon ng mga bata at babae na kinukuhanan ng organs.” singit ni Roly. “Nag-aalala lang naman sa iyo kaya huwag ka na makulit.” dugtong ni Paolo, hindi na kumibo si Iska. “Tara na, baka magbago pa timpla ni Henry at hindi ka lalo makalabas.” pag-aya ni Dino, nagka tinginan lang ang tatlo na umiiling at natatawang tiningnan si Henry at sinamaan lang sila ng tingin nito nang naka alis na si Iska at naunang lumakad palabas ng pinto. Nang makarating na sila ay agad siyang pinag buksan ni Analyn ng pinto, “Aba! Nandiyan ka na pala, pasok ka.” bungad nito. “Sige, mauuna na ako. Tulad ng sabi ni Henry ay magpasundo ka raw kay Paolo, mag ingat kayo.” pagpapaalam ni Dino, “Oo na sige, mag-ingat ka rin.” tugon ni Iska. “Sige, ingat ka.” sambit ni Analyn na ikina-tango na lang ng ulo nito bago umalis. “Saan ba tayo ngayon?” tanong ni Iska, “Mag-mall na lang tayo kaya?” tugon ni Analyn. “Hmmm… Ano ba gagawin natin doon?” muling tanong niya, “Basta, mag-iikot lang tayo at mamimili.” sagot nito habang nagsusuot ng sapatos. Hindi na umimik si Iska, “Sagot kita ngayon, huwag ka mag-alala.” magiliw na tinuran ni Analyn kay Iska. “Sige, sabi mo ah.” saad ni Iska, “Tara na!” pag-aya ni analyn. Habang nasa daan sila ay hindi maiwasan ang may mapatingin sa kanila, dahil nga sa lalaki pumorma si Iska at laging nakapamulsa pa at samantalang si Analyn naman ay nakakapit pa sa braso niya na tila nobya niya. Naka three-quarter shorts with side pockets si Iska at pinares niya ang flat rubber shoes, naka loose white plain shirt lang rin siya at naka cap. Si Analyn naman ay naka high waisted maong ripped jeans at crop top, naka 2inch sandals rin ito at sling bag. “Pinagtitinginan tayo.” bulong ni Iska, “Ang ganda at sexy kasi ng kasama mo tapos ikaw para kang lalaki kaya akala siguro mag jowa tayo.” natatawang bulong rin nito. “Paano ka naman naging sexy e ang iksi ng biyas mo?” tila pang-aasar ni Iska na ikinatanggal ng kamay ni Analyn sa kanyang braso sabay simangot siyang tiningnan, “Ang yabang mo ha? Porket matangkad ka?” inis na sambit nito. “Hindi naman ako matangkad, nasa 5’4 lang rin naman ako.” nakangisi na tugon ni Iska kay Analyn, “Oh, edi ako na 4’11 okay ka na? Pero 5’1 ako ngayon dahil naka heels ako.” mataray na saad ni Analyn. “Oo na.” tanging sagot ni Iska habang natatawa, “Tara na nga! Nang-aasar ka lang e.” inis na usal ni Analyn sabay hatak sa braso ni Iska papasok sa isang store. “Ano gagawin natin dito?” tanong ni Iska, “Maghahanap ako ng mas mataas na sapatos para hindi mo ako inaasar sa height ko.” saad nito. “Seryoso ka? Baka sumakit lang paa mo diyan.” tugon ni Iska, “Kapag ikaw nahirapan maglakad ah walang sisihan.” dagdag pa nito. Nang nakabili na nga si Analyn ay agad na niya itong isinuot at ang sapatos na suot niya na lamang ang ipinabalot niya, ngayon ay 4inches na ang suot niya. “Oh, ano ka ngayon?” taas noong saad ni Analyn kay Iska dahil hanggang tainga na siya nito, “Basta huwag ka magrereklamo, ang sabi mo pa naman ay maglalakad-lakad tayo.” nakangisi na tugon nito. “Kumain na nga muna tayo.” tugon ni Analyn, nagtungo sila sa isang fast food chain. Nagkukwentuhan lang sila habang kumakain, “Bakit nga pala wala kang kasama sa bahay?” tanong ni Iska. “Ah oo. Hindi ba sabi ko ay ulila na rin ako.” tugon ni Analyn, “Oo, pero bakit ba at ano naman ang nangyari sa iyo?” sagot nito. “Hmmm… Ang naikwento mo lang sa akin ay ‘yung tungkol sa nobyo mo na hiniwalayan mo dahil nanggugulo ang ex niya sa inyo pero sa nakaraan mo mismo ay wala.” dagdag pa ni Iska, “Ang totoo niyan, sundalo ang tatay ko at ang nanay ko naman ay isang guro.” tugon ni Analyn. “Oh?” gulat na sagot ni Iska, “Kasama sa nasawi ang aking ama noon sa isang giyera, hindi naglaon ay nagkasakit ang aking ina dala siguro sa lungkot at bagong panganak pa naman siya sa akin noong mga panahon na nabalitaan niya ang tungkol sa bagay na iyon” malungkot na dugtong nito, “Ay, ganon ba? Pasensya ka na at napaalala ko pa.” malungkot na tugon ni Iska. “Ayos lang, tanggap ko naman na iyon at wala kang dapat ihingi pa ng tawad.” nakangiti na sagot nito na ikina-tango na lamang ni Iska, “Mula noon ay ang ninong ko na at ninang na matalik na kaibigan ng mga magulang ko ang kumupkop sa akin, pero pagtungtong ko ng dyese-otso ay bumukod na ako kaya mag-isa na lang ako.” pagpapatuloy ni Analyn sa kwento niya. “Nahihiya na rin ako sa kanila, at gusto ko na matuto sana mag-isa. At higit sa lahat ayoko na maalala ang nangyari sa kaibigan ko na anak nila.” dagdag pa niya, “Kitang kita ko kasi kung paano siya pinahirapan ng sakit niya, sa mismong kwarto niya na minsan ako ang nagbabantay sa kanya. Sobrang close kami ni Angel kaya kahit na alam ko na sana kasama ko ang mga magulang niya na nagmomove on ay pagkalipas lang ng tatlong buwan ay minabuti ko na umalis na doon.” pagtapos niya sa kwento. “Ah, kaya pala.” tanging nasagot ni Iska, “Oo, kaya nga masaya ako na may bago na ulit akong kaibigan sa katauhan mo. Kahit na kabaligtaran kayo, kung anong hinhin niya at bungisngis ay siya mo naman na lamig magsalita at kilos lalaki. Haha!” natatawang tinuran nito. “Ganoon talaga.” nakangisi na tugon ni Iska, “Siya lang rin ba talaga naging kaibigan mo mula noon?” muling tanong ni Iska. “Hindi, dalawa sila ni Daniel. Kamag-aral namin siya, lagi rin namin kasama. Kaso nga lang bago pa magkasakit si Angel ay naaksidente siya kasama ang mga magulang niya.” muling tugon ni Analyn, “Nako, pasensya na ulit at natanong ko pa.” saad ni Iska. “Wala na iyon, ayos nga lang. Basta huwag ka na matatakot na kaibiganin ako dahil sa mga nalaman mo ah? Haha!” pabiro na tugon niya, “Napaisip na nga rin ako na ipagpatuloy ang pag-iwas ko sa iyo.” pagbibiro ni Iska. “Ayan na nga ba ang sinasabi ko e!” sambit ni Analyn sabay hawak sa noo, “Haha! Biro lang naman syempre.” tugon ni Iska. Pagkatapos nila kumain ay saglit pa sila na nag-ikot, namili sila ng magkapares na T-Shirt nila magkaiba nga lang ang style. “Seryoso ka ba dito?” nag-aalangan na tanong ni Iska, “Oo nga! Sabi ko naman na sagot kita e.” tugon ni Analyn na ikina-tango na lamang niya. Maging sapatos at pants ay bumili rin sila, magkaiba man ang style ay iisa ang kulay at design o burda. “Ayos na siguro ito.” saad ni Iska, “Oo, tara na at parang masakit na nga ang paa ko.” tugon nito. “Kung bakit kasi ganyan ang binili mo at isinuot e nagbibiro lang naman ako, isuot mo na lang ang rubber shoes na binili mo.” nag-aalala na tugon ni Iska, “Hindi na, kaya ko pa.” tugon ni Analyn. Napabuntong hininga na lamang si Iska, “Tara na, uwi na tayo.” pag-aaya ni Analyn. Pauwi na sila nang ininda na talaga ni Analyn ang sakit ng paa niya, hindi siya sanay maglakad nang matagal na ganoon kataas ang suot na sapataos. “Sabi ko naman kasi sa iyo e ang kulit mo kasi.” paninisi ni Iska, “Pumasan ka na lang sa akin tutal nandito na tayo sa kanto niyo.” dagdag pa nito. “Huwag na.” pagtanggi ni Analyn, “Bilisan mo na para makapagpahinga na tayo.” pagpupumilit ni Iska at wala na nagawa si Analyn, “Pasensya ka na ah.” bulong ni Analyn. “Ayos lang, hindi ka naman masyado mabigat. Ang payat mo na, ang liit mo pa.” tugon ni Iska. Napahampas naman nang mahina si Analyn kay Iska sa balikat pagkasabi nito, “Ang sama talaga ng ugali mo minsan e nu?” pagmamaktol na sagot nito. “Huwag ka na magreklamo baka bigla kita ihagis diyan.” natatawang sagot ni Iska, “Oo na bilis, hiya! Tigidig tigidig. Haha! Bilis mo!” nang-aasar na biro ni Analyn. “Ihuhulog talaga kita, tignan mo.” tugon ni Iska, nagtawanan na lang silang habang nasa daan. Pagkarating nila sa bahay ni Analyn ay binaba na siya ni Iska, nandoon na pala si Paolo at nakaabang. “Oh, nandito ka na?” nagtataka na tanong ni Iska, “Oo, mag aalas otso na e kaya pinapunta na ako ni Henry dito.” sagot ni Paolo. “Gusto niyo ba na mag juice muna sa loob?” tanong ni Analyn, “Hindi na, pumasok ka na sa loob at magpahinga. Uuwi na rin kami.” tugon ni Iska. “Sige, mag ingat kayo at salamat sa oras.” saad ni Analyn, “Oo, salamat rin. Ingat ka rin.” Paalam ni Iska at sumenyas lang si Paolo kay Analyn bago sila umalis. “Ang sweet niyo naman kanina.” nang-aasar na saad ni Paolo, “Ang lakas kasi ng loob mag mataas na sapatos pagkatapos hindi naman niya pala kaya, binuhat ko na lang siya pagdating sa kanto dahil halos hindi na siya maka-hakbang e.” tugon ni Iska. “Ahhh… kaya naman pala.” tila naliwanagan na sagot ni Paolo, “Kumusta naman ang lakad niyo?” dugtong na tanong nito. “Ayos lang, ngayon lang ako nakagala na babae kasama. Shopping ang trip, medyo masakit sa paa na medyo nakakahilo.” tugon niya. “Hahaha! Alam mo na pakiramdam namin sa iyo. Kapag iba trip mo!” nangiinis na tugon nito, “Hindi naman ako ganoon!” pagmamaktol niya. “Mas malala lang siguro siya. Haha!” dagdag pa nito, “Masakit ba paa mo? Buhatin na rin kita? Hahahha!” dugtong pa nito. “Ewan ko sa iyo!” tugon niya at binilisan maglakad, sinundan lang siya ni Paolo habang natatawa lang dahil nainis na naman niya si Iska.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD