twin sister

899 Words
Halos madapa na si Analyn sa pagmamadali dahil malapit na siyang ma-late sa kanyang trabaho, tatlong buwan pa lamang siya sa trabaho niya ngayon sa isang kompanya ng isang hindi pa naman tanyag ngunit kilala na rin na pabrika ng mga sapatos. Ngayon pa naman daw ipapakilala ang anak ng may-ari na magiging susunod na tagapagmana, at maging ang usap-usapan na kasintahan nito na anak ng matalik na kaibigan ng mga magulang niya at kapwa shareholder dito ay kasabay na ipapakilala sa kanila. “Excuse me po.” magalang na paghingi ng daan ni Analyn upang makapasok sa elevator, nasa loob ang dalawang lalaki at isang babae na hindi niya pamilyar ang mukha. Iniisip niya na dahil siguro medyo bago pa lamang siya kaya hindi niya noon napapansin ang mga ito, ngunit may halong pagtataka at kuryosidad siya kaya inobserbahan niya ang mga ito at sinusulyap-sulyapan. Ang isang lalaki kung titignan mo ay mukha itong private bodyguard sa kadahilanan na may walky talky radio sa may sinturera at sa pigura nito at tangkad na nasa 6 feet, ang isang lalaki naman na naka-suit ang tila nagpatigil sa kanyang ulirat at napatitig siya rito nang bahagya dahil sa taglay naman nitong kagwapuhan na may matangos na ilong at malamlam na mga mata ganoon rin ang tikas dahil na rin sa katangkaran nito na mga nasa kulang-kulang na rin sa 6’0 ft. Subalit ang kasama nitong babae na nakakapit ang kamay sa braso nito ang mas nakaagaw ng pansin ni Analyn nang mapa-baling ang paningin niya rito, para bang nakita na niya ito kung saan at nakilala na niya. Hindi niya matandaan ngunit iyon ang pakiramdam niya kaya mas tinitigan niya pa ito mula ulo hanggang paa. Mahaba ang buhok nito lagpas sa balikat at diretsong diretso na kulay ash blonde, naka above the knee na white fitted skirt ito na pinatungan ng yellow and black floral office coat. Sakto lang ang maliit na ilong nito na may katangusan rin at bilugan ang maliit na mukha at maging ang mga mata, halatang may kataasan na rin ito ngunit dahil naka heels ito na nasa 3inches kaya ani mo’y model sa sobrang tangkad tingnan. Halos ilang segundo niya itong tinitigan at napabulong sa isip nang napagtanto, -“Bakit parang kamukha siya ni Iska?”- pagdating sa ikalawang palapag ay tumunog na ang hudyat ng elevator kaya agad nang lumabas si Analyn. Dumiretso na sa opisina si Analyn kahit na naguguluhan sa nakita niya, naupo na siya sa kanyang office chair at agad nang nag-check ng mga paper reports na kailangan na niya matapos na nasa kanyang table. Nangangalahati pa lamang si Analyn sa kanyang ginagawa ay pumasok sa kanilang opisina ang head manager nila upang i-anunsyo na kailangan nila magpunta sa conference room dahil ipapakilala na sa kanila ang anak ng kanilang boss, biglang kinabahan si Analyn sa hindi niya malaman na dahilan at nag-ayos na ng sarili upang sumunod sa mga katrabaho papunta roon. Ilang minuto pa ang lumipas at nasa conference room na sila, papasok na raw ang anak ng kanilang boss at ipapakilala na ito sa kanila. Nagtayuan na silang lahat nang humudyat na ang emcee dahil papasok na ang kanilang boss kasama ang anak nito, halos dumagundong ang kabog ng dibdib ni Analyn nang masilayan niya ang mga nakasabay niya kanina sa elevator ang nakita niya na kasama ng kanilang mga boss na paakyat rin sa hindi naman ganoong kalakihan na entablado sa conference room nila. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ito kamukha ni Iska dahil mas nakita niya nang mas malinaw ang mukha nito sa monitor ng projector, talaga nga naman na mas naaninag niya ang pagkakahawig nila kahit na naka light make up pa ito at iba ang kulay ng buhok at mahaba rin kumpara sa maiksi at itim na buhok ni Iska. Mapapansin lamang na mas maputi at makinis ito kumpara kay Iska dahil laki ito sa karangyaan ngunit taglay rin naman ni Iska ang kaputian at kakinisan na natural kaya hindi mapagkakaila na magkamukha silang talaga, subalit sa palagay niya ay wala naman itong alam sa kanya o hindi rin lang siguro nila alam ang tungkol sa kanya. Malabong kilala nila ito, tanging ayun lang ang tumatakbo sa isipan niya at wala na siyang maintindihan sa mga naririnig niya sa paligid dahil naguguluhan siya. “Everyone, please welcome. The son of our beloved Mr. Mikael Ignacio Sr. Give a round of applause for Mr. Mikael Ignacio Jr.” nag palakpakan ang lahat matapos ipakilala ang anak ng isa sa shareholder nila, “And now, the waiting is over. Let us welcome and give another round of applause for the soon to be the new CEO of our company, no other than the daughter of Mr. Antonio Del Mundo. Everyone, Miss Cassandra Del Mundo!” muling nag palakpakan ang lahat. “Hoy! Analyn, ano nangyayari sa iyo at tulala ka lang jan?” bulong ng katabi ni Analyn, “A-Ah? Ah, wala. Namangha lang ako ang ganda pala kasi ng anak ng boss natin.” pagbalik sa ulirat na pagdadahilan ni Analyn. “Oo nga e para siyang modelo ano?” pagsang ayon naman nito. Tumango nalang si Analyn at ngumiti, ngunit nalilito talaga siya. Natapos na ang conference at nagtungo na sila sa kani-kanilang opisina, pinilit na ipagpatuloy ni Analyn ang kanyang trabaho bagama’t naguguluhan talaga siya sa mga nasilayan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD