Inosente ang tingin na ibinigay ni Maimin kay Velentina. Halata sa mukha nito ang pagkaasar at kung may kinaaasaran man ito, sigurado si Maimin na siya 'yon.
Wala naman siyang ginagawang masama pero bakit tila yata lagi siyang nasasangkot sa gulo? Heto nga't tahimik lang siyang nakaupo rito pero may dumating pa rin na problema.
"Uuuh... ...sino po ang hinahanap niyo?" Kunwari na lang wala siyang alam, baka sakaling umalis din ito kapag hindi niya pinansin.
Kaya lang wala e, sadyang matigas ang mukha ng kalaban.
"Don't play dumb with me here! I know you recognize me," galit na sighal nito sa kaniya.
Mabait siyang cherubim subalit, kung naghahanap ito ng suntukan, hindi niya ito uurungan! Aba, kahit na mababait ang mga anghel mayroon pa rin silang karapatang magalit lalo na kung ang kaharap niya ay gaya nitong isang unresonableng tao.
Kunot noong tumayo siya sa kinauupuan at matapang na hinarap ang babae. "Sandali lang at mawalang galang na. Sa pagkakaalala ko wala na akong atraso sa 'yo. Oo at nabangga kita at narumihan ko ang damit mo kanina pero sa tingin mo hindi ka pa ba nakabawi no'ng ibinuhos mo sa 'kin ang inumin ko? At tiyaka, kung magalit ka parang may atraso ako sa buong pamilya mo?"
"Tingin mo wala?! Nang dahil sa 'yo napahiya ako sa taong importante sa 'kin!"
Lalong lumalim ang kunot ng noo ni Maimin. Hindi niya alam ang mga batas sa mundong ito at lalong wala siyang alam sa pakikitungo sa mga tao kaya natural lang na hindi niya alam ang gagawin niya.
"Kung gano'n anong gusto mong gawin ko?"
Umismid si Valentina. "Leave. Kranz. Alone. And stay away from him!"
Kranz? Kung ganoon may kinalaman pala sa kanya ang mga nangyayari. Kunsabagay, mukhang magkakilala ang dalawa base na rin sa usapan ng mga ito kanina. Sayang lang at hindi niya gaanong maintindihan ang sinsabi nito.
"How funny." Kasunod ng tinig na ito ay ang mabibigat na hakbang. Tila nag 'pause' ang lahat nang makita nila ang papalapit na si Kranz. "Leave me alone? Who give you the rights to meddle in my life and warn people around me? I didn't know that you can be this disgusting Valentina."
"Kranz!" Disgusting? Tinawag siya nitong disgusting? Bakit!? "You said I'm disgusting? Aren't you the one who played me around because of a bet?"
"You know very well that I am playing Valentina. You joined in the fun and plan to make me kneel under your feet." He smirk. "Do you think I am stupid to be played in the palm of your hand?" Tumayo siya sa tabi ni Maimin, sinuri ito at nang makitang ayos lang ito muli niyang hinarap si Valentina. "You want her to leave me alone? Why, what does my business have to do with you? We're not even friends."
"How can you say that to me!? I like you!" naiiyak na turan ni Valentina.
"You like the fame and being sought after. You said you like me but you have the guts to tell your friends that I am nothing but a crazy guy." He gave her a mocking smile.
"You heard—"
"Heard it all."
"Are you blaming me?"
Umiling si Kranz. "I never blame you. I never cared from the beginning. So don't start controlling my life because you don't have the rights."
Valentina fell silent for a while, then let out a creepy smile. "Do you think you can just ditch me like this? Kranz, kranz. The moment you kissed me that day. I already consider you mine!" She glared at Maimin before pulling her friend to leave.
Want me to let go? Then do everything you can to make me!
Mabilis ang lakad ni Valentina at kamuntikan pa niyang mabangga ang sales lady na may dalang pagkain at inumin. Nagtatakang sinundan ito ng tingin ng sales lady, tiningnan ang dalawa niyang customer at nang makitang wala namang mali sa mga ito nakahinga siya nang maluwag.
Masayang inilagay niya ang mga binili sa lamesa. Iba't-ibang tinapay at iced tea. "Kain po muna kayo."
"No need," sagot ni Kranz. "Pack everything she tried and send it to this address." Iniabot niya rito ang isang card kasama ng isang bank card.
Mabilis namang kumilos ang sales lady. After she swiped the card and complete the payment, abot tengang ngiting ibinalik niya kay Kranz ang card. Walang emosyong kinuha nito 'yon saka tumalikod paalis.
Pasimple namang kumuha si Maimin ng biscuit at tahimik na sumunod kay Kranz. Bakit ba? Gutom na talaga siya.
Ang akala niya ay hindi ito nakita ni Kranz. Kaya naman sunod na dinala siya nito sa isang magandang kainan sa loob ng mall. Elegant and fine dining ang ito at mukhang palasyo ang disenyo nito. Pula ang cover ng mga upuan na nakapalibot sa kulay itim na mesa. Maliwanag din ang maliliit na crystal chandelier sa paligid, at sinamahan pa ng maliliit na ilaw na nakasabit sa dingding. Kakaunti lang ang kumakain sa naturang kainan pero hindi pa rin sila nakaligtas sa tingin ng mga tao.
Although Kranz is wearing a casual style clothes, it didn't hide his enate noble aura, meanwhile Maimin looks like an angel who strayed on earth. nakadagdag pang lalo sa kagandahan niya ang suot niyang puting damit. Hindi na kasi siya pinagpalit ni Kranz ng damit.
Agad silang sinalubong ng waiter at tinanong kung saan nila gustong pumwesto. Pinili ni Kranz ang medyong tagong parte ng restaurant. Iniabot sa kanila ng waiter ang menu.
Ano to?
Kulang na lang idikit ni Maimin ang mata niya sa menu ng mga pagkain. Walang siyang nakikitang pamilyar na pagkain, meron man hindi naman niya alam ang tawag.
"Kranz." Nagtatanong na tiningnan siya nito. "Ikaw na lang ang magsabi sa kanila, hindi ko alam ang tawag sa mga pagkain dito." Inilapit niya ang ulo rito at pabulong na nagsalita. "Marunong akong magbasa, kilala ko 'yong mga letra pero kapag pinagsama yong buong salita hindi ko na sila kilala. Anong lengguwahe ba 'to bakit ang daming 'X'?"
Natatawang napailing na lang si Kranz sa sinabi ni Maimin. "French language ang tawag diyan, natural na hindi mo maintindihan. Hindi ka nga nakakaintindi ng english french pa kaya."
Maimin frown in confusion. "Ilang lengguwahe ba ang meron sa mundong ito?"
"There is actually seven thousand one hundred languages in tagalog, mayroong pitong libo at isang daang lengguwahe sa mundong ito at hindi pa kasama roon ang iba't-ibang dialect ng ibang bansa."
"Gano'n karami?" nanlalaki ang mga matang turan ni Maimin. Hindi siya makapaniwala. "Kailangan ko bang pag-aralan ang lahat ng 'yon para maintindihan ko tong nakasulat dito?"
"Sira, walang taong kayang kabisaduhin ang lahat ng lengguwahe. Iilan lang ang kailangan mong gamitin. Unang-una diyan ang universal language. English, ito ang dapat mong pag-aralan dahil karaniwan sa salita natin ay may kahalo nang english."
"Pwede ba akong matuto kasama ni master Juna?"
"Or otherwise, kukuha na lang ako ng taong magtuturo sa 'yo."
"Salamat Kranz! Mabait ka naman pala, no'ng una kasi tayong nagkakilala takot ako sa 'yo kasi lagi mo akong sinusungitan. Akala ko tuloy ayaw mo sa 'kin."
Ibinaba ni Kranz ang hawak na menu, ipinatong ang dalawang sikot sa lamesa at inilagay ang baba sa likod ng kamay niya. "Sa mundong ito bihira na lang ang mga taong magiging mabait sa estranghero. You also injured me. Speaking of which, anong ginagawa mo sa lugar na 'yon?"
"Uuh... ...nakita ko kasing mababagsakan ka na ng mga kahoy sa itaas, sinubukan kitang iligtas pero nasugatan ka naman nang dahil sa 'kin, kaya kasalanan ko."
"Saan ka galing?"
"Kagagaling ko lang no'n sa ospital at pabalik na sana ako nang makita kita."
"May kamag-anak kang nasa ospital?"
"Wala."
"Eh, anong ginagawa mo sa ospital"
"May misyon kasi ako na dapat... ...uuh, hindi ko pala dapat sabihin 'yon." Dahan-dahang yumuko si Maimin.
Kranz narrow his eyes. Mission? She said that she has mission in the hospital but she can't tell anyone. She doesn't look like someone who'll do something bad. Because of being stared at by many people with different motives natutuhan na rin ni Kranz na kilatisin ang mga taong nakakasalamuha niya kaya naman sigurado siyang walang masamang balak si Maimin sa pamilya niya.
Nevertheless it would not let his guard down. Until now he is still suspicious of her. That's why rather than let her go without knowing what she would do next or do something to harm his family, it's better to leave her by his side so he can see all her moves.
At kapag may hindi itong magandang ginawa sa kahit sino man sa pamilya niya, hindi siya magdadalawang isip na gantihan ito sa paraan na alam niya.
Naputol ang iniisip ni Kranz nang lumapit ang waiter para kuhanin ang order nila at makalipas lang ang sampung minuto ay dumating na agad ang mga pagkain.
At dahil gutom na talaga si Maimin, hindi niya na pinansin si Kranz at maganang kumain.
"Dahan-dahan lang, walang aagaw sa 'yo." Inabutan ni Kranz si Maimin ng juice nang makitang mabubulunan na ito.
"Ito ang ikatlong beses na nakaramdam ako ng gutom. Hindi pala masarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko may gumugulong sa loob ng tiyan ko," ani Maimin sabay tusok ng karne gamit ang tinidor at isinubo 'yon. "Masarap naman pala ang mga pagkain kahit na kakaiba ang pangalan."
"Ano ba ang akala mo?"
"Akala ko kasing weirdo rin ng pangalan ang lasa ng mga ito. Iyong tipong gumagalaw kahit luto na, kay noong una medyo nag-alala ako. Buti na lang mali ang iniisip ko."
Natawa na lang si Kranz. Kahit papaano masaya siyang kasama si Maimin. She's not pretentious like the girls he met.