Pagod na si Maimin.
Hindi niya inakala na nakaka-ubos pala ng lakas ang pagpapalit ng damit. Simula no'ng inalabas ni ateng tindera lahat ng damit na kasya sa kanya ay itinulak na siya ni Kranz para isukat ang lahat ng 'yon. Sa una ayos lang. Tatango ito pag gusto nito ang suot at itsura niya, iiling kapag hindi gusto at pababalikin siya sa fitting room.
At sa tingin niya pinaglalaruan siya nito. Una mga simpleng damit lang pero sumunod iba't-ibang klase na ng damit. May pang lalaki, pang babae, mahaba, maiksi, sexy, at ang malala mga maninipis na nighties. Kung may gown siguro sa tindahan siguradong hindi ito palalampasin ni Kranz.
Binuksan ni Maimin ang pinto ng fitting room at mabigat na naglakad palapit sa nakaupong si Kranz at tumayo sa harapan nito. Nakita niyang tumango ito at sumenyas na umikot siya, ginawa niya.
Isang puting damit na off shoulder with puffy sleeves ang suot ni Maimin na may pattern na ginto sa dulo at bahagyang kumikinang 'yon kapag nasisinagan ng araw. Kulang na lang flower wreath at magmumukha na itong engkantada.
Binalingan nito ang sales lady. "Is that all the clothes in her size?"
"Yes, sir. Iyong iba po hindi na kasya sa kanya," magalang na sagot nito bago sinulyapan si Maimin. Marami na siyang nakitang mga artista na maayos manamit pero ito ang unang beses na nakakita siya ng taong kayang bigyan ng aura ang lahat ng damit na suotin nito--na tila ba ginawa mismo para rito ang mga damit na 'yon.
Ang totoo niyan nagseselos ang sales lady sa kagandahang taglay ng babae. Buti na lang at straight siya dahil talagang nakakatibo ang kagandahan nito. The sales lady is into fashion and she dreamed of becoming a fashion designer when she was young. Unfortunately, hindi siya nakatuntong ng kolehiyo dahil na rin sa hirap ng buhay. She applied for this job para kahit papaano makasabay at malaman niya ang mga latest trends pagdating sa mga damit.
Pero hanngang tingin na lang siya, para sa isang gaya niyang minimum wage earner, masakit sa bulsa niya ang presyo ng mga damit dito. Minsan sa ukay-ukay siya namimili ng mga damit para makasabay sa uso. Ang ending, natabunan na ang pangarap niyang maging isang fashion designer. But looking at that girl now wearing the clothes from their store and how she carry everything she wore, somehow she felt a strong spark of inspiration.
Age doesn't matter when pursuing your dreams naman di ba? So why not try it?
Naputol ang iniisip niya nang mag ring ang cellphone no'ng guwapong lalaki.
Kranz looked at his phone, Mori is calling. He answers it with annoyance. "What do you want? I'm busy." Tumayo siya sa kinauupuan, sinenyasan si Maimin na umupo muna bago naglakad palayo.
Nakahinga nang maluwag si Maimin. Buti naman at tapos na. Akala niya mayroon pang natitirang damit na isusukat. Kung mayroon pa, talagang hihiga na siya sa sofa dala ng matinding pagod. Isa na siyang tao kaya naman nararamdaman niya na ang nararamdaman ng mga ito. Nagugutom, napapagod, pinagpapawisan at kung ano pa.
"Miss, gusto mong ikuha kita ng maiinom?" alok sa kanya no'ng sales lady. Tumingin ito sa orasan sa loob ng store, pasado ala una na ng hapon. Inabot ng dalawang oras ang pagsusukat nito ng damit. Pabalik na rin ang mga kasamahan niya galing sa lunch break.
"Pwede po ba?" malamyang tanong ni Maimin. Uhaw at gutom na talaga siya.
"Oo naman!" Masayang umalis ang sales lady para kumuha ng maiinom. Mukha namang galante 'yong customer na lalaki, pag nagkataon pwede siyang makakuha ng comission. Kaya naman nagpasya siyang pumunta sa isang pastry shop para bilhan ito ng makakain.
"—And then, what did you do?"
"Ibinuhos ko sa kanya 'yong milk tea. What else should I do?" sabi sabay tawa. "You should have seen her, she looks dumb."
"I should have gone with you. I missed all the fun."
"Well, it was supposed to be fun but then Kranz showed up and then rescued the girl, and from the looks of it...they probably know each other."
"Re—ally? I know Kranz is not the kind of guy who would casually get close to a girl. What do you think? Are they in a relationship?"
"That's impossible! She's not even his type!"
"What does she looks like anyway?"
"That... ... That's her!"
Napaigtad si Maimin nang marinig ang malakas at matinis na boses. Kanina niya pa naririnig na nag-uusap ang mga ito pero dahil hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng mga ito, hindi na lang niya pinansin. Kaya lang hindi niya inaasahan na bigla na lang itong sisigaw.
Lumingon siya, nanlaki ang mga mata at napataas ang kilay.
Ito 'yong babaeng nagtapon sa kaniya ng inumin!
"You have the nerve to show up in front of me!" Valentina strode towards her with great strides. "What is an idiot like you doing here!?"
Uuuhh... ...anong dapat isagot sa tanong na hindi maintindihan? Simple lang.
Katahimikan.