3

1193 Words
I don't understand why I am hurting so much because of him. Bakit ako apektado sa mga sinasabi niya? Dapat wala na akong maramdaman. Dapat hindi na ako nasasaktan tulad ng nangyayari ngayon! Baka sadya lang na hindi ko kaya ang pananakit na ginagawa ni Zach? Pero ginusto ko ‘to para sa aming mag-kapatid. Titiisin ko ang lahat para sa aming dalawa. Para mabuhay. Sa kaniya na ngayon ang buhay ko dahil binili niya ako. Siya ang nag-ma-may-ari sa akin. Nilinis ko ang sarili ko bago hugasan ang pinagkainan ni Zach. Sunod ay inasikaso ko si Kelly dahil ito ang unang araw na pupunta kami sa isang Doctor. Nakuha ko na kasi ang pera galing kay Zachary, ito na ang tamang panahon para maidala si Kelly sa Doctor upang matingnan ang kalagayan niya. Sa katunayan kinakabahan ako, pakiramdam ko ay hindi ko pa kaya kung anong malalaman ko tungkol sa sakit ng kapatid ko, pero sana naman ay hindi iyon malubha at magagamot agad kahit pa maubos ang lahat ng binayad sa akin ni Zach. "She has a Speech Disorder.” I hold my sister's hand and let the doctor continue to speak. "And that's rare,” "Dok Jimenes, ano po ba ang dapat gawin para makapagsalita na ang kapatid ko? Need ba ng operasyon? Or normal treatment lang?” "Hindi na ako magpapaligoy pa. Hindi namin kayang gamutin ang sakit ni Kelly. Bihira lamang ang kasong gan’yan at sa tingin ko ay hindi pa handa ang aming team para sa ganiyang case, I'm sorry, but, I suggest na mas mabuti kung sa ibang bansa mo dadalhin ang kapatid mo for better and secured treatment. Mas advance sila at baka mas may alam sila para gamutin si Kelly," "Teka lang, Dok, Wala pa kasi akong sapat na pera para ipagamot ang kapatid ko sa ibang bansa, hindi ba kayang gawan ng paraan dito sa Pilipinas?" tiningnan ko si Kelly. Nakayuko siya. Kawawang bata. Hindi man lang niya nalalaman ang nangyayari sa kalagayan. Kawawa ang kapatid ko. Hindi ko man lang magawan ng paraan ang kondisyon niya. "Ipagpaumanhin mo ako, iha, iyon lang ang magandang paraan para sa ikabubuti ni Kelly.” "Doktor ba talaga kayo? Totoo bang isa kang Doktor? Gampanan niyo naman ang trabaho niyo bilang isang Doktor! Isa kang Doktor at alam ko na kaya mong gamutin ang kapatid ko pero ipinagdadamot mo iyon sa amin! Ayaw mo akong tulungan, ayaw mo kaming tulungan!” "Iha!" Alam kong nagulat ang doktor sa sinabi ko. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa inilahad ko na salita sa isang mabait na doktor. Yumuko ako at humingi ng tawad. "Patawarin niyo po ako, dok. Sana ay maunawaan mo ako. Wala kaming pera at hindi ko alam kung gagaling pa ang kapatid ko. Napakabata niya pa para maranasan ang mga pagsubok na ganito. Hindi siya karapat dapat sa sakit na ito. Bakit sa kaniya pa?” Hindi ko napigilan ang lumuha. Tama. Hindi karapat dapat si Kelly para sa ganitong sakit. Napaka-inosente niyang bata. Mabait siya. Walang alam sa mundo at paligid. Kawawang bata. "Naiintindihan kita, iha,” "Salamat, dok,” "Kung ako sa ‘yo sisimulan ko nang mag ipon, o 'di kaya ay humingi ka ng tulong sa asawa mo, si Zach. Mayaman siya, kaya niyang ipagamot ang kapatid mo kahit saang bansa,” "Patawarin nawa ako ng diyos, Doktor Jimenes ngunit hindi ko ho yata magagawa ang ipinapayo niyo. Si Zach ay tutulong para sa kapatid ko? Napakaimposibleng mangyari ata niyan,” "Walang imposible iha, para sa kapakanan ni Kelly," "Doon ka nagkakamali, Doktor Jimenes,” Kung alam niyo lang, dok. Matagal ko nang hiniling kay Zach na tulungan ako pero matigas ang puso niya at tila bato dahil ayaw niya akong tulungan. Napakasama niyang tao. Napakasama! "Mauna na kami, dok,” tumayo ako at inalalayan si Kelly. Uuwi na kami. Wala na naman akong napala. Wala na naman! Siguro ay bukas din ay dadalhin ko sa iba pang doktor si Kelly, baka matulungan ako ng ibang doktor sa sakit niya. 3RD PERSON POV "NAGAWA ko na ang inutos mo, Zach. Tama ka nga, darating dito sa hospital ang asawa mo kasama ang kapatid niya, kakaalis lang nila ni Kelly dito sa office ko,” "Good job,” Zachary smirks. “Maasahan ka talaga,” Tama siya sa kaniyang hinala. Alam niya na pag nakuha ni Zoey ang pera sa kaniya ay pupunta ito kay Doktor Jimenes at ipapagamot ang kapatid nito. "Ano nang balak mo ngayon sa asawa mo, Zach?" tanong ng doktor. "Wala. Wala akong plano sa kaniya, Jimenes,” “Then why?” “What do you mean ‘why’?” “Bakit pinahihirapan mo pa si Zoey?” Matagal bago niya nasagot ang tanong ni Jimenes, tila bumalik ang lahat ng ala-ala sa kaniya makalipas ng ilang taon. “Gusto ko siyang magdusa. Gusto ko siyang saktan hanggang sa sumuko siya at sabihin niya sa akin ang totoo. Gusto kong iparanas sa kaniya ang dating dinanas ko noong asawa ko pa siya.” "Zach, alam mo bang dahil diyan sa ginagawa mo ay ikaw mismo ang naglalayo sa kaniya? Mahal mo pa ba ang asawa mo?" Kahit kailan ay hindi nagbago ang nararamdaman niya para sa kaniyang asawa sa kabila ng ginawa nito sa kaniya. Hindi ito nagbago. "Mahal ko si Zoey, Jimenes. Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko ang asawa ko alam mo 'yan," "Kung ganon ay kalimutan mo na lang ang nakaraan. Patawarin mo siya at magsimula kayo ng panibago. Huwag mo na siyang pahirapan pa. Imbes ay tulungan mo siya sa kaniyang kapatid, ipagamot mo si Kelly, hindi ‘yung pinahihirapan mo siya. Alam mo, diyan sa ginagawa mo, pinaparamdam mo sa asawa mo na hindi mo na siya mahal. At baka iyon pa ang maging dahilan para tuluyan ka na niyang iwan." “I transferred the money to your bank account,” “Hindi ko kailangan ng pera, Zach, si Zoey ang mahalaga ngayon, huwag mo siyang hayaan mag-isa sa problema niya. Asawa mo siya, ikaw dapat ang magprotekta sa kanila.” “Hindi pa ito ang panahon para diyan,” “Kung hindi ngayon, kailan? Hihintayin mo pa bang iwan ka ng asawa mo? Hihintayin mo pa bang mawala ang pagmamahal niya sa ‘yo? Zach, you have to think about it unless you want to be alone forever.” "Hindi, Jimenes! Hindi ako iiwan ni Zoey. Sa akin na ang buhay niya ngayon. Ako ang bumili sa kaniya. Hindi siya maaring makawala sa poder ko.” “Ayaw mo naman palang mawala ulit siya sa ‘yo, patawarin mo na si Zoey, peace your mind,” “Ang gusto ko, aminin niya sa akin ang lahat, sabihin niya sa akin ang totoo at sa pamamagitan n’on ay patatawarin ko siya." "Ngunit kung hindi niya gawin?" "Tuloy ang mga plano kong pagpapahirap sa kaniya,” "Zach, alam kong sobra ka niyang nasaktan. Hindi ka babae para maging gan’yan, idaan mo sa pagbababae ang problema, sa alak, hindi sa kaniya,” "Hindi ko iyon kailangan, Jimenes! Hindi ko kailangan ng ibang babae at alak! Siya lang ang gusto ko.” "Kung puno ng galit at paghihiganti ang puso mo, kalimutan mo na lang si Zoey, napakabuti niyang bata. Hindi niya kailangan maranasan ang mga nangyayari sa kaniya ngayon!" "Paalam, Jimenes,” Bumuntung hininga lamang siya at ibinaba na ang hawak niyang telepeno. Hindi niya nagugustuhan kung saan patungo ang kanilang pag-uusap. Mahal niya ang asawa niya. Sigurado siya doon. Pero kailangan pa rin nitong pagbayaran ang mga nagawa nitong kasalanan sa kaniya noon. "Nakamamatay ang magmahal, lalo na sa'yo, Zoey. Handa akong mamatay sa pagmamahal kong ito. Pero isasama kita dahil alam kong mahal mo rin ako, magkakamatayan kung iiwan mo ako."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD