Masaya ako kapag nakikita kong nakangiti si Kelly. Ang dami na niyang nilagay sa plato niya pero lahat ng ‘yon ay nauubos niya. Nandito kami sa paborito niyang restaurant at kumakain.
Alam ko na itong restaurant ang paborito niya dahil noong mga nakaraang araw kapag dito kami kumakain, iba ‘yung ngiti niya e. Sarap na sarap siya sa mga pagkain, nakakatampo kasi parang mas gusto niya pa ito kaysa sa mga niluluto ko sa kaniya.
"Tara na, Kelly. Uuwi na tayo,” tumingin ako sa relo ko. "Magdidilim na, hindi pwedeng maunang makauwi ang Kuya Zach mo sa bahay,"
Biglang lumungkot ang mukha niya nang maintindihan ang sinabi ko. Kailangan ko pa kasing mag sign language para lalo niya akong maunawaan. Medyo mahina rin kasi ata ang pandinig niya o talagang wala din siyang naririnig. Hindi ako sure kasi minsan kapag nagsasalita naman ako ay parang nadidinig niya ako.
Ngumiti ako para pagaanin ang loob niya. "Pero babalik ulit tayo rito kapag dinala na ulit kita sa ibang doktor, okay ba?”
She smiled. Sabi ko na iyon lang magpapangiti sa kaniya.
Umuwi agad kami pagkatapos naming kumain.
Sasakyan ni Zach iyon. Nasa garahe na ang sasakyan ni Zach. Ang aga niya namang umuwi.
"Saan ka galing?" malalim na boses niya agad ang sumalubong sa amin pagkabukas ko pa lang ng pinto ng bahay.
Nakasandal siya sa pader at naka-cross arm habang matalim na nakatitig sa akin.
"Kelly, magpahinga ka na sa kwarto mo, okay?"
Tumango siya at naglakad papunta sa kwarto niya.
"Saan ka galing, Zoey?" inulit ni Zach ang kaniyang tanong sa akin.
I just look at him in his eyes. Puno iyon ng pag-aalala, nakakalungkot lamang isipin na sa likod n’on ay poot at galit, na hindi ko manlang malaman kung bakit.
"Sagutin mo ako, Zoey! Saan ka galing? Huwag mong sabihing galing ka sa lalaki mo."
Nanatili akong hindi nagsalita. Pinagmamasdan ko lang ang perpekto niyang mukha. Zach ko. Ang minahal kong Zach. Ano nang nangyari sa kaniya? Bakit nagkaganyan siya?
"Zoey, sagutin mo ako!"
"Paano kung sabihin ko sa 'yo na galing nga ako sa mga lalaki ko,” mahinang sabi ko pero sapat lang upang marinig niya. “May magagawa ka ba?”
Mabilis na lumapit siya sa akin at mahigpit na hinawakan ang braso ko. Kasabay ng mahigpit na paghawak niya ay ang pagkirot ng puso ko. Para rin ‘yung pinipilipit sa sakit.
"You’re a liar!" matalim ang kaniyang mata na nakatitig sa akin. Para akong pinapaso ng kaniyang kamay. Para akong lalamunin ng kaniyang galit na mga mata. “You’re such a f*****g liar.” Madiin ang pagbitiw niya sa mga salita.
"Hindi ako sinungaling! Hindi ako katulad mo na sinungaling!"
Bumuga siya ng hininga. "Ako pa ngayon ang sinungaling? Babae, alam naman nating dalawa kung sino sa atin ang sinungaling. At ikaw ‘yon!” mariin niyang bigkas.
"Masyado ka yatang sigurado d’yan sa sinasabi mo, Zachary. Kahit kailan hindi ako nagsinungaling sa 'yo,”
"Talaga?”
Tila may pahiwatig siya sa kaniyang tanong sa akin.
“Oo.” Malakas ang loob kong sagutin siya dahil totoo namang hindi ako nagsinungaling sa kaniya noon pa man.
“Kaya pala nakuha mong magsinungaling sa akin ngayon.”
“Bitiwan mo ako.”
“Alam kong sa hospital ka ni Jimenes pumunta at hindi sa lalaki mo, Zoey. Sabihin mo sa akin ngayon kung sino sa atin ang sinungaling, " he sniggers.
"Paano mo nalamang galing ako kay Doktor Jimenes?"
"Huwag mo akong subukan, Zoey.”
"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kaniya.
"Alam mong hindi maganda na ako ang kinakalaban mo."
Mariin kong naikuyom ang aking palad dahil sa sama ng loob sa kaniya. Isa si Doctor Jimenes sa pinakamagaling na doctor dito sa Pilipinas at hindi ako naniniwala na hindi niya kayang tulungan ang kapatid ko.
Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat kung bakit inayawan ni Doctor Jimenes ang hiling kong gamutin niya si Kelly. Iyon ay dahil kay Zachary Montefalco. Dahil sa kaniya!
Ngumiti ako. Pinigilan kong tumulo ang lahat ng luha sa mata ko kahit na alam kong sa sandaling ito ay kusa itong papatak dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Sinusubukan kita, Zachary,” nilakasan ko ang loob ko para sabihin ito sa kaniya. “Hindi ako natatakot sa ‘yo.”
Pilit kong kinukuha ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Bitawan mo ako." Mariin kong bigkas habang tinititigan siya ng masama.
"Paano kung ayaw ko?"
"E ‘di huwag! Huwag mo akong bitiwan, Zach. Hawakan mo ako buong magdamag. Walang pipigil sa 'yo. May magagawa pa ba ako? Hindi ba ay wala? Diyan ka naman magaling 'di ba? Saktan mo ako. Saktan mo ako! Walang pipigil sa 'yo. Wala!" tinaasan ko siya ng kilay. "Ano pang hinihintay mo? Saktan mo na ako! Gawin mo! Gawin mo Zach! Di ba gusto mo akong saktan? Gawin mo! Saktan mo ako!”
Nawala ang ngisi sa labi niya, napalitan ito ng inis. Nagtagis ang kaniyang bagang sa inis. Lalong sumama ang titig niya sa aking mga mata.
Kita ko ang pagbigat ng hininga niya at inis noong binitiwan ang aking braso.
"Sa kwarto tayo," matalim ang kanyang tingin at tila nababalutan ang kaniyang aura ng itim. Galit siya.
Tumalikod siya at naglakad patungo sa aming silid.
Napabuga ako ng hininga. Mabilis kong pinunasan ang luha ko. Hinimas ko ang aking braso na namumula pa dahil sa higpit ng paghawak ni Zach.
Tama. Dapat tatagan ko ang sarili ko. Dapat lumaban ako dahil nasa tama ako.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago humakbang at sinundan si Zach sa aming silid.
Nakita ko si Zach na nakahiga sa malaking kama. Nakasandal siya sa headboard at malalim ang tingin sa akin.
"Hubad.”
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya sinunod sa inutos niya sa akin.
“Ang sabi ko hubad! Maghubad ka sa harap ko babae!”
“Ayoko!”
"You’re a slut so make a show for me, b***h. Finger yourself. Make you c*m by all yourself. Paligayahin mo ang sarili mo gamit ang kamay mo.”
Sandali akong natigilan... Ang babaw niya. Ito lang ba ang kaya niyang gawin? Napakababaw niya!
"Ano pang hinihintay mo? Hubad na! O gusto mo ipatawag ko pa ‘yung driver natin para hubaran ka?"
"Napakasama mo.”
He smirks. "Talaga? Hindi ba sanay ka naman na paligayahin ang iba't ibang lalaki? Bakit nahiya ka pa sa driver natin?"
"Hayop ka. Wala kang kasing sama, Zach,” pinunasan ko ang luha ko.
"Papatayin kita mamaya... Sa sarap, sa sakit, dito sa kama gamit ang p*********i ko kaya humanda ka. Touch yourself, woman. Faster!"
Wala akong nagawa kun’di ang maghubad.
"Good. Very good, slut. Very good.”
Sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga luha.
"Don't cry, woman.”
Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Tumutulo ang aking luha.
"Damn!" sunod sunod na mura niya. "I said don't f*****g cry, woman!”
"S-sorry,” pinunasan ko ang aking mga luha pero hindi ko mapigilan.
"f**k!" inis siyang tumayo sa kama. Saglit niya akong tinitigan at napahilamos siya sa mukha.
"Zach, please don’t do this to me,”
He just looked at me and said nothing.
“Kung anuman ang nagawa ko noon, kalimutan na lang natin please, I’ll make it up to you just please forgive me,”
"f**k you!” aniya at diretso ang lakad palabas ng kwarto.
Doon ay malaya akong napahagulgul.
Dahil sa kabila ng lahat ng ginawa niya... Bakit ganito pa rin ang t***k ng puso ko para sa kaniya? Bakit nasasaktan at naapektuhan pa rin ako sa mga sinasabi niya?
Zachary Montefalco, why are you doing this to me?
Mabilis kong pinunasan ang aking luha sa pisngi ng bumukas ang pinto.
"Zach,”
Mabilis at malaki ang hakbang niya palapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang ginawa. He claimed my lips. He kissed me. He closed his eyes while kissing me hard, passionately, pero alam kong iba ito sa halik niya noon, ibang iba ito.
Mabilis ang naging pangyayari, hinihingal siya noong kumalas sa halik. Nagmulat siya ng kaniyang mata.
"Damn it!" mura niya habang nakatitig sa mata ko.
Tinanggal niya ang kaniyang kamay sa aking pisngi.
Umiling siya at lumabas na uli.
Sobra akong clueless. Bakit niya ginawa iyon? Yung halik? Ano ‘yun? Para saan ‘yun?
Hinawakan ko ang aking labi...
"Zach," kahit papaano ay napangiti ako.
Ngayon ay naniniwala na akong kaya pang maibalik ang lahat sa dati, naniniwala akong kaya pang maibalik ang sa pagitan naming dalawa. Naniniwala na ako ngayon. Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Para na akong timang pero hindi ko iyon inalintana dahil sobra ang saya ko.