LIAM "MASSAGE my head, Nathalie," utos ko sa sekretarya ko. "S-Sir?," maang nito. "B-Bakit po ako? Si Ma'am Sele na lang po sa-" "Ikaw," giit ko sabay pikit. "E-Eh, Sir, baka po-" "Sisisantihin kita kapag hindi ka sumunod." Nagdadalawang-isip man ay sinunod pa rin ako ni Nathalie sa bandang huli. Literal na sumasakit kasi ang sintido ko dahil sa asal ng asawa kong 'to. Napakahirap intindihin. Nilalapitan na nga, aayaw-ayaw pa. Gusto ko na nga sanang makipag-ayos sa kaniya. I know how she badly wanted that round na handa ko na sanang ibigay sa kaniya kaso nag-iinarte pa eh 'di huwag na lang. Kung hanggang saan mo kayang magtiis, bahala ka. Ikaw lang din naman ang mahihirapan niyan. "S-Sir, b-baka po magalit si Ma'am. Ayoko na pong mag-massage." Matapos ng ilang segundo ay muli

