Chapter 23 : Part 1

1141 Words

SELENDRINA "DON'T!" maagap kong saway kay Liam nang makita kong tila lalapit siya sa akin at hahawak sa kamay ko. Agad din akong humakbang nang malalaki para dumistansya sa kaniya. Tumabi ako kay Miss Nath. Pauwi na kami nang mga oras na 'yon. Hindi raw kami roon magpapalipas ng gabi dahil ayaw niyang magahol sa trabaho bukas. Maayos naman kaming nagpaalam ni Lola Bielle sa isa't isa. Isang araw pa lang ang nakakalipas ay parang mami-miss ko agad ang lugar na ito. Ang gaan kausap ng matanda. Sana sa susunod, makadalaw ulit kami ni Liam dito. Naaawa kasi ako kay Lola Bielle na halatang sabik na may makakuwentuhang apo. Hay, bakit naman kasi iisang anak lang ang binuo ng mga ito? Tapos 'yong iisang anak ding iyon, iisang anak lang din ang binuo. Parang sa akin tuloy naatang ang lahat. Ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD