SELENDRINA PAGKAALIS ni Liam ay saka ko lang naalala ang mga gamit ko. Wala akong damit miski isa. Nasa hotel lahat iyon at paano ko kaya iyon makukuha? Panay tawag ko sa cellphone ng kapatid ko pero wala namang sumasagot. I wonder what they are doing right now. Baka nagse-celebrate sila ngayon ng kasal ko. Tapos ako, nandito? Kainis. Naiirita na ako sa suot ko kaya tumayo ako at nagbukas ng mga closet doon. Malaki ang kuwarto ni Liam, napaka-elegante na parang nasa isang high class hotel lang kami. May dalawang closet doon at ang una ko ngang binuksan ay iyong mas malaki. Nalula pa ako dahil sa lawak niyon sa loob at sa dami ng damit na naka-hanger. Pero puro office suit ang naroon na hindi ko mabilang kung ilang pares. Sunod kong binuksan ang isang mas maliit at napa-OMG nang bumung

