SELENDRINA "Hmmm... Yes?" inaantok na sagot ko sa kabilang linya. Bumangon ako at nag-inat-inat. Hay, ang sakit naman sa likod ang maghapong matulog. "Bruha! Ano na'ng balita? Takas pa more ng toga!" Nabuhayan ang loob ko nang makilala ang boses ng tumawag na 'yon sa phone ko. Si Jordie. "Luh?! Pa'no mo nalaman?" natatawang saad ko. "'Di ko alam na de-kotse na pala ang pamilya mo. Mayaman na pala kayo?" instead ay sagot nito. "Ano?" naguguluhang tanong ko. Narinig ko ang mahinang tawa niya. "Ikaw, ha? May nililihim ka sa 'min," makahulugang sabi ni Jordie. "A-Ano namang ililihim ko?" napapalunok na kaila ko. Hala. Huwag namang sabihing nakita niya ako no'ng araw ng graduation na sumakay ng van. "Asus! Kunwari ka pa. Akala mo hindi ko alam? Kaya pala ilang buwan ka nang hindi pu

