LIAM "ANY more suggestion?" tanong ko sa mga kasama ko sa board meeting. Nagtinginan ang mga board of directors na kasama ko. Saglit na nagbulungan bago humarap sa akin ang isa. "I think that will be all, Mr. Delaford. Ia-update na lang namin kayo if ever there will be a change of plan. But for now, we think the project is good. Depende na lang sa inyo kung papasa kapag nakita n'yo na ang location." Tumango ako at pasimpleng sumulyap sa aking wristwatch. "Alright, then. If there will be no other matter, the meeting is now closed. I have to go." Nagmamadali akong tumayo sa kinauupuan ko. Well kaninang-kanina pa nga ako nangangating iwanan ang meeting na 'yon pero hindi ko lang magawa dahil masyadong mahalaga. I'm the current CEO of Delaford's Group of Companies. We were talking about

