SELENDRINA "SYet!" daing ko nang magising ako. Sobrang sakit ng ulo ko na parang hinahati sa gitna. Hilong-hilo pa ako at hindi ko magawang buksan ang aking mga mata. "Aray! Ano ba 'to?" Naiinis na hinila ko ang aking mga kamay pero mistulang may pumipigil sa mga iyon. May malamig din akong nararamdaman sa aking mga palapulsuhan. Pinilit kong buksan ang nanlalabo ko pang mga mata. Maging mga paa at hita ko ay hindi ko rin magawang igalaw nang ayos. Oh My God! Totoo ba itong nakikita ko? O lasing pa rin ako o nananaginip? Nakagapos ang aking mga kamay at paa sa kama. Nakakadena na animo isa akong baliw na magwawala oras na makawala ako roon. Umikot ang mga paningin ko sa paligid. Pamilyar sa akin ang kinaroroonan ko. Teka ano nga palang nangyari kagabi at paano ako napadpad dito?

