SELENDRINA PABABA kami ng hagdan at panay sipat ko sa paligid kung nandoon ba si Liam. Ano kayang naisipan ng lalaking iyon at inabala na naman ang sekretarya nito para asikasuhin ako? "Let's go, Ma'am!" aya sa akin ni Miss Nath na hawak-hawak ang kamay ko. Nagtungo kami sa parking lot at pinagbuksan pa ako ng pinto ng sasakyan. "Saan po ba talaga ang punta natin?" tanong ko bago sumakay paloob. Ni hindi na niya ako pinagbihis. "Malalaman n'yo rin, Ma'am, pagdating natin doon." She was even the one who drove. Hindi na nga lang ako umimik. Alam kong hindi naman ako dadalhin ni Miss Nath sa lugar na hindi ko magugustuhan. Hanggang sa mayamaya nga ay pumasok kami sa parking lot ng isang mall. She parked the car inside at muli akong inaya para bumaba. Magsa-shopping ba kami? Ni hindi m

