SELENDRINA "NANDITO na tayo, Ma'am!" ani Miss Nath pagka-park niya ng sasakyan. Nauna siyang bumaba ng kotse ngunit inunahan ko na siya nang tangka niyang pagbubuksan pa ako ng pinto. She had exerted a lot of effort at pati ba naman iyon ay gagawin pa niya. "M-Miss Nath, what do you think we're going to do up there?" kabadong tanong ko. Para akong pangangapusan ng hininga habang naglalakad na kami pa-elevator. Umiling si Miss Nath. "Kayo na po ang tumuklas, Ma'am. Hindi ko rin alam eh." Ngunit may kakaiba sa ngiti sa kaniyang mga mata. Sa totoo lang may ideya na ako. Gusto ko lang nang may kausap para gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. I'm so nervous, doble noong gabi na unang beses kaming nagkita. At pakiramdam ko, hihimatayin na naman ako nito sa dami ng paru-parung naglalaro s

