SELENDRINA MULA rooftop ay bumaba nga kami ni Liam. Hinila niya ako papasok sa isang pinto kung saan tumambad sa akin ang isang kuwarto. Agad niyang ini-lock iyon nang nakapasok kami at malagkit na tumingin sa akin. Hinubad niya ang suot na tuxedo at isinabit sa stand malapit sa pinto. "M-Magsi-CR lang ako," ninenerbiyos na paalam ko. Awtomatiko niyang itinuro ang isang pinto na agad kong pinuntahan. Agad kong ipininid iyon pagpasok ko at sumandal sa likod. Lord, this is it. Kayo nang bahala. Kabadong sabi ko sa isip. Naglakad ako patungong sink na may katapat na salamin at doon sinipat muna ang sarili. Mukhang wala na nga akong kawala nito. Wala na akong maaaring gawing palusot sa kaniya. Sinagot ko pa ng 'I'm always ready' 'yan tuloy mukhang naniwala siya. Muli kong sinapo ang mg

