SELENDRINA
SA isang 'di pamilyar na lugar kami dinala ni Miss Nath. Sa biyahe pa lang, sinabihan ko na ang mga kapatid at magulang ko na huwag masyadong maglilikot sa pupuntahan namin. Nauna akong bumaba ng van at saglit na kinausap muna ang sekretarya ni Liam.
"Gusto ko po siyang makausap," tahasang sabi ko.
Ngumiti sa akin si Miss Nath. "Later, Ma'am. Gusto muna niyang mag-celebrate kayo kasama ng buong pamilya ninyo. Nagpa-ready na siya ng isang vicinity kung saan kayo magse-celebrate. Please take your time with your family."
"Pero, Miss Nath. I'm not ready yet. Magpapakasal na ba talaga kami? Paano-"
"If you have any question, kay Sir na lang po kayo magtanong. Sige na po at baka lumamig na ang mga pagkaing inihanda para sa inyo. Please enjoy your day."
Hindi na nga ako nakapagprotesta pa. Sa bagay, bakit ko pa kukuwestiyunin, malinaw na malinaw naman ang mga sinabi niya sa akin four months ago. See you on that day...
Hayun at muli nang hinarap ni Miss Nath ang pamilya ko. Sa isang private resort niya kami dinala at pagpasok pa lang namin ng entrance ay parang kiti-kiti nang nagtakbuhan ang aking mga kapatid. Hay.. masisisi ko ba? Ngayon lang sila nakakita ng ganito dahil ilog lang ang mayroon sa amin.
Maging ako ay pasimpleng napa-wow sa aking nakita. Pag-aari rin kaya ito ni Liam? Inakbayan ko ang aking mga magulang na noo'y panay libot ang mga mata sa paligid. Walang ibang tao roon maliban sa amin at sa mga nagsisilbing tila kanina pa nakaabang sa pagdating namin. Sa isang maganda at malawak na cottage kami inihatid ni Miss Nath. Sa mesa na nakalagay sa gitna ay punong-puno ng iba't ibang putahe ng pagkain.
"Wow! Ate, pinahanda mo ba talaga lahat ng 'to?" namimilog ang mga matang tanong ni Owen. Kahit walang pahintulot ay kumuha na ng tig-isang kapirasong fried chicken ang dalawa kong kapatid.
"Hoy, magpaalam muna kayo! Kayo talagang mga bata kayo." Huli na nang sawayin ni Nanay.
"Sa inyo pong lahat 'yan kaya huwag kayong mahiya," singit naman ni Miss Nath. "Puwede rin kayong maglibot-libot kung gusto ninyo."
Nakita kong umalis ng cottage si Miss Nath matapos magbasa sa phone nito kaya sinundan ko. Marami akong itatanong at pipilitin ko siyang sagutin ako. Ngunit hindi pa ako masyadong nakakalapit sa kaniya nang makarinig ng busina sa labas. Isang tauhan ang nagbukas ng gate at isang itim na sasakyan ang pumasok. Lahat ng mga naninilbihan doon ay naghilera ng pila sa gilid ng sasakyan. Kabilang doon si Miss Nath na halos katabi ko lang. Mayamaya pa, bumukas ang pinto ng sasakyan at bumaba ang naka-uniform na driver. Binuksan nito ang pinto ng backseat at lahat sila ay bumati at nagsitunguhan nang mula roon ay bumaba si Liam.
Para akong na-estatwa sa aking kinatatayuan. I've seen him before, I've seen a lot of his pictures in the net, pero parang ibang Liam ang nakikita ko ngayon. Bakit parang mas gumwapo at tumikas siya ngayon? Mas umaliwalas at bumata rin siyang tingnan. Malayo pa lang parang naaamoy ko na ang pabango niya. Bakit parang lumakas ng dating niya?
Well because he's really drop dead gorgeous. Aminin ko man o hindi.
Pero bago pa ako matuliro kakapantasya sa kaniya, tumungo na ako. Pero wala pang dalawang segundo nang muling nag-angat ang paningin ko. Nakalapit na pala siya sa akin at ngayon ay hawak ang balikat ko.
"Congratulations, Miss..." he said in his cold manly voice. His eyes twitched and stared at my figure sarcastically. "Suot mo pa talaga 'yang toga mo?"
Saka ko lang naalala ang ayos ko. Hay, oo nga pala. Buti hindi ako nasita ng guard sa school kanina. Dahil dapat isosoli ko pa ito. Parang akong nahiya sa lagay ko. Hindi naman ako masyadong proud na naka-graduate na ako.
"M-May I have a word?" ngunit sa halip ay tanong ko. Parang nananaginip ako nang mga sandaling 'yon. Nag-iisip pa nga ako kung paano ie-explain ito lahat sa pamilya ko pero nandito na siya ngayon at biglang nagpakita.
"About?"
Para akong maiihi nang bigla na lang siyang umakbay sa akin. Hindi lang basta akbay dahil ramdam na ramdam ko pa ang init ng palad niya sa balikat ko. May kaunting higpit ang kapit niyon na parang binabalaan niya akong huwag pipiligin ang kaniyang kamay. Lalo na when he started walking towards the cottage kung nasaan ang mga kasama ko.
"About-"
"Ate!" Natigilan ako at lingon kay Jira na tumawag sa akin. Naka-lock ang mga mata nito kay Liam na patuloy akong iginagaya sa paglalakad. May ngiti sa mga mata ng aking kapatid, kahit hindi siya magsalita, alam ko na ang nasa isip nito. Lalong hindi ko alam tuloy kung paano magsasalita.
"Hi!" Liam unexpectedly said with a handsome smile on his face. Literal na napaawang ang mga labi ko. That smile was so hypnotic. Mabait ang pagkakangiti niya at hindi iyong katulad ng ngiti niyang sarkastiko na makailang ulit na niyang ipinapakita sa akin.
"H-Hello po..." naiilang pero nangingiti pa ring tugon ni Jira. May kakaiba siyang titig na itinuon sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata. To my surprise, biglang nagtatakbo pabalik ng cottage si Jira at dinig na dinig pa namin ang sigaw niya. "Nay, Tay, andito boyfriend ni Ate!"
Mariin akong napapikit. Nakakahiya. Pagkasabing-pagkasabi niyon ni Jira ay nagsisilipan nga sila. Napasulyap ako kay Liam. Seryoso siya? Wala akong nakitang pagkainis sa guwapo niyang mukha.
"Magandang araw po," he even greeted my parents with a warm smile on his face. Tulala noon ang mga magulang ko, pati mga kapatid ko. Well sino bang hindi masa-shock 'pag in-approach ng ganitong kaguwapong lalaking ito?
"M-Magandang araw rin sa 'yo," halata ang pagkalito sa mukha ng tatay ko nang magmano pa si Liam dito at sa nanay ko. Tumingin sila sa akin. Nagtatanong. Hindi ko naman alam kung paano sisimulan ang paliwanag ko.
"Kasintahan ka talaga ng anak ko?" hindi makapaniwalang tanong ni nanay kay Liam.
Tumingin pa sa gawi ko si Liam at makalaglag panti na namang ngumiti.
"Hindi lang po kasintahan dahil bukas na bukas din ay magiging asawa ko na ang anak ninyo."
Shocks.
Para akong binuhusan ng yelo.
Napalunok ako at kahit hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon niya ay napakurot ako ng kaunti sa braso ni Liam. Ano ba naman itong lalaking ito?
Akong hirap na hirap kung paano sasabihin iyon sa mga magulang ko, samantalang siya, wala man lang second thought o pag-aalinlangan? Exactly direct to the point at walang paligoy-ligoy man lang.
Muling tumingin si nanay at tatay sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko para sa mga sasabihin nila. I know they'll be mad at me. Imagine ngayon lang kami nagpangita at kaka-graduate ko pa lang sa kolehiyo ay ito agad ang bubungad sa kanila?
"Seryoso ka? Pakakasalan mo ang anak namin?" Ngunit muli ay kay Liam bumaling si tatay. Talagang hindi lubos na makapaniwala.
"Opo," mabilis na tugon ni Liam.
Mulagat ako nang makita ang ngiti sa mga mukha ng magulang ko. They should be mad pero bakit
parang ang saya-saya pa nila? Lalo na si nanay noon na bilog na bilog ang mga mata. "Aba! Anak, naka-gayuma ka!"