NAGISING si Lorena sa kalagitnaan ng kaniyang pagtulog ng gabing iyon nang umiiyak. Tigam sa luha ang mga mata niya at halos hindi siya makahinga nang maayos. Paano ay napanaginipan niya si Sergio. Nasa basement daw ito at umiiyak ng dugo habang nakabigti. Humihingi ng tulong sa kaniya. Nang lapitan niya ito para alisin sa pagkakabigti ay biglang naputol ang ulo nito. Bumagsak sa sahig ang magkahiwalay na katawan at ulo nito na halos ikabaliw niya. Mabuti at nagising siya kaya nalaman niyang panaginip lang iyon. Pero ang hindi panaginip ay ang katotohanang wala na ang kaniyang asawa. Patay na si Sergio. “Sergio...” Umiiyak na tawag niya. Madilim ang kaniyang kwarto. Malamig. Malungkot dahil wala na siyang katabi na matutulog doon simula sa gabing iyon. Naantala ang pag-iyak n

