LABIS ang pagkagimbal ni Cedrick sa nangyari kay Sergio. Sa isang kisapmata ay nawala agad ito sa kanila sa panahong hindi nila inaasahan. Lumabas sa autopsy na nagpakamatay ang kaniyang ama at walang foul play. Walang nakikitang anggulo ang mga pulis na may ibang tao ang involve sa pagkamatay nito. Walang fingerprints mula sa ibang tao ang nakita sa basement maliban dito. Dahil sa wala pa rin sa huwisyo si Lorena ay si Cedrick na ang nag-asikaso ng burol ni Sergio. Talagang nilugmok ng problema ang nanay niya. Una, ang pagkawala ni Kakay tapos sumunod agad ang pagkamatay ng mahal nitong asawa. Sa unang gabi ng burol ay umaasa siya nadadagsa ang tao sa kanilang bahay upang makiramay. Kilala niya kasi si Sergio na maraming kaibigan. Ngunit laking pagtataka niya nang mabibilang sa

