MAY mga taong walang konsensiya na tipong walang iniisip kundi ang pansariling kaligayahan. Sila iyong kahit may masasaktan na ibang tao sa aksiyon na gagawin niya ay wala siyang pakialam basta magawa niya ang gusto. Si Sergio—isa siya sa mga taong iyon. Aminado siya na mali ang ginagawa niyang pagnanasa sa mga taong hindi dapat pero dahil wala siyang konsensiya, kahit mali ay gagawin niya pa rin. Sadyang nasa huli nga ang pagsisisi. Kung kailan huli na ang lahat at wala ka nang pagkakataon para maitama ang iyong pagkakamali ay saka mo mapagtatanto ang mga maling ginawa mo... Habang nakabigti si Sergio at unti-unting nilalagutan ng hininga ay panay ang usal niya ng pagsisisi sa isip kahit alam niya na hindi na iyon tatanggapin ng Diyos. Tanggap na niya na sa impyerno siya mapupu

