Chapter LXXVI

2233 Words

       HINDI na nagulat si Angela nang malaman niyang alam na ni Kakay ang wala na si Sergio. Ayon dito ay si Alfred ang nagsabi rito. Narinig daw ni Alfred sa umpukan ng mga tsismosa sa labas ang balita na nagpakamatay ang tatay ni Kakay. Oo, labis na nalungkot si Kakay at umiyak pa nga ito pero saglit lamang. Agad nitong natanggap na wala na si Sergio. Siguro, kahit hindi na nito maalala ang ginawa ng sariling ama rito ay nararamdaman pa rin nito sa puso ang kasamaan nito. Nalulungkot si Angela na merong mga ama na nagagawang saktan at pagsamantalahan ang isang anak na sila mismo ang gumawa kahit na sa una pa lang ay ang mga ito ang dapat na nagpoprotekta sa mga anak nito. Lalo na kay Kakay na may kakulangan sa pag-iisip. Kahit patay na si Sergio at hindi na ito makakapanakit pa o ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD