“PASENSIYA ka na nga pala kung nasaktan kita kanina, Alfred. Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko dahil feeling ko ay ikaw ang tumangay kay Kakay...” Paghingi ng paumanhin ni Angela. Dinala siya nina Alfred at Kakay sa bahay ng una. Isa iyong maliit na bahay na bungalow style. May sariling banyo, may double deck na higaan sa isang sulok. May mahabang upuan na may sandalan na yari sa plastik. Ang hapag-kainan ay maliit na parisukat na lamesa na may dalawang upuan. Meron din na Durabox cabinet na luma. Sa pagmamatyag niya sa kabuuan ng bahay ni Alfred ay masasabi niya na pandalawang tao lang talaga iyon. Nasa kabilang street lang iyon kaya nagtataka siya kung bakit hindi nila nakita roon si Kakay. Magkatabing nakaupo sina Kakay at Alfred sa mahabang upuan habang siya ay nakaupo s

