PASURAY-SURAY na pumasok si Sergio sa kwarto ng gabing iyon. Medyo naparami ang inom niya ng alak dahil biglang dumating ang mga kaibigan niya sa kanilang baranggay kahit hindi naman inimbitahan. Ganoon kasi sa lugar nila, basta may handaan sa isang bahay kahit hindi invited ay pumupunta. Siyempre, libre ang alak. Birthday kasi ni Roxanne. Sinamantala na nila ang pagbaha ng nakakalasing na inumin dahil minsan lang iyon mangyari at hindi palaging merong okasyon na kagaya niyon. Kanina ay sumuka na si Sergio. Iyon na ang naging hudyat niya para umayaw at mas piliin na magpahinga na. Hindi na rin siya kailangan sa ibaba dahil nag-aalisan na ang mga bisita. Nagliligpit na nga sina Angela at ang mga tao na inupahan nila para maging katulong nila sa gabing iyon. Ibinagsak niya ang sar

