HINDI manhid si Angela para hindi maramdaman ang panlalamig ni Lorena sa kaniya simula ng araw na naghinala ito sa kanila ni Sergio. Kasama iyon sa plano niya na ibalik ang pagdududa ni Lorena kay Sergio para muling magkagulo ang dalawa. Gusto niyang palabasin ang mga kasamaan ng mga ito. Sumunod si Angela sa ospital para tingnan ang kalagayan ni Lorena at hindi man lang siya nito kinakausap kahit panay ang tanong niya rito kung ano na ang pakiramdam nito. Naroon na rin si Cedrick na siyang nagbayad ng mga dapat bayaran. Ayon sa nurse ay kailangan ng magandang pahinga ni Lorena kaya bukas pa ito maaaring makalabas. “Cedrick, paalisin mo na nga `yang si Luna. Hindi ko siya kailangan dito.” Malamig na sabi ni Lorena habang nakahiga ito sa hospital bed. Tiningnan siya ni Cedrick na

