HINDI inaalis ni Lorena ang mata kay Joshua habang magana itong kumakain sa harapan niya ng pinainit niyang menudo kay Luna. Natatakot siya na baka kapag pumikit siya ng saglit ay mawala ito sa paningin niya. Ganoon siya kapraning. Aba, hindi niya masisisi ang sarili kung ganoon ang iniisip niya dahil mahabang taon na nawala si Joshua at hindi nagparamdam sa kanila. Ngayong nandito na ito sa bahay nila at sinabing dito na titira ay hindi na siya makakapayag na aalis ulit ito at hindi magpapakita ng sobrang tagal. Noong tumakas sa rehabilitation center si Joshua at hindi na ito nakita ay halos mabaliw siya. Bumagsak ang katawan niya dahil hindi na niya iniisip ang sarili. Araw-araw niya itong hinahanap hanggang sa tuluyan na siyang sumuko at sinabi sa kaniya nina Sergio at Cedrick

