KAHIT hindi pa rin alam ni Angela kung nasaan si Kakay at kung ano na ang kalagayan nito ay masaya siya kahit papaano dahil hindi ito ang bangkay na natagpuan sa ilalim ng tulay. Hiling niya na sana ay makita na ng mga inutusang tao ni Logan si Kakay sa lalong madaling panahon. “Kinilala na si Faye Lantin, labing-pitong taon na gulang ang bangkay ng babaeng natagpuan sa ilalim ng tulay sa isang baranggay sa Laguna. Ayon sa dalawang batang basurero ay namumulot sila ng kalakal sa may gilid ng tulay nang may maamoy silang masangsang sa may ilalim ng tulay. At nang tingnan nila ay doon na nga nila nakita ang halos naaagnas nang bangkay ni Faye Lantin. Tadtad ng saksak ang katawan ng dalagita at sinunog pa ang mukha nito...” Napahinto si Angela sa pagpupunas ng lamesa sa kusina nang m

