MAHAL kita, Angela. Mahal na mahal na kita! Iyan ang gusto kong sabihin sa iyo! Mahal kita! Sigaw ng utak ni Logan habang katabi niya si Angela na nakaupo sa may gilid ng pool. Napakatanga niya para hindi pa iyon sabihin o aminin. Hindi siya torpe o nahihiya. Sadyang natatakot siya sa kung anong iisipin ni Angela sa sandaling malaman nito ang totoo niyang nararamdaman. Natatakot siya na magalit ito at isipin na pinagsasamantalahan niya ang mga naitulong niya para rito. Baka lumayo si Angela sa kaniya o kung hindi man ay masira ang pagkakaibigan na nabuo nilang dalawa. “May kailangan din pala akong sabihin sa iyo. Sa tingin ko kasi ay sinabi ni Liya kay Joshua kung sino ako,” basag ni Angela sa katahimikan. “Ano? Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Hindi mo dapat sinasabi sa i

