Umagang-umaga, nagpa-quiz 'yung adviser namin na si Ms. Mae. Hindi pa naman ako nakapag-review. Tsk. Mabuti na lang ay pinayagan niya kaming gumamit ng cellphone para makagamit ng scientific calculator.
X^2 + Y^2--
*Ting!*
What the-- Si Pusa nag-chat. Tsk. Hindi ko dapat babasahin, kaya lang nakita ko na rin 'yung message at mediyo naintriga ako.
Him; Isang ngiti nga diyan.
Napaisip ako sa message niya. Nakikita ba niya 'ko? Napatingin ako sa may bintana. At ayun nga! Tama ako. Tsk. Mukha siyang creepy stalker. Nasa gilid siya ng bintana, nakasilip habang nakangiti na parang mamatay-matay na sa kilig. Tsk, baliw. Abnormal ba siya?
Nakakunot 'yung mukha ko sa kaniya at mediyo napapailing-iling pa. Sumesenyas ako sa kan'ya pero parang 'di niya maintindihan dahil siguro sa inunahan na siya ng pagkakilig.
Me; Umalis ka diyan, baliw! Baka makita ka ni ma'am! Lagot ka talaga sa'kin kapag nadamay ako. *Punch emoji*
Matapos kong i-send 'yon, inalis ko 'yung chat heads niya at pinilit na mag-focus sa math equation na pinapasagutan sa'min ni ma'am. Kailangan ko 'tong matapos ngayon. Bawal na kasi mag-exceed, hanggang sa oras lang 'to ni Ms. Mae. At itong lalaking 'to, ginugulo naman ako!
Him; Antayin kita mamaya sabay tayo?
Nakita ko 'yung message niya pero 'di ko na pinansin at sa halip ay nagpatuloy lang sa pagso-solve sa math.
"What are you doing there, Mr. Gomez?"
Halos lahat kami ay napatingin sa direksiyon nila. Iyung mukha ko, for the second time ngayong araw ay napakunot. Kinabahan ako! Naisip ko kasi na baka madamay ako pero...
"A-ah, wala ma'am. Nahulog lang 'tong ballpen ko. Ito po, oh. Hehe. Sige po, una na po ako." Ang pangit ng dahilan niya. Tsk.
Bago pa siya makalayo, sinalubong niya 'yung mata kong nakatingin sa kan'ya. Ngumiti siya sa'kin. Tsk. As if naman na kikiligin ako?! Bakit? Sino ba siya sa akala niya? Wala pa atang nakakapagpakilig sa'kin na totoong tao? Usually kasi sa mga palabas pa lang ako nakakaramdam no'n. Pero anyways...
"Okay, class, dismiss."
Pvtang-- Dismissal na agad? Ni hindi ko pa nga nakakalahati! Grr! Lagot sa'kin 'yung lalaking 'yun! Kung talagang may gusto siya sa'kin, sana naman isinantabi muna niya 'tong kalandian niya! Nadadamay 'yung gustong matuto, e! Tsk.
"Natapos mo?" tanong ko kay Rhana.
"Oo. Ikaw?" tanong naman niya pabalik na 'di ko na pinansin. Nayamot na 'ko. "Ano kayang ginagawa sa labas ni Gomez? Hmm, weird."
Makaraan ang pagtuturo ng ilan pang mga guro, recess na. As usual, sabay na naman kami ni Rhana. Hindi na gaanong lapitin ngayon si Rhana ng mga estudyanteng gustong magpa-picture sa kan'ya, mga hanggang tingin na lang. Ilang week na rin namang ganito. Ang pinaniniwalaang dahilan namin ni Rhana ay 'yung ginawa kong pagpapahiya du'n sa last na gustong magpa-picture sa kan'ya. Nasa tama naman kami, so...
Nagpunta sa counter si Rhana para makapamili ng kakainin namin, kaya naiwan akong mag-isa rito sa table namin.
Nasa'n na kaya 'yung lalaking 'yon? Makita ko lang siya, malalagutan talaga siya sa'kin ng hininga! Nanggigigil ako! E?
Sa paglilibot ng mata ko sa loob ng kantina, imbes na 'yung pusang 'yon ang makita ko, kay Sir Ken tumama ang mata ko! Seeing him happy, feels like I'm in so much relief, and I don't know why. He's happily talking with a group of students. Bakit parang naiinggit ako? Wishing na sana isa ako sa mga students na 'yon na parang barkadang nakikipag-usap sa kan'ya.
"Uh, ehem."
"O-oh? K-kanina ka pa ba diyan, Rhana?" Boom! Nako, patay! Pa'no na 'to? Baka kanina pa niya 'kong nakikitang nakatingin kay Sir Ken? Ugh, sh*t!
"Hindi naman. Tara, kain na tayo." aniya.
Kahit papaano ay nawala ang pagkakaba ko. Pero bakit gano'n? Bakit parang may kakaiba akong naramdaman sa sagot niya? Para bang may iniiwasan siya. Pero-- Tsk, nevermind.
After naming tahimik na kumain, bumalik kami sa classroom. Saglit na tsikahan lang with other classmates, then nagsimula na namang magklase ang magkakasunod na mga guro. After ng ilang hour, 'yung puso ko bumibilis na naman. Kinakabahan ako! At nakakainis 'yon, ha. Ganito na ang madalas kong nararamdaman pagdating sa oras ni Sir Ken!
"Magandang hapon po sa ating lahat," bati at panimula niya sa'min, at syempre gano'n din kami sa kan'ya.
Ugh, 'yung boses niya! Naiinis na talaga ako sa sarili ko! Hindi ba pwedeng alisin nang sapilitan 'tong nararamdaman? Parang nanlalambot 'yung tuhod ko kahit na 'di ko siya tingnan, at tanging sa pakikinig lang sa boses niya!
Siya 'yung last subject namin paminsan-minsan. Iyung subject niya ay Filipino. Habang nagdi-discuss siya, syempre ay tahimik na nakikinig ang lahat. Respetado siyang guro. Ni kahit ang mga kilalang mga pasaway rito sa classroom namin ay tahimik lang kapag nagtuturo siya. Well, lahat naman ng gurong pumapasok sa'min ay respetado, pero kasi iba na talaga pagdating sa kaniya. Ewan, ba't ba gano'n. Siguro dahil sa presensiya niya? Hmm, I don't really have an idea. I guess, it's just that it.
Ilang minuto pa, sa wakas ay natapos na 'yung time niya at uwian na! Hinihintay niyang mauna kaming lumabas na mga estudyante niya, bago siya. Wow.
Syempre naunang makalabas 'yung mga nasa unahan. Kami ni Rhana, paniguradong matatagalan pa. Nasa last row kami, e. Isang minuto ang lumipas, halos iilan na lang kaming nasa loob ng silid. May itinanong ako kay Rhana pero 'di niya sinagot pero batid kong narinig niya.
"Sir Ken, may tanong po si Michaela--"
"A-ano?! W-wala, ah!" Pagdi-deny ko. Naku! Kung minsan talaga ay may pagkalintek ang babaitang 'to!
"Tinatanong po niya kung kailan daw po kayo magpapa-quiz. Masiyado na raw po kasi kayong maraming nile-lesson, baka raw po mabigla kami sa rami ng ipapa-quiz niyo," sambit ni Rhana.
Nagkasalubong ang mga mata namin ni sir, nakangiti siya sa'kin. Hindi ko makayanan 'yung titig niya kaya para akong timang na paiwas-iwas ng mata sa mata sa kan'ya.
"Ah, 'yung about sa pagbibigay ko ng quiz, don't worry, 'di ko kayo bibiglain. Palagi naman tayong nagkikita sa araw-araw..."
"Huy, tumingin ka kay sir, kinakausap ka!" bulong sa'kin ni Rhana pero sa halip na gawin at sundin ko 'yung sinabi niya, tumabi pa 'ko lalo sa kaniya, palapit din sa pinto.
Hanggang sa ayun, natapos nang magsalita si sir. Nagpaalam sila Rhana at 'yung iilan pa naming mga kaklase saka kami nagkanya-kanyang lihis ng daan.
Habang naglalakad kaming dalawa, tahimik lang ako at siya rin. Ewan ko, parang kagaya lang din ng scenario kanina sa canteen, parang may iniiwasan siya.
"Uhm, wala ka bang itatanong sa'kin?" tanong ko sa kaniya habang sabay na naglalakad.
"Tungkol sa'n?" balik na tanong din niya. "Napakinggan mo ba nang buo 'yung ni-lesson ni sir?"
I was expecting na tatanungin niya about sa kung bakit gano'n ako umakto sa harap ni sir, pero hindi. Hmm, ayos na rin. Sana nga hindi niya napapansin.
"A-ah, oo, syempre naman." sabi ko saka ngumisi nang pilit.
Nagtanong siya ng about sa lesson, at sa kabutihang palad nasagot ko naman. Pinaghihinalaan ba niya 'ko? Or baka nag-ooverthink lang ako? Uh, nevermind.
Nakikinig naman talaga ako sa lahat ng mga discussion ng mga guro. Gano'n din naman sa klase ni Sir Ken. It's just-- Hindi lang talaga ako makatingin ng mata sa mata sa kan'ya. Kaya kapag sa oras na niya, palagi lang akong nakatingin sa ibaba. Pero paminsan-minsan naman ay tumitingin din ako sa kaniya, pero umiiwas lang din ng mata.
Sabay rin kaming bumyahe nito at saka lang nagkahiwalay ng daan sa kanto. Pag-uwi ko ng bahay, wala namang pagbabago, gano'n pa rin. Ang loob ng bahay ay makalat, mainit dahil lahat ng mga butas ay nakatakip, gaya ng bintana at pinto na nakasarado.
Bukas ay sabado, walang pasok at gano'n din sa linggo. Kinagabihan, nag-usap kami online ni Rhana. Nagkayayaan na mag-jogging bukas ng maaga. Gusto ko sanang isama 'yung tuta ko kaya lang wala pa siyang tali at maliit pa lang siya.
Maaga ako nagising pero naunahan pa rin ako nila Papa. Nagpaalam naman ako sa kanila kaya ayos lang at kampante akong 'di nila ako hahanapin.
"Michaela?"
Nasa labas na siya, nagtatawag. Madalas ay ako 'yung pumupunta sa kanila, pero ngayon ay siya naman. Pinapasok ko siya, nang sa gano'n ay makita niya 'yung lagay ni Mama.
Ilang linggo or buwan na atang 'di siya nakakapasok dito sa bahay dahil nga sa marami nang 'di magagandang nangyayari rito. Naiinis sa kan'ya 'yung parents at 'yung tito ko dahil siguro iniisip nilang sunud-sunuran ako sa kan'ya. Hangga't maaari, ayaw kong maramdaman niya 'yon. Iyung pamilya niya, sobrang bait sa'kin lalo na 'yung Mama niya. Sobrang welcome ako sa kanila. Nakakalungkot lang na sa pamilya ko ay ang kabaliktaran.
Nag-jogging kami, at as usual, marami ang nakakapansin sa kagandahan niya. Habang ako naman, wala lang. Well, 'di naman ako naiinggit 'no. Wala lang, parang normal lang sa'kin 'to.
"Sige, see you sa school. Bye!" Paalam namin sa isa't isa.
Pagsapit ng tanghalian, kaming tatlo lang ang nasa loob ng bahay. Ako, si Papa, at si Mama. Wala 'yung dalawang tito ko kasi nasa trabaho sila. Iyung tita ko naman, may trabaho rin 'yon. Pero madalas ay pumupunta sila rito kapag gabi kasama 'yung asawa niya, pagkagaling nila ng trabaho.
"E, walang lasa!" sabi ni Mama nu'ng sinusubuan siya ni Papa.
Ulam niya ay kalabasang nilaga lang, tapos kanin. Bawal nga kasi siya sa maaalat na pagkain. Pero kahit gano'n, wala naman kaming magagawa. E, sa bawal. Tinanong ko siya kung anong inumin ang gusto niya.
"Gatorade?" suggestion ko. Tapos ayun, tumango siya.
Sa malayong tindahan ako bumili, mabilis kung tumakbo kaya hinihingal ako nu'ng bumalik. At sa pagbalik ko, nagpresenta ako kay Papa na gusto kong ako naman ang magsubo ng pagkain kay Mama.
"O-oh, daming balahibo." si Mama habang nakaturo sa damit kong kulay pula at may mga balahibo ng pusa.
Hindi ako nakapagsalita pero sa huli, pinayagan ako ni Papa sa gusto ko. Ako ang nagsubo sa kan'ya ng pagkain niya. Maingat ako. Maliit na lang kasi kung magbuka ng bibig si Mama.
Kinagabihan, kumain din kami pero kasama na 'yung dalawang tito ko. Nandiyan din 'yung tita ko kasama 'yung asawa niya. Pagkatapos, ako na 'yung naghugas ng plato.
Kinabukasan, tanghali. Hindi ako nagamit ng cellphone, nakatingin lang ako sa sitwasiyon ng pamilya namin ngayon. Naaawa ako pero wala naman akong magawa. Estudyante pa lang ako, walang pinagkakakitaan. Si Papa, hindi na nakakapasok ng trabaho kasi binabantayan niya si Mama. So, basically, wala ngang perang pumapasok. Ang hirap, sobra. Pero mabuti na lang, may nakuhang halaga si Papa du'n sa pagtulong niya sa pagbenta nu'ng bahay ng kumpare niya. Iyon ang nagagamit namin na dapat sana ay ipapampaayos din ng bahay namin.
"Kailan niyo ba 'ko dadalhin sa ospital? Hirap na hirap na 'ko rito," pinipilit ni Mama na lakasan 'yung boses niya, pero hindi kaya.
"E, ayaw ka ngang tanggapin ng mga ospital na pinuntahan natin, e. Sige, bukas na bukas, pupunta tayo sa PGH."
Gabi pa lang, umalis na sila. Public hospital kasi 'yon sa Manila. Alam nilang marami ang mga nakapila kaya ngayong gabi pa lang, aalis na.
Sakay sila ng L300. Saka lang ako bumalik sa bahay nu'ng nakaalis na sila. Kasama ko 'yung pinsan ko ngayong gabi. At dahil nga may wifi, puro lang kami cellphone.
"Good night." sambit namin sa isa't isa saka na nagpatangay sa antok.
:Good morning!
Nakita ko 'yung chat ni pusa. Hindi ko agad ni-reply-an kasi busy sa pag-aayos. Pero nu'ng natapos...
:Morning.
Habang naglalakad ako papunta classroom, naraanan ko 'yung filipino teacher's office. Lahat ng mga filipino teacher's ay nando'n. Mabilis na nahagip ng mata ko si Sir Ken. Nandu'n siya sa may bintana at nagkakape! Hindi naman ako pwedeng mag-iba ng daan dahil ito lang talaga ang daan para makarating ako sa building namin.
Sh*t. Don't do weird things. Act normal.
Iyung tayo ko, tuwid, pati na rin 'yung tingin ko. Sakto lang 'yung bilis ng lakad ko hanggang sa malampasan ko 'yung office nila. Pero, girl! Sa gilid ng mata ko, imposibleng 'di niya 'ko nakita!
I wonder what I looked like in his eyes... My gosh! Ang pangit pa naman ng side profilw ko! Pangatlong subject namin siya ngayong araw, gosh! Mga ilang oras lang, makikita na naman namin siya! But, please self, act normal. Always remember that.
In the first two subject before him, my mind wasn't filled by what the teachers are saying. Lutang ako. I think my mind is only just for someone else.
'H'wag ka na lang umalis,' sabi niya nu'ng nalaman niyang uuwi kami sa January ni Mama at pati na ni tito. Uwian na nito nu'ng nagpasabi ako kay Rhana na sabihin sa kan'ya 'yung about sa mga kulang kong activities para sana sa pag-uwi namin ng probinsiya, du'n ko gagawin at ihahabol na lang.
Biglaan 'yon. Nagkausap kasi sila Mama pati nu'ng tiyahin niya. Umiiyak siya no'n. Sinabihan din kasi siya na du'n siya magpagaling. Half of their beliefs is... They were being enchanted. Marami raw magagaling na faith healer sa probinsiya kaya inanyayahan siya na du'n magpagaling.
Pag-uwi ko ng bahay, hindi ko maiwasang isipin 'yung sinabi niya. Nagpaulit-ulit 'yun sa isip ko.
'H'wag ka na lang umalis, dito ka na lang.' sinabi niya 'yon with matching pouting pa nga, sa pagkakaalala ko. Naiinis ako kasi bakit ganito? Bakit hindi ko maiwasang bigyan ng malisiya?
"Magandang hapon po sa ating lahat."
Nagbalik ako sa ulirat nu'ng narinig ko 'yung boses niya. Time na naman pala niya. Wala siyang sinayang na oras, nag-discuss siya kaagad...