Filled My Mind

2090 Words
Michaela's POV Maigi na lang ay hindi ako sinisita ni Sir Ken kahit na alam kong nakikita niya 'kong hindi nakatingin sa kan'ya. "Pst, hoy. Nakikinig ka ba?" biglang tanong sa'kin ni Rhana. Sinungitan ko siya sa inis. Kasi naman! Buti na lang 'di ako gaanong nagulat! Kun'di, baka maagaw ko pa ang buong atensiyon ng klase lalo na si Sir Ken! Maya-maya ay natapos na ang klase ni sir. Kahit papaano ay nawala na ang kaba ko. Buti gano'n si sir. Hindi siya gaanong nananaway. O, baka naman ay hindi niya lang ako napapansin? "O, bakit ka ganiyan makatingin?" inis na tanong ko kay Rhana na katabi ko lang. Sinisingkitan niya ko ng mata habang nakangisi. Tsk. Nang-aasar ba talaga siya? Ano bang problema niya? "Hehe, wala naman." sabi niya saka umupo nang maayos. Sunud-sunod na guro ang pumasok at nagklase hanggang sa sumapit na ang oras ng lunch break. Magkasama kaming nagpunta ni Rhana sa canteen, at sabay ring kumain. Nang matapos, hindi kaagad kami umalis. Syempre kakakain lang, alangan namang maglakad-lakad na kami? E, 'di baka sumakit na ang tagiliran namin niyan? Pareho kaming nag-ayos sa sarili ni Rhana. Siya ay nag-aayos sa mukha, habang ako naman ay nag-aayos ng pagkakatali ng buhok. Kahit busy ako sa pag-aayos sa sariling buhok, ang tingin ko ay na kay Rhana. Ang ganda niya, natural. Maputi, balingkinitan. Maganda siya mula ulo hanggang paa. Maganda rin ang kalooban. Hindi siya gaya kong minsan ay may pagkamaldita. Kahit nga 'di siya mag-ayos, maganda siya. Sikat din dito sa school. Minsan nga naiinis na 'ko kung may magpapa-picture na naman sa kaniya. Halos kasi kung minsan ay 'di na niya magawa ang mga bagay na gagawin niya dahil nahihirapan siyang tumanggi sa mga estudyanteng gustong magpa-picture sa kaniya. Nagpapasalamat na nga siya sa'kin kung minsan na hihilahin ko siya sa mga nagsisiksikang estudyanteng gustong magpa-picture sa kan'ya. Tsk. Kawawang Rhana. Buti ako 'di gano'n kagandahan. Pero alam ko, at nararamdaman ko kung mayro'ng nagkakagusto sa'kin. Hindi ako gano'n kamanhid, e. Pero rati 'yun. Iba na ngayon. Matagal-tagal na rin since nu'ng may umamin sa'kin na may gusto siya. Elementary pa ata ako no'n, senior high na 'ko ngayon, e. "Uhm... Hi, Rhana. Pwede bang, uhm, ano... Ah, kasi..." "Ano? Magpa-picture?" Ako na nagtuloy sa sasabihin ng lalaking 'to. Halatang mahiyain. Nagtalim ang bagang ko nu'ng tumango siya bilang pagsagot. "Sorry but do you know what's the meaning of privacy? As you can see, may pagkain pa sa lamesa namin, and then here you are, asking for Rhana's permission to take a picture with you?" Inis na pagkakasabi ko, nakatayo na. "Micha, stop. Hayaan mo na. Nakakahiya, oh, ang dami nang tumitingin sa'tin. Uh, hey. Sorry but next time na lang," Binitbit ni Rhana 'yung gamit niya, pati na rin 'yung pagkain niyang natira na mukhang wala nang balak na ubusin. Nu'ng nakalayo na sa labas ng canteen, sabay kaming huminto sa paglalakad at nagkaharap. "Micha, ano ka ba naman? Parang sobra naman na atang pagpapahiya 'yung ginawa mo sa tao!" Mahina ngunit may riing pagkakasabi niya. "Iyan ang hirap sa'yo! Masiyado ka nang mabait! Kahit sobra nang nai-invade 'yang privacy mo!" sagot ko. "Okay, sige. I get your point. Okay, tama na. Sorry. Hindi tayo pwedeng mag-away dahil tayo lang dalawa ang nagkakaintindihan sa isa't isa, okay?" Malumanay na niyang pagkakasabi. "Okay, sorry rin. Maigi pa, let's go back to the classroom." Sabay naming binagtas ang daan pabalik sa classroom. Ilang saglit lang ang inantay namin, nagsunud-sunod na naman ang ilang mga guro at saka nagklase. Matagal na kaming magkaibigan ni Rhana. Elementary pa lang. Magkaklase rin kami, elem pa lang. Kaya lang, nagkahiwalay ng dalawang taon dahil nagkaiba ng school na pinapasukan. Siya ay nag-stay lang dito sa private school. Ako ang nalipat sa public dahil sa suma-sideline na lang si Papa. But after two years, finally ay nakabalik na rin dahil nagkaro'n na rin sa wakas si Papa ng maayos na trabaho. Sa loob ng two years, masasabi kong napakaraming nagbago rito sa loob ng school. May nadagdag, at nabawas na guro. Si Sir Ken, last year lang siya rito nagsimula. Sa pagkakaalam ko ay fresh graduate siya. Batang-bata tingnan kung ikukumpara sa ibang guro. I think he's 24. "Bye, Micha! Mag-iingat ka!" Paalam niya sa'kin nu'ng nauna na siyang ibaba ng tricycle sa tapat ng bahay nila. Nagpaalam din naman ako pagbalik. Pagkatapak ko pa lang sa sahig ng aming bahay, isang malaking relief na 'yun para sa'kin. But then I saw my mother. Matamlay na nagamit ng cellphone. "Oh, 'Ma? Anong pinapanood mo?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. Lumapit ako at nagmano. Nagkaro'n ako ng pagkakataong makita ang kung anong pinapanood niya. Nanonood siya ng mga taong nagmumukbang. "Ma, kumain ka na ba?" Nakangiting tanong ko pero 'di na naman siya sumagot. Sa may kusina, nalaman ko na may naglalaga pala ng ilang mga hiwa ng kalabasa. Si tito panigurado ang naglalaga. Baka lumabas siya saglit, 'di ko siya makita, e. Makalipas ang ilang mga oras. Hapunan na. Handa na ang lahat. Kakain na kaming pamilya. Ako, si Papa, 'tong dalawa kong tito, at si Mama. Nakahiwalay siya sa'min. Nasa sofa lang siya. Iba ang ulam niya sa ulam namin. Kami ay malasa't mainit na sabaw, at syempre may lamang isda. Iyung kan'ya, mainit lang na sabaw. Since may sakit siya, bawal siya sa maaalat na pagkain. Ulam niya ngayon ay nilagang kalabasa. Nu'ng matapos ang lahat sa pagkain, ako na ang naghugas. At nu'ng natapos naman, nag-ayos na 'ko sa sarili. Oras na ng pagtulog. Sa mahabang sofa ako natutulog. Sila Mama at Papa naman ay sa kama nila. Iyung kama nila, gilid nu'n ay 'yung magkatapat na sofa. Since namamanas na si Mama, 'di na niya kaya pang umakyat sa taas. Buong katawan niya, namamanas. Mula ulo hanggang paa. Hindi namin alam kung ano ang dahilan kung bakit siya nagkakangan'yan. Hanggang ngayon kasi, 'di pa rin nalalaman 'yung result sa lab test niya. Buong ilaw sa loob ng aming bahay ay nakapatay. Tanging ang naninilaw na ilaw na nanggagaling lang sa santo niño ang nagana. Napabuntong hininga ko bago magsimulang magmuni-muni. Iyung kanina... Hindi kaya tama si Rhana? Na baka nga sobra 'yung pagpapahiyang ginawa ko sa lalaking 'yun kanina? Pero tama rin naman ang dahilan ko, 'di ba? E, si Sir Ken kaya? Hindi naman siguro siya nag-iisip ng malisiya, ano? Iyung nagkaklase siya ta's nakikita niya 'kong 'di nakatingin sa kan'ya. Pero nakikinig naman ako. Hindi naman siguro ako gaanong halat-- Teka! Bakit ba 'ko nag-iisip ng ganito about sa teacher na 'yun? At saka, anong halata halatang pinagsasabi ko? Hindi kaya nagkakagusto na 'ko sa kan'ya? Aish! Hindi, 'no! No way! *Ting!* Kaagad akong napatingin sa screen ng phone ko. Nakita kong may nag-pop up na message. Kaya naman binasa ko 'yun sa sariling isip. "Hi, Miss Sungit!" Napakunot ang noo ko sa nabasa. Sino naman kaya 'tong nag-chat sa'kin? Wala akong ideya kung sino 'to. Iba kasi ang pangalan niya, at iba rin ang profile picture. Pusa? May pusa bang nagamit ng social media? Malamang siguro dump account 'to. Tsk. Hindi naman mahilig sa ganitong trip si Rhana. So, sino naman kaya ang nasa likod ng account na 'to? "Mas maganda ka pala kapag nakaladlad ang buhok," dagdag niya. Tsk. Sino ba kasi 'to? Hindi na 'ko nagpaligoy-ligoy pa, pinindot ko ang video call sign at nag-antay na sagutin iyon ng kabilang linya. Wala pa man din ang isang minuto, sinagot nga nito ang tawag. Mas lalong kumunot ang noo ko, hindi ko mamukhaan kung sino 'to. "Tsk. Macky?" paninigurado ko nu'ng mediyo nagkaro'n ako ng ideya kung sino siya. Para siyang timang na tatawa-tawa sa kabilang linya. Anong nangyayari sa kaniya? Kinikilig ba siya? Tss. Kadiri. "Bakit?" tanong niya, tatawa-tawa pa rin habang panay ang takip sa bibig. "Tss. Himala? Bakit mo 'ko pinupuri, huh?" "Bakit?" Iniwas ko 'yung camera sa mukha ko. Hindi ko na rin kasi maiwasang matawa sa itsura niya. Para talaga siyang timang. Malamang siguro may gusto 'to sa'kin. Panay ang bungisngis siya habang iiwas-iwas sa camera kahit na nakikita pa rin siya. At nu'ng ako naman ang umiwas sa camera, nag-off siya ng cam. Hanggang sa nakigaya na rin ako. "Bakit ba?" tanong ko, nakangisi pero mediyo naiinis na rin ako kasi parang wala namang mangyayaring maayos na pag-uusap. "Bakit din?" Tsk. Muntimang talaga. At du'n. Nag-end na 'ko ng call. Wala siya sa ayos kausap. Ayaw ko talaga sa lahat 'yung pinapatagal 'yung usapan, at 'yung pinapaikot-ikot ako. Nag-chat pa siya sa'kin pero 'di na 'ko nag-reply. In-off ko rin for 24 hours ang notification niya. Ibig sabihin, 'di magpa-pop up ang message niya sa'kin sa loob ng 24 hours. Nagbasa muna 'ko ng ilang mga episode ng isang sikat na story sa isang reading app bilang pampaantok. At tumigil na rin nu'ng mediyo pumipikit-pikit na 'yung mata ko. "Ehg..." Nakapikit ako pero may naririnig akong parang ungol at kaunting ingay mula sa kama. Nu'ng mediyo nagising ang diwa ko, bumangon ako. Nakita ko si Mama na sinusubukang tumayo mula sa kama. For sure nakakaramdam siya ng pagkaihi. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Tinulungan ko siyang tumayo. At nu'ng nakatayo na, ilang segundo ko siyang pinag-antay para kunin ko ang arenola sa banyo. Pagbalik ko, nagising na rin si Papa. Nagtulong kaming dalawa para makaihi si Mama nang maayos hanggang sa makahiga na rin siya nang maayos. Ako naman ay bumalik na sa pagkakahiga. Bago ituloy ang naudlot na pagkatulog, inalam ko ang oras. Madaling araw na pala. A week later... Matapos kong mapahilamos sa mukha gamit ang tubig, napatingin ako sa sarili ko sa harap ng salamin habang nakapatong ang dalawang kamay sa mahabang lababo. The f*ck! Anong nangyayari sa'kin? Ano ba kasi 'tong nararamdaman 'ko? Sh*t! Hindi 'to pwede! Hindi! Please, self, umayos ka. Magtino ka! Mag-isip ka nang maayos! Tatlong biglaang pagkatok. Nainis ako sa pagkagulat, pero wala naman na akong magagawa dahil hindi naman ako ang may-ari ng school na 'to. Hindi lang ako ang gumagamit ng banyo rito. Pagbalik ko sa classroom, patuloy lang si Sir Ken na nagdi-discuss. Bumalik ako sa kinauupuan ko at nagsimulang mag-focus sa mga sinasabi niya. His lips... His cute face, his clear skin... It's all lovable-- The f*ck?! What am I even thinking! Ugh! "Uh, hey. Michaela, are you okay?" Saglit akong napalingon kay Rhana, at napangiti. "U-uh, yeah. I'm okay. Why? Do I look I don't?" "Ewan, but your hands are trembling," "O-oh! Haha! No, it's not. I mean, I'm okay. Don't mind it." Nagdi-discuss si sir but here I am, nakayuko at kung anu-ano ang pumapasok na mga salita sa isip. Sir Ken really filled my mind, and it's distracting me! I hate this. I don't like him. I'm not in denial, I'm really not into him! I got so much relief nu'ng natapos ang klase ni Sir Ken, at nu'ng lumipat na siya sa kabilang section. Akala ko ay ayos na kahit papaano dahil umalis na si sir, pero itong isa... "Ano?!" inis na pagkakatanong ko sa kaniya nu'ng nakita ko siyang nakatingin sa'kin habang may nakalolokong ngiti na para bang nang-aasar. "Wala, hehe." aniya. Napahugot ako ng hininga at saka sunod na ngumiti sa kan'ya, pinipilit na hindi 'yon magmukhang plastik. Ayaw kong magpahalata sa kan'ya kasi mahirap na. Ayaw kong isipin niyang may gusto ako kay sir kasi wala naman talaga! Tsk. Pag-uwi ko ng bahay, masiyadong mainit ang loob. Bakit? Masiyado kasing kulob. Ni ang mga bintana ay 'di nakabukas para lang sana kahit papaano ay makapagpasingaw, pero hindi. "Maglabas labas ka nga muna, hal. Buong araw ka nang nandito sa loob. Para kahit naman papaano naman ay madampian 'yang balat mo ng sariwang hangin," sabi ni papa. At iyon nga ay lumabas silang dalawa. Katulong 'yung tito ko sa pag-alalay kay Mama, sa paglabas hanggang sa pagpasok. Matapos naming kumain, ako ang naghugas. Ako naman na talaga ang naghuhugas simula nu'ng hindi na nakakakilos si Mama. Pero ayos lang 'yon, nang kahit papaano ay magkaro'n man lang ako ng silbi rito sa loob ng bahay. Eh? Habang naghuhugas ng plato, hindi ko alam kung ba't na lang napadako ang tingin ko sa direksiyon ni Mama. Saktong nakatingin lang din siya sa'kin na para bang kanina pa niya 'ko pinapanood. Wala pang ilang segundo, napagtanto kong nakangiti pala ako nang malawak. Ibig sabihin lang nito, naghuhugas ako ng plato nang nakangiti! Oh, fvck sh*t. Nagsisimula na 'kong mag-imagine ng mga fake scenarios na kasama siya! Sh*t.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD