Chapter 1
"Girl, mamaya ah wag kang aalma."
Naupo pa sa katapat kong upuan si Denice saka nagde-kwatro.
Sandali ko siyang sinulyapan saka nagbalik sa pag aayos ng gamit sa bag ko. Maya maya ay tumayo ito at kumapit sa braso ko.
"Lea, pre-graduation party na rin natin yun. Pleaseee." Niyugyog niya pa ako na parang ako ang nanay niya.
Ilang araw niya rin kasi akong kinukulit na magpunta sa birthday party ng boyfriend niyang si Shawn. At ngayon nakaisip na naman siya ng panibagong dahilan para pumayag ako.
"Speaking of graduation, hindi ba dapat magbeauty rest tayo para fresh tayong aakyat sa stage bukas?" Nagtaas pa ako ng kilay na ikinatulis ng nguso niya.
"Hapon pa naman yun, you still have a haft day Miss Magna c*m Laude."
Sinundot sundot pa niya ang tagiliran ko sa huli niyang sinabi. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Hays
"Saka puro ka aral sa loob ng 4 years, sige ka baka tumanda kang dalaga niyan." dugtong pa niya
Bahagya akong natawa saka kumalas sa kaniyang kapit. "Tumandang dalaga agad? Di pa nga ako gumagraduate eh. At isa pa, magiging CPA at milyonarya muna ako bago ko iyan isipin 'no."
Nangunot ang noo ni Denice saka nag cross arms. "Eleanor Dela Vign, don't tell me ginagawa mo parin 'yan para maipakita sa Dad mo kung ano at sino ang iniwan niya? Hmm?"
Napaiwas ako ng tingin saka nagsimulang maglakad palabas ng room. "Oo na, pupunta na ako mamaya." sagot ko na lang. Ayokong sagutin ang tanong niya.
"Iyon lang pala. Okay, I'll wait for you ha."
Maarte ang pagkakasabi niya saka muling kumapit sa braso ko. Bumitaw din siyang kaagad noong matanaw na si Shawn.
"Bye girl, see yah later."
Niyakap niya pa ako saka tinungo ang konaroroonan ni Shawn. She is a sweet and happy go lucky girl, palibhasa pinanganak na may golden spoon sa bibig.
Nagtungo na ako waiting shed sa labas ng aming University para hintayin ang grab car na ni-book ko. Haynako, dahil sa brinought up na topic ni Denice, napilitan tuloy akong umoo. Ayoko talaga sa mga parties lalo kung hindi pormal at hindi naman necessary na puntahan. But still, naka-oo na ako so I have no choice kundi ang pumunta.
Pagkarating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto upang makapagbihis. Pagkatapos ay nagluto naman ako ng miryenda sa kusina. Bitbit ang pancake at hotdog na paborito kong iluto sa hapon ay bumalik ako sa kwarto. Kinuha ko ang papel na naglalaman ng isinulat kong speech para bukas. Kinikilig parin talaga ako sa tuwing babanggitin nila ang pagiging magna c*m laude ko, para bang naglaho ang lahat ng pagod at puyat ko hindi lang ngayong year kundi pati na simula noong 1st year pa lang ako. Sobrang worth it!
Noong matapos ang pagkain ay bumalik naman ko sa kusina para naman simulan ang pagluluto ng dinner. At dahil espesyal ang araw na ito dahil bukas ay graduate na ako, kailangan ko ring magluto ng espesyal na ulam. Well, I don't think it is that special pero kasi favorite ni Mommy ang chicken curry. So, iyon ang iluluto ko.
It was 5:30 noong matapos ako sa pagluluto, naupo muna ako sa sala at nanuod ng TV habang naghihintay kay Mom. She's a marketing manager sa kompanya ng pamilya ni Denice.
Maya maya lang din ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Mabilis akong tumayo para salubungin si Mommy, kinuha ko ang bag na dala niya at saka ko siya niyakap ng mahigpit.
"Hays, wala na agad ang pagod ko. Thank you sweetie." Hinalikan niya pa ako sa noo saka ngumiti ng pagkatamis.
Ngumiti na lang din ako saka muli siyang niyakap. Noong magkalas ay nagtungo na siya sa kaniyang kwarto upang makapagbihis. Ako naman ay dumiretso na sa kusina para ihanda ang dinner namin.
Ganito lagi ang routine namin bawat araw. Mag isa kasi akong binubuhay ni Mommy sa loob ng tatlong taon, kaya naman mas lalong tumitindi ang kagustuhan kong maging successful sa tuwing nakikita ko siyang umuuwi na pagod galing sa trabaho. Kaunti na lang Mom, ibibigay ko ang stable na buhay sa iyo.
"Wow! My favorite. Anong meron?" masayang sabi niya noong makita ang hinanda ko
"Siyempre Mom, alam mo namang tomorrow is a big day."
Ang masaya niyang mukha ay napalitan ng teary eyes.
"I am so proud of you, sweetie."
"Mom, mas proud po ako sa inyo. Hindi ko po ito mararating kung hindi dahil sa 'yo, hmm?"
"Ah basta, I am so happy for you my magna c*m laude." aniya at kinindatan pa ako
Natawa na lang ako sa ginawa ni Mommy. Nagsimula na kaming kumain na may ngiti sa labi.
"Siya nga pala Mom, iniinvite ako ni Denice sa birthday party mamaya ni Shawn, pre-grad party na rin daw."
Wag kang pumayag Mom! Ikaw na lang ang pag asa ko para makalusot kay Denice.
Crossed fingers.
Tumingin muna siya sa kaniyang relo saka muling tumingin sa akin. "Maaga pa naman. You can go but, go home before 10pm."
Psh! Mommy naman e, ayoko ngang pumunta.
"Okay lang po talaga?" tanong ko pa. Baka sakaling magbago ang pasya niya.
"Yeah. I trust your friends, and I trust you more." Hinaplos niya pa ang kamay ko saka ngumiti. Napatango na lang ako. "Gamitin mo na rin yung kotse natin para hindi kana magpapahatid."
"Mom?"
Tama ba ang narinig ko? Gamitin ko raw ang kotse? Weh?
"Yes, you can use the car. Kaya sige na at bilisan mo riyan."
Tumango na lang ako saka ngumiti. Hindi talaga ako pinapayagan ni Mommy na magdrive lalo pag gabi, but look siya mismo ang nag offer sa akin.
"Oh iwan mo na 'to sa akin, gumayak kana." sabi niya, tinutukoy ang soiled dishes
"No Mom ako na-"
"I said leave it to me. Sige na, I'm sure naghihintay na yun si Denice."
I sighed. "Thanks Mom."
Pumasok na ako sa kwarto ko at saglit na nagshower. Nagsuot ako ng yellow wrap dress na pinarisan ko ng pumps. I put a light make up and then I let my hair untied.
"Uhm, drive safely ha, and before 10 nakauwi na." bungad ni Mom pagkalabas ko
"Don't worry Mom, 9pm pa lang nandito na ako." natatawang tugon ko
Nanulis pa ang nguso niya saka ako inakbayan patungo sa carport.
"Bye Mom, magpahinga kana po."
Hinalikan ko pa siya sa pisngi bago tuluyang sumakay sa kotse at magmaneho palabas ng gate.
Habang nagmamaneho ay naisipan kong icheck ang aking cellphone na ini-silent mode ko kanina. And as I expected tadtad na ako ng texts and missed calls from Denice. I didn't bother to call her back, hayaan kong isipin niyang di ako pupunta.
After a few minutes of driving ay huminto na ako sa isang mataas na gate ng Mansion nina Shawn. Hinintay kong magbukas ito saka ako tumuloy sa loob. Dinig na dinig ko na ang ingay ng tugtog mula sa backyard kung saan ginaganap ang party.
"Lea!" tili ni Denice saka patakbong lumapit. Mahigpit niya akong niyakap na akala mo ay noon lang kami nagkita. "Akala ko 'di ka na pupunta." nanulis pa ang kaniyang nguso
"Matitiis ba kita?"
Mukhang kinilig naman ito at napairap pa. "Ow, so Mommy A let you used her car?" namamangha niyang saad
"Siya pa nga mismo nag offer e. Ganoon talaga pag mabait na anak, pinagkakatiwalaan." Ipinagdiinan ko pa yung huli kong sinabi.
Agad nanulis ang nguso niya saka muling napairap. "Wala akong naririnig." Tinakpan niya pa ang dalawang tenga saka nagsimulang lumakad.
Natatawa ko na lang siyang sinundan. Palibhasa sobrang pasaway at minsan ay sakit sa ulo ng parents niya. We are indeed a total opposite.
"Happy birthday Shawn. Take Denice as my gift, okay?" pabirong bati ko rito
"Thanks for coming Lea, and I accept your beautiful gift." Inakbayan niya pa si Denice at hinalikan sa noo.
Okay I'm out.
"Chill babe, may naiinggit." panunukso ni Denice
Bahagya pa akong natawa saka ko inirapan si Denice. But, wala akong inggit na nararamdaman. I am single, happy, and contented.
Dumiretso na kami sa sofa table kung saan nandoon rin ang iba pang barkada ni Shawn. He's an civil engineering student, so lahat ng nandito except sa amin ni Denice ay soon to be Engineers.
"Let's eat. Hinintay talaga kita." sabi pa ni Denice saka ako hinila patungo sa buffet
Nangingiti na lang ako. Kahit total opposite kami ng babaeng 'to, naging magkasundo parin kami. Siguro ay dahil sa isa't isa namin nahanap ang kapatid, pareho kasi kaming only child ni Denice.
Bago magtungo sa round table ay dumampot na rin ako ng glass of iced tea. Nakita ko pa ang pagbungisngis ni Denice. This is one of many reasons kung bakit ayokong umattend sa mga party. I don't drink alcohol. And never in my life that I tried tasting it, as in never.
"So what are your plans after our graduation?"
I sip my iced tea. "Magrereview para sa board."
"Aral na naman?!"
Maka-react akala mong hindi ko paulit ulit sinasabi sa kaniya yun. Psh
"You know, plano kong magtravel for one month, gusto mo bang sumama? Sagot ko lahat." Nilawakan niya pa ang ngiti.
Mabilis akong umiling. "Thank you but no thank you girl, alam mo namang may timeline na ang buhay ko diba?"
"Hmp!" Nanulis pa ang kaniyang nguso saka umirap. Tinawanan ko na lang siya.
Noong matapos sa pagkain ay bumalik na rin kami sa table nila Shawn. Agad dumampot ng glass of tequilla si Denice. Okay, I'm out again.
Pinagmamasdan ko lang kung gaano nila kabilis lagukin ang alak sa kani kanilang baso.
Salin
Inom
Tawanan
Wow! Bakit di ko kaya yun? Pero pakiramdam ko ay nalalasing din ako sa panonood sa kanila. Hays
Maya maya ay nakita ko ang pagtayo ni Shawn. Mukhang mayroon pang bisita na dumating.
Bwisita.
"Hi Lea my love?" nakangising abot tenga na bati sa akin ni Price. If I only know na pupunta siya, hindi talaga ako aattend. "Hindi sana ako pupunta, pero noong nalaman kong nandito ka, mas mabilis pa sa kidlat na gumayak ako. Anyways, you look so beautiful as always." kumindat pa siya at akmang aakbayan ako
Mabilis akong umiwas sa kamay niya. "Thank you." hilaw na sagot ko saka pasimpleng ngumiti, "Excuse me, powder room lang ako."
Hindi ko hinintay ang sagot nila at mabilis na akong nagtungo sa powder room. Pakiramdam ko ay tumataas ang dugo ko dahil sa aroganteng lalaki na yun. Okay, add ko na rin siya sa reasons kung bakit ayoko sa mga party. Jerk.
"Walk out?" Natatawang si Denice. Sinundan niya pala ako.
"Bakit di mo sinabing pupunta yun?" Nagpamewang pa ako.
"Oy siya na mismo nagsabi ah, hindi dapat siya pupunta."
Napairap na lang ako.
"Saka bakit ba masiyado kang allergic kay Price? Ang gwapo kaya nun. Kung wala nga lang akong Shawn, baka isa ako sa mga patay na patay doon." pabulong niya pang sinabi ang huli
Napa-ismid ako. "Gwapo nga mayabang at arogante naman. Saka ikaw, ang hilig mo sa gwapo 'no?"
Bahagya pa siyang natawa saka nag slow clap. "Look who's saying. Eh ang gwapo rin kaya ni Shendon, ang ex mong magaling." napabungisngis pa siya
Tumabang ang mood ko noong banggitin niya ang pangalan ni Shendon na womanizer. Well, naka-moved on na rin naman ako.
"Exactly! Kaya nga ayoko na sa gwapo kasi mayroon akong kasabihin 'ang lalaking gwapo, ang jowa ay tatlo."
Mas lalong napahalakhak si Denice. Nahahawa na rin tuloy ako.
"Haynako girl, mukhang tatanda ka talagang dalaga."
Napailing na lang ako saka umirap. Ayan na naman tayo sa pagtandang dalaga na paborito niya yatang gawing topic. Psh
"Ay, uuwi na pala ako."
Mag aalas nuebe na kasi ng gabi. At isa pa ayoko talagang nasa paligid ko ang aroganteng lalaki.
"It's so early pa ah."
Tiningnan ko siya ng seryoso saka ako nagtaas ng kilay. Napabuntong hininga na lang siya saka tumango.
Lumabas na kami ng powder room at bumalik sa table para magpaalam kay Shawn.
"Happy birthday ulit Shawn, mauuna na ako."
"Thanks for coming Lea. Teka, ipapahatid na kita sa driver."
Agad akong umiling. "No need. I brought mom's car."
Napatango na lang siya saka ngumiti. Maglalakad na sana kami patungo sa parking noong biglang humarang sa sa akin si Price.
"Dumating lang ako, uuwi kana agad? You're hurting me, my love." Hinawakan niya pa ang kaniyang dibdib. Pasimple kong kinurot ang kamay ko, nakakairita talaga ang pag ganap niya.
"Hindi naman. Sadyang oras na talaga ng pag uwi ko." Nagpakita pa ako ng simpleng ngiti.
I really want to be mean at him. Hindi nga lang ako ganoon. Psh
Iginiya na ako ni Denice patungo sa parking. Nakabuntot din sa amin ang dalawa.
"Mag ingat ka ha." niyakap pa ako ni Denice
"Drive safe, papakasalan mo pa ako." hirit pa ni Price
Ayoko na lang siyang patulan pa, ang mahalaga ay uuwi na ako.
I smiled and nodded. "Mauna na ako. Enjoy the party." sabi ko na lang bago tuluyang sumakay sa kotse
Nagsimula na akong magmaneho palabas ng driveway ng mansion. Thanks God, puwede na akong magrelax.
Payapa akong nagmamaneho sa kahabaan ng Segovia Road. Mas lalo pa tuloy napaaga ang pag uwi ko dahil sa pagdating ni Price. Well, mabuti na rin iyon.
Bahagya pa akong napapaindak habang sinasabayan ang mga kanta ng boygroup na Westlife, nakakaaliw talagang magmaneho pag gabi.
I was about to take a right turn papasok sa village namin, ngunit isang humaharurot na kotse ang lumitaw mula sa left road. Hindi ko na nagawang pumihit pakanan dahil ang kamay ko ay ginamit ko na lang pansalag sa kotseng tutumbok sa akin. I know that sounds stupid pero nablangko na ang utak ko dahil naunhanan na ako ng kaba at pagkataranta.
Isang malakas na impact ang tumama sa kotseng sinasakyan ko. Bumangga siya sa backseat, ang lakas na halos ay mapaikot ang sinasakyan ko. Halos hindi ko maramdaman ang katawan ko, patay na ba ako?
Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko, at bago ko pa man masulyapan ang sasakyang bumangga sa akin ay isang mainit na likido ang dumaloy sa mukha ko. Hindi ko makita ng malinaw ang nasa paligid ko.
Malabo.
Shaky.
Bumibigat ang talukap ng mga mata ko habang tuloy sa pag agos ang mainit na likido. Is this my end?
"Mom.."
Tila isang abstract painting ang nakikita ng mata ko.
Lord please, hindi pa po ako handang mamatay.