Nagising ako sa isang kulay puting kwarto. Una kong tiningnan ang nakatusok sa kamay ko.
"Mom?"
Agad kong naaninag ang pagtayo at paglapit niya sa akin. Mugto ang mga mata niya dala na rin siguro ng pag iyak at puyat sa pag aalala.
"I'm sorry Mom."
Tumulo ang luha niya saka ako niyakap at hinalikan sa noo. "It's not your fault sweetie. Ang mahalaga ay buhay ka."
Bahagya akong napangiti. Thank you po Lord, salamat sa pangalawang buhay na pinahiram n'yo.
"Mom, what time is it?" Sinubukan ko pang ibangon ang ulo ko noong maisip kung anong araw ngayon. It was our graduation day.
"Lea don't tell me-"
"Mom, gusto ko pong pumunta sa graduation day namin. Pupunta po ako." Pinilit kong maupo, at nagawa ko naman. See? Kaya ko.
"Pero hindi ka pa puwedeng lumabas, may mga test pang kailangang gawin." giit pa ni Mommy
Kinuha ko ang kamay niya saka ko iyon inilagay sa mukha ko. "Please, apat na taon ko pong hinintay ang araw na ito. We can just go back here after the ceremony." pangungumbinse ko pa
Mom sighed then nodded. Hindi ko maiwasang mapangiti. I have waited for four years, hindi ako mapipigilan ng aksidenteng iyon. Mabuti na lang talaga at hindi ako ang upuan ko ang natumbok ng kotse, dahil kung nagkataon ay baka pinaglalamayan na ako ngayon. Bago lumabas ay pinapirma muna kami ng waver sa hospital. Hindi pa nga kasi talaga ako dapat lumabas.
Naka-cast ang kaliwang braso ko at mayroon din akong dalawang tahi sa noo. But that doesn't matter, hindi na baling pangit ako sa picture basta makaakyat lang ako sa entablado.
Pagkauwi ay tinulungan ako ni Mommy na maligo, siya na rin ang nag apply nag hair and make up sa akin.
"Sure ka, kaya mo talaga Lea?" tanong pa niya noong dumating na ang taxi na sasakyan namin patungo sa University
"Yes Mom." masayang tugon ko
Inalalayan niya na ako papasok at habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mapangiti. Matatapos ko ang unang hakbang patungo sa inaasam kong tagumpay. Hindi ko na inisip ang nangyaring aksidente, hindi ako nun mapipigilan.
"Oh my God! Lea?!" Nanlalaki ang mata na salubong ni Denice. "Why are here? I mean, hindi ba dapat nasa hospital ka?"
"Puwede bang mawala ang magna c*m laude?" natatawang bulong ko sa kaniya
Tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala. Napapailing pa siya. Ngayon nga lang naging matigas ang ulo, ganoon niya pa ako tingnan.
"Congratulations Lea, saka magpagaling ka ha." sabi ni Ma'am Jeneva, mommy ni Denice
"Thank you po Ma'am."
"Nako, iyan ka na naman eh. Hindi ba at sabi namin tito at tita mo na lang kami tawagin. Amalie, itong anak mo manang mana talaga sa iyo." natatawang saad ni Sir—Tito Dimitri
Nagtawanan na lang kami at nagpatuloy na sa pagpasok sa bulwagan ng University. Nasa likuran ko lang si Denice kaya naman maya't maya ang pagkumusta niya sa nararamdaman ko.
Maayos naman akong nakaakyat sa entablado para kuhanin ang diploma ko. Ngunit noong magbalik na sa upuan ay doon ko naramdaman ang bahagyang paggewang ng paligid.
Inhale. Exhale. Inom ng tubig. Iyon ang ginawa ko upang makalma ang aking sarili. Bunga lang marahil ng mga gamot na ininom ko kanina.
"Summa c*m Laude, Eleanor Vasquez Dela Vign"
I took a deep breath bago ako umakyat sa entablado at kuhanin ang award ko.
Mukhang nawala na talaga ang pagkahilong naramdaman ko kanina. Salamat naman dahil susunod na yung. . .
Hala yung speech!
Nakalimutan ko pala yung papel kung saan ko isinulat ang speech ko. Relax Lea, ilang beses mo nang binasa iyon. Sinubukan kog alalahanin sa isip ko ang mga sinulat ko pero hindi ko maalala ng buo. Sumasakit ang ulo ko sa t'wing pipilitin kong alalahanin iyon. Oh God! Nagka-amnesia ba ako?
"Denice, naiwan ko yung papel ng speech ko, and I can't barely remember what I've wrote there." mahinang sabi ko
She tap my shoulder. "Di mo naman kailangan ng written speech. Just speak from the heart, duh ikaw pa ba?"
Napangiti na lang ako. Tama naman siya, kaya ko naman mag impromptu speech pero kasi mayroon akong mahalagang sinulat na alam kong makaka-inspire sa iba, pero hindi ko nga maalala. Is this a temporary memory loss o baka dahil sa anesthesia. I don't know, dahil sa sobrang excited ko na makapunta sa graduation ay di ko na inalam kung ano nga bang lagay ko.
"Ngayon naman pakinggan natin ang Magna c*m Laude mula sa Accountancy department, Eleanor Dela Vign."
Masaya akong tumayo at nagbow ng pasasalamat sa lahat ng pumapalakpak, lalong lalo na kay Mommy. Sinimulan ko ng maglakad paakyat sa entablado.
Inalalayan pa ako ni Mr. Rivera patungo sa podium. Napabuntong hininga muna ako bago tumayo roon at hinarap ang mga estudyante't magulang. You can do it, Lea!
"Good afternoon parents and professors. And ofcourse, Congratulations sa atin mga kapwa ko ko estudyante."
Panimula ko habang malawak ang ngiti. Ayokong ipahalata na kinakabahan ako.
"Una-"
Napahinto ako noong may biglang gumuhit na pagkirot sa ulo ko kung nasaan ang tahi. Napayuko ako. Masakit, galing sa loob ang kirot.
"Lea, are you okay?" Lumapit pa sa akin si Mr. Rivera.
Sinikap kong ngumiti saka ako bahagyang tumayo. Muli akong tumuon sa audience, pero hindi ko makita ng malinaw ang kanilang mga mukha.
"Mom.."
Mas lalo pang tumindi ang kirot hanggang sa tuluyan ko ng hindi madistinguish ang nakikita ko. Unti unti ko ring naramdaman ang tila paggewang ng paligid ko hanggang sa tuluyang mawala ang lakas ng aking mga tuhod. Malakas na sigawan ang naulinigan ko bago tuluyang magsara ang aking mga mata.
Muli akong nagising sa kulay puting kwarto, nasa hospital ulit ako. Sa halip na tawagin si Mommy ay ipinikit ko na lang ang aking mata, pakiramdam ko ay masiyadong pagod katawan ko.
Nagising ako dahil sa paghaplos ni Mommy sa buhok ko.
"Lea.." Bakas ang labis na pag aalala sa kaniyang mukha
"Mom, ano pong nangyari sa akin?"
"Nahimatay ka habang nasa entablado at magsasalita para sa speech mo. Mabilis ka naming dinala rito."
Napatango ako. "Mom, ano pong diagnosis sa akin?"
"Kailangan mo lang daw ng pahinga. Thanks God at maayos ang resulta ng MRI mo."
I heaved a sigh of relief.
"Magpahinga ka lang diyan, hmm."
Ngumiti na lang ako saka muling iniayos ang ulo sa pagkakahiga. Akala ko ay may malaki ng problema kung bakit ako nahimatay. Pero bakit nga kaya tila nagka-memory loss ako? Sinulyapan ko si Mommy pero sinarili ko na lang ang katanungan kong iyon. Pagod na siya sa trabaho at heto nagdagdag pa ako ng problema. Epekto nga lang siguro ng gamot iyon.
Sana nga.