Kinabukasan din ay pinayagan na akong umuwi ng doctor. Niresetahan niya lang ako para sa mga natamo kong sugat, babalik na lang ako pag kailangan nang tanggalin ang tahi sa aking noo.
Si Denice ang sumalubong at naghatid sa amin pauwi. Hindi siya paawat sa pagsabi kung gaano siyang nag alala noong himatayin ako. Akala niya raw ay ginawa ko iyon dahil nakalimutan ko ang aking speech. May kalokohan din talaga.
"Magtravel na kasi tayo, isipin mo second life mo na 'to. Kailangan nating icelebrate yun."
Nasa sala kami habang naghahanda ng lunch si Mommy.
"Denice, God gave me 2nd life para tuparin ko ang mga pangarap ko. Sobrang thankful ako na nabuhay ako, pero mayroon akong priorities. Alam mo 'yan."
"Okay fine. Edi magreview na lang tayo."
"Tayo? Akala ko ba-"
"Hindi kasi ako papayagan pag di kita kasama." Nakatulis ang nguso niya.
Natatawa ko siyang sinulyapan. Kaya naman pala panay ang kulit sa akin, iyon pala ang dahilan.
"Okay, tayo." panunukso ko pa na mas nagpatabang sa mukha niya
Makalipas ang ilang minuto ay inanyayahan na rin kami ni Mommy para sa lunch. Matapos nun ay inihatid ko na si Denice sa labas, mukhang may date pa yata sila ni Shawn.
"Thank you ulit sa paghatid."
"Don't mention it. Anyways, pag nagbago ang isip mo tawagan mo agad ako ah. Overseas trip girl." hirit niya pa
Tumango tango na lang ako habang natatawa. Kahit ano pang pilit mo Denice, pangarap muna talaga bago ang lakwatsa.
Pagkabalik sa loob ay dumiretso na ako sa kwarto para makapagpahinga. Pero bago mahiga ay may naalala ako, iyong speech letter.
Habang binabasa ay hindi ko maiwasang mapakunot noo. Hindi ko parin talaga maalala kung kailan, saan, o anong nararamdaman ko habang sinusulat iyon. Para bang hindi ako ang gumawa nun. Weird.
Tiniklop ko na iyon at saka inipit sa journal ko na nasa drawer. Hindi ko ugaling mag isip sa mga bagay na nangyari na, dapat palaging ang bukas ang iisipin ko. Hindi ko man maalala kung paano ko sinulat iyon, ang point ay ako parin ang nagsulat. Maaalala ko rin yun, at may mas mahalaga pang bagay kaysa roon.
Iniayos ko na ang kama ko, dahan dahan lang dahil naka-cast parin ang left arm ko. I sighed and smile, nagawa ko na ang unang hakbang. I'll be a CPA, soonest.
Isang linggo ang inilaan ko sa pagpapagaling. At noong hindi ko na kailangang magsuot ng cast ay inaya ko na agad si Denice na mag enroll sa isang review center para sa board exam.
Para itong bata na nakasimangot at nagtatantrums noong magkita kami. Hanggang sa huli ay ipinipilit niya parin na magtravel kami.
"Final decision na talaga?" hirit niya pa noong nasa admin na kami
"Yes, 100% sure. Wag kana sumimangot diyan, sabay tayong magiging CPA."
Napairap na lang siya at nagtuloy sa pagsumite ng dokumento at pagbabayad.
Ilang araw lang din ay nagsimula na kaming pumasok sa Review Center, mabuti na lang at may nakuha pa kaming pang umaga na slot.
"Hays! Tinutubuan na ako ng wringkles sa kakaaral. Ayoko na..."
Para na namang bata na nagta-tantrums si Denice.
"Nag aaral ka riyan. Pumapasok ka lang naman para magreklamo e." Natatawang sabi ko.
"Ganoon na ba kahalata?" Kumapit pa siya sa akin, tumango naman ako kaya pareho na lang kaming natawa.
Totoo naman kasi yun e, sa halos dalawang buwan na pagpasok namin ay walang araw na hindi siya nagreklamo. Ako naman ay mas lalo pang naging pursigido. Pagkarating sa bahay ay nag aaral parin ako, at yung pader ng kwarto ko ay pinuno ko na ng mga notes na kailangan kong matandaan. Kung literal nga lang ang tinatawag nilang sunog kilay ay malamang panot na talaga ang kilay ko. Pero ayos lang yun, alam kong magiging worth it din lahat ng paghihirap ko. Sana
Kasalukuyan akong nasa taxi patungo sa review center noong tumawag si Denice.
"Hello girl, di muna ako papasok ah."
"Ha? Bakit na naman? Absent ka na kahapon ah."
"Pupunta kaming Baguio ni Shawn. Sama ka?"
"Ikaw talaga, pag nalaman 'to ng parents mo malalagot ka."
"Kaya nga kita tinawagan para di nila malaman. Oh basta pag nagtanong sila, alam mo na ah. Love you Lea, study harder."
Narinig ko pa ang paghalakhak niya. Haynako! Ang babaeng iyon talaga, walang panghihinayang sa binayad nila rito sa center.
Habang papalapit ng papalapit ang araw ng board exam ay mas lalo akong tumutok sa pag aaral. Hindi lang kasi ang pagpasa ang habol ko, kundi pati na rin ang pumasok sa topnotcher. Malaking advantage kasi iyon sa pagpasok sa trabaho at siyempre may reward din galing sa review center ang mga topnotchers. Malaki rin iyon ah.
"Mom, kinakabahan po ako."
Napabuntong hininga pa ako noong huminto na kami sa University kung saan gaganapin ang exam.
Kinuha ni Mommy ang kamay ko saka ngumiti. "Lea, naniniwala ako sa kakayahan mo. Nakita ko kung gaano ka nagpursige sa pag aaral. Kaya mo yan sweetie." Hinalikan niya pa ako sa noo saka niyakap.
"Paano ba yan, kailangan na kitang iwan. Baka ma-late na ako sa trabaho."
Tumango na lang ako saka niyakap ko siya ulit ng mahigpit para kumuha ng lakas. Kaya mo iyan Eleanor!
Maya maya ay dumating na rin si Denice, naka-all smiles ito sa akin. Wala man lang bakas ng kaba sa mukha niya.
"Kinakabahan ako." sabi ko
"My God! Ikaw pa ang kinabahan e ikaw nga riyan ang sunog kilay sa pag aaral."
"Di ko mapigilang kabahan e. Ikaw ba hindi ka kinakabahan?"
"Kinakabahan rin." simple niyang sagot
Napakunot ang noo ko at sinipat sipat ko pa ang mukha niya. "Saang banda ang kinakabahan diyan?"
Napairap pa siya saka napa-bungisngis. "Eh, kaunti lang kasi. Saka ikaw wag kana kabahan okay, I'm 101% sure na papasa ka."
Tumulis pa ang nguso ko saka kumapit sa kaniyang braso. Nagpatuloy na kami sa pagtungo sa room kung saan gaganapin ang unang araw ng exam.
Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hinga bago ko buklatin ang test booklets. You can do it Lea. "Yes" bulong ko sa utak ko noong mabasa ang mga tanong. Ang sarap sa pakiramdam pag alam mo yung sinasagutan mo. Nagpatuloy na ako sa pagsagot at tuluyan na ngang nawala ang kaba sa dibdib ko. Ganiyan nga...
"Oh what's with the frown face?"
Nakasimangot kasi si Denice noong magkita kami sa labas matapos ang apat na oras na exam.
"Gosh! Ni isa yata wala akong siguradong sagot." Napairap pa siya. Natatawa na lang tuloy ako. "At ikaw ang ganda ng ngiti mo ah? Na-perfect mo ba?"
"Psh. Natutuwa lang ako kasi pinag aralan po kaya natin lahat ng lumabas sa exam."
Napa-kibit balikat pa siya saka muling umikot ang mata. "Whatever. Tara, I'm hungry na."
Hindi na ako sumagot dahil hinila niya na ako patungo sa kotse niya.
Noong makauwi ay bitbit ko parin ang saya at ngiti. Pero, paminsan minsan ay sumisingit ang kaba lalo at may dalawang araw pang natitira. Mas pinili ko na lang ipahinga ang katawan at isip ko nung hapon na iyon, baka pag nagreview pa ako ay sumuko na ang aking braincells.
Nagawa ko ngayon, magagawa ko ulit iyon.
Laban lang Eleanor!
Lumipas pa nga ang dalawang araw ng board exam. At masasabi kong masaya ako sa nagawa ko, hindi naman sa pagmamayabang pero karamihan sa sagot ko ay sigurado. I hate to say it, pero nasa point na ako na expected ko nang papasa ako. Ugh! Di ko dapat gawin iyon.
I kno expectation leads to dissapointment. Pero hindi ako bibiguin ng sarili ko.
Oh crap, Lea. Stop it.